Wattpad Original
Mayroong 5 pang mga libreng parte

Prologue

202K 3.2K 176
                                    

Prologue

IMINULAT NI VERA ang kanyang mga mata matapos mabalik ang ulirat. Napansin niyang nakagapos ang kanyang mga kamay sa likuran pati ang kanyang paa habang nakalambitin patiwarik sa isang matibay na bakal na nagmumula sa sira-sirang kisame.

Mabilis na naglangitngit ang kanyang panggigigil nang maalala kung paano siya nakarating sa ganitong lugar.

Trojan...

Mukhang naisahan siya ng binata. Kahit na inaasahan na niya ang potensyal nito sa pakikipaglaban ay hindi niya pa rin ganoong inasahan na bumalik sa kanya ang gusto niyang gawin dito kagabi.

She lifted her upper body up upang hindi tuluyang mapunta sa kanyang ulo ang dugo. Pinakiramdaman niya ang tibay ng mga lubid na ipinangtali sa kanya. Mas lalo siyang nanggigil nang mapag-alamang gawa sa pinakamatibay na materyales ang mga lubid.

I'll push you to your own grave. Trojan, bear that on a stone!

She needed to think fast. Hindi niya kayang tantyahin ang gumawa nito sa kanya lalo pa't mukhang sa kanyang sapantaha'y umalis lamang ito saglit at babalik din maya-maya.

Her eyes landed on a long thick wood na may nakatarak na itak doon. Hindi sa itak siya mismong nakatingin. Sa maliit na bag na itim na nakasabit doon lumapat nang husto ang kanyang paningin.

That's her bag na naglalaman ng mga gamit sa personal niyang trabaho. Damn! Kailangan niya iyon. Alam niyang naroroon ang bagay na kailangan niya upang makawala sa mga matitibay na lubid na ito.

Siya'y napangisi nang makakita sa taas ng kisame ang putol na mga kahoy, na kasalukuyang magkausli at puno ito ng pako sa paligid. Sa kaliwa naman ay isang mahabang tubo na siyang nakaalalay sa isang bahagi ng kisame at siyang tanging sandalan kung kaya't hindi pa giba ang buong lugar.

Sinanggi niya ng sariling katawan ang tubo. Nang matamaan iyon ay naglangitngit ang kisame at biglang bumaba ang taas ng kanyang pagkakagapos. She forced herself down upang mas makahiga sa sahig.

Rinig na rinig niya ang kalampag ng mga naghuhulugang mga sira-sirang parte ng kisame, sa sahig at mga alikabok na bumalot sa hangin. She closed her eyes and stopped her breathing for a moment. Nang tumahimik ay mabilis niyang ginamit ang dulo ng lubid at hinagis sa nakatarak na itak. Pagkahila niya'y lumatag iyon sa isang parallel flat wooden board at dinaganan niya ang dulong parte na nakaangat upang tumilamsik sa kanya ang mismong bag.

Nakuha niya sa bag ang isang patalim na kayang pumutol sa kanyang pagkakagapos.

After she untied all the ropes, she quickly pulled out a small gun from her small bag not far from her.

Hindi na siya naghintay pa ng kung anu-ano at mabilis siyang lumabas sa lugar na iyon. But to her surprise...

She stopped running when she heard a clap from an expected guy.

"I thought you would not be able to escape from that house...Virus."

"And I don't expect that you put me in a place where escape is very cushy."

He smirked at her, and she didn't like it.

"Very well, but it doesn't change the fact that I need you—"

"I will never come with you."

Sandaling natahimik silang dalawa. Nagkakatitigan nang matalim sa isa't isa at animo'y may kuryenteng nababalot sa kanila.

Maya-maya'y bigla siyang nagsalita.

"You still haven't changed a bit, Trojan...Pustahan tayo, ginagawa mo lang 'to hindi dahil sa misyong nakaatang sa pagiging God of Death mo. Dahil may in-offer silang mas kinatuwa mo. I know that you're still looking for power and authority. Nothing more, nothing less..."

She saw how his fist clenched, and his forehead crumpled because of what she has said. Dahil sa pinakita nitong reaksyon, may gumuhit na ngisi sa kanyang labi.

"It looks like I hit the spot, aren't I?" mapang-asar niyang utas.

"You know me?"

"But of course, I know you... Evo Montreal."

Kung kanina'y ang cool pa ng awra nito nang magpang-abot sila sa labas, ngayon... para itong natutop at punung-puno ng tanong. Base na rin sa hiltasa ng mukha nito.

"Fine." Napatingin sa kanya ang binata nang siya'y magwika. "I'll take the gamble."

Katulad kanina. Nakakunot-noo pa rin ito at tila hindi nakuha ang gusto niyang sabihin. Kung kaya't lumapit siya rito at bumulong.

"I'll come with you... whatever happens to me, so be it."

Inilayo niya ang mukha nito sa kanya at siya'y muling ngumisi. "What are you waiting for? Call your Commander and tell him the good news..."

Walang anu-ano'y may pinindot ang binata sa earpiece nito. Pagkasabi pa lang nito ng unang salita ay binulong niya ang katagang bagay na bagay sa codename niya.

"Sir...Virus Detected."

Virus DetectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon