Maddison's POV
*ring ring ring*
Pinatay ko ang alarm at nag stretching ako, haaaay! Dumeretso ako sa banyo para maligo, nag ayos na ako at pumunta sa baba. Pag dating ko sa baba ay naka handa na ang breakfast at andun na din si mommy."Good morning Madisson, anak." Bati saakin ni mommy habang papalapit ako pumunta sa table.
"Good morning, mommy." Bati ko sakanya at umupo na ako para kumain. Kumain na ako at pagkatapos nun ay nag ayos ako ng sarili ko tsaka papasok na ulit sa school.
"Mommy, pasok na po ako." Sabi ko kay mommy habang naglalakad papunta sa gate.
"Take care anak, mag iingat ka." Pahabol ni mommy at umalis na ako sa bahay. Sinimulan ko nang maglakad papuntang school, malapit lang ang school ko sa bahay namin. Ilang liko lang at andun kana, pag dating ko sa school ay binati naman agad ako ng guard.
"Good morning, Ma'am!" Bati ni kuya habang pinagbubuksan ako ng gate.
"Good morning, Kuya!" Bati ko sakanya at ngumiti. Naglalakad ako sa corridor papunta sa room namin, wala pa namang klase kaya nag ikot-ikot muna ako. Umupo muna ako saglit sa bench at tinext si mommy.
To: Mommy
Mommy, baka late ako umuwi mamaya dadaan pa ako ng library.Ipinasok ko na ang phone ko sa loob at inilabas ang aking libro para magbasa, may quiz kasi kami ngayon.
Maya maya pa ay may tumamang bola saakin, ARAY!?
Sa sobrang sakit ng pagkatama saakin ay pinulot ko yung bola, "Sinong nag bato saakin netoh?!" Tanong ko habang nakahawak sa bola.
May lumapit saaking tatlong lalaki, naka varsity shirt sila. Lumapit yung isa saakin at kinuha yung bola,
"Oh I'm sorry Miss." Sabi ng isang lalaki na lumapit saakin.
"Sa susunod, wag lang kayo basta basta nagbabato ng bola!? Hindi niyo alam kung sino matatamaan niyo!" Inis na sinabi ko, at tumawa lang sila. MUKHA BA KONG KATAWA TAWA?!
"Hahahaha, at sino ka naman para sundin ka namin?" Sarcastic niyang tanong saakin habang palapit siya ng palapit saakin.
"Please lang, mag iingat kayo sa susunod.." Kalmado kong sinabi at tawa padin sila ng tawa, ANO BANG NAKAKATAWA?!
"Hahahaha, mauna na kami miss." Sabi niya saakin sabay kindat, yuck! Akala mo naman gwapo! Well, gwapo nga pero ang pangit ng ugali! Umalis na sila at umalis na din ako, baka mamaya ay kung ano pa magawa ko sakanila!
Pumasok na ako sa room at eksaktong andito na ang teacher namin.
"Good morning class."
"Good morning Sir Palacio."
Discuss.
Break time.
Break time na at niyaya ko si Kim, ang bestfriend ko, na pumunta sa canteen at kumain. Um-order muna kami ni Kim at umupo.
"Grabe pahirap na nang pahirap ang lessons natin! Di ako makapag focus." Kwento ni Kim habang kumakain na ako. Di ko nalang siya pinansin at tumango nalang ako, maya maya pa ay may pumasok na tatlong lalaki sa pintuan at nag tilian naman ang mga babae dito.
"Waaaaaah! Ang gwapo nilang tatlo!"
"Ang gwapo ni Jacob!"
"Mas gwapo si Justin, duh!"
"Psh, walang tatalo kay Tyler!"
Rinig na rinig ko mga sinasabi ng babae habang nakatingin sa tatlong lalaki, nagulat nalang ako na sila yung nakita ko kaninang umaga! At yung isang lalaki, siya yung bumato ng bola saakin! Tsk.
"Kim, alam mo ba siya yung bumato ng bola saakin kaninang umaga?!" Inis kong itinuro yung lalaking nasa gitna, at nagulat naman si Kim.
"What!? Alam mo bang sila yung Varsity player sa basketball, at yang lalaking yan bully yan eh!" Sabi naman ni Kim na ikinagulat ko, BULLY?!
Tinignan ko nang masama yung lalaking nasa gitna, di ko naman akalain na bully siya. Kaya ba niya ginawa saakin yun?! Aish. Maya maya ay umupo na yung tatlong lalaki, malas naman.....
KATABI ANG TABLE NAMIN SAKANILA.
Hindi ko nalang sila pinansin at kumain nalang ako, pagkatapos kong kumain ay umalis na kami ni Kim. Saktong pagkatayo ko ay may gumulong na bola papunta saakin, at tinignan ko kung saan nanggaling eto.
Tinignan ko yung tatlong lalaki, sakanila din 'tong bola na ito, pinulot ko ito at nilapitan sila para ibalik yung bola.
"Oh.." Sabi ko sakanila at inabot yung bola, kinuha naman nung isang lalaki. SO ANO WALA LANG MANG THANK YOU!?
Maglalakad na sana ako nang may biglang humawak sa braso ko, nilingon ko siya at tinignan nang masama. Inalis ko ang braso ko sakanya.
"Ano bang trip mo?!" Inis na tanong ko sakanya.
"Ikaw, ikaw ang trip ko." Kalmado niyang sinabi, at natigilan naman ako sa sinabi niya.
'Ikaw, ikaw ang trip ko.'
'Ikaw, ikaw ang trip ko.'
'Ikaw, ikaw ang trip ko.'
AAAAAAH! Ano bang pinagiisip ko?! Sinamaan ko siya ng tingin at umalis na sa canteen, ano ba yung nangyari?
"Uy Maddison okay ka lang?!" Pag aalalang tanong ni Kim.
"Si-sino ba yung mga yun?!" Inis na tanong ko sakanya.
"Yung kinausap mo, si Tyler yun, bully ng campus. Di siya masyado nambubully pero verbal ang ginagawa niyang bully. Silang tatlo ay varsity ng basketball." Sabi ni Kim at natulala naman ako, bumalik nalang kami sa classroom namin.
Annyeong~ Sana supportahan niyo ako at ang story ko! Sana magustuhan niyo 'tong story ko! Kamsahamnida! :) :*
DON'T FORGET TO VOTE!!!

BINABASA MO ANG
Lucky to Meet You
Teen FictionSiguro bihira nalang yung mga lalaking maswerte sayo, yung tipong 'di ka lolokohin. Yung tipong ipapakita niya sayo na mahal ka talaga niya, at maswerte ako at nakilala ko ang isang Tyler C. Constantino. Kahit mayabang siya mahal ko yan. Siya sumira...