CHAPTER 2

85 3 0
                                    

Maddison's POV

English time namin ngayon at nag focus ako sa dini-discuss ng teacher namin, pero hindi ko parin mawala sa isipan ko yung sinabi nung lalaki kanina.

'Ikaw, ikaw ang trip ko.'

'Ikaw, ikaw ang trip ko.'

'Ikaw, ikaw ang trip ko.'

"Ms. Perfecto?!" Nagulat naman ako kay Ma'am Abaser at pinagtawanan ako ng mga kaklase ko.

"Ye-yes Ma'am?" Nauutal kong sinabi.

"Anong yes ma'am?! Tatlong beses na kitang tinatawag, nakikinig kaba?!" Inis na tanong ni Ma'am. Tsk, kung ano ano kasi iniisip ko kanina eh.

"I-i'm sorry Ma'am..."

"I'm going to ask you,"

"What is the meaning of Capricious?!" Inis na tanong ni Ma'am.

"De-determined by chance o-or impulse rather than by necessity."

"Good, how about Limerence?!"

"T-the state of being i-infatuated with another person."

"Mmm, very good! Sa susunod mag focus Ms. Perfecto, sit down!" Sabi ni ma'am at nag focus nalang sakanya.

Lunch break.

"Huy ano ba nangyari sayo kanina? Parang wala ka sa sarili mo!" Bungad ni Kim saakin habang nag aayos ako ng gamit ko.

"A-ah wa-wala yun." Nauutal kong sinabi sakanya at halata naman sakanya na ayaw niya maniwala, hindi ko nalang siya pinansin at pumunta nalang kami ng canteen. Maya maya ay nakita ko sina Chelsey, ang nambubully saakin. Habang naglalakad ako ay pinatid niya ako at natumba ako, pinagtawanan ako ng mga estudyante na nasa canteen.

"Hahahahaha!" Tawanan nila Chelsey at tinulungan ako ni Kim. Humarap ako sakanila,

"Ano bang problema mo?!" Inis na tanong sakanya at nilapitan ako ni Chelsey.

"Ikaw, ikaw ang problema!? Napaka panget mo, you don't belong here!"

"Tara na Kim..." Pag yaya ko kay Kim pero hinila naman ni Chelsey ang buhok ko at natumba ako.

"Wag kang aalis dahil di pa tayo tapos mag usap!?" Sabi ni Chelsey habang hawak parin niya buhok ko. Maya maya pa ay may dumating na lalaki, lumapit siya saamin ni Chelsey.

"Chelsey, please let go of her." Kalmadong sabi nung lalaki.

"C'mon Tyler, she's a loser!" Sabi naman ni Chelsey at inangat nya ko habang hawak niya buhok ko. Nakita ko naman yung lalaki, at siya yung....

SIYA YUNG KANINA NA NAKAUSAP KO!?

"Tss, loser ba talaga Chelsey? Or you're just jealous of her?" Naka ngising sinabi ni Tyler.

"Wh-what?! At bakit ako maiinggit sa babaeng toh eh ang pangit!?"

"Tss, eh ikaw maganda ka ba?! Hindi! Kasi panget yang ugali mo!"

"Tsk! Let's go girls." Inis na sinabi ni Chelsey at binitawan ako. Umalis na sila at naka palibot ang mga students saaming dalawa ni Tyler.

"Are you okay, Miss?" Tanong ni Tyler.

"Ye-yes, thank you." Sabi ko sakanya at nilapitan niya ako.

"You know what, hindi ka dapat nila binubully." Sabi ni Tyler at lumapit sa tenga ko.

"Ako lang pwedeng mambully sayo." Nagulat ako sa sinabi niya at naitulak ko naman siya.

"A-are you crazy?!" Inis na tanong ko sakanya habang papalapit nanaman siya saakin pero pinigilan ko siya.

"Look---" di ko na siya pinatapos sa sasabihin niya.

"I gotta go. Thanks for your help." Sabi ko sakanya pero hinawakan niya ang braso ko, at inis kong inalis yung kamay niya sa braso ko at lumabas nang canteen.

Ako lang pwede mambully sayo.

Ako lang pwede mambully sayo.

Ako lang pwede mambully sayo.

"Aaaaaaaaah!!!" Napasigaw ako habang naglalakad sa corridor, wala naman nakarinig kasi lunch time naman at lahat sila nasa canteen. Nag lakad lakad ako sa corridor para kalmahin ang sarili ko, maya maya ay may sumalubong saaking lalaki.

"Hi Miss." Bati niya saakin at natigilan akong lumakad.

"Who are you?" Tanong ko sakanya at tumingin siya saakin.

"I'm Jacob, I heard na tinulungan ka ni Tyler kela Chelsey." Sabi niya saakin at nakangisi, don't tell me kaibigan niya yung lalaking yun. Hindi ko siya pinansin at naglakad nalang ako, pero bigla niya kong hinila papalapit sakanya. At ang lapit ng mukha namin sa isa't isa, ANO BANG TRIP NETOH?!

"I'm telling you, mag iingat ka dyan kay Tyler. Baka mapagtripan ka niya." Seryosong sabi ni Jacob at tinulak ko siya papalayo saakin at tumakbo ako papunta sa room namin. Nagmamadali akong umupo at nagulat si Kim.

"Hoy babae ano bang problema mo!? Bat hingal na hingal ka!?" Tanong ni Kim at humarap ako sakanya.

"Tsk, naiinis na ako sa tatlong yun!" Inis na sabi ko sakanya at nilabas ang pamunas ko.

"Sino ba?! Sila Tyler ba?"

"Oo, tsk paano kasi sabi saakin ni Tyler na siya lang daw pwede mambully saakin. Ano siya batas para sundin ko?! Tsk tas yung Jacob ba yun? Sabi ba naman sakin mag ingat ako kay Tyler baka ako ang pag tripan niya! Tsk kakainins naman kasi."

"Hmm tama nga si Jacob magiingat ka kay Tyler, dati kasi kilala ko yan. Siya ang bully ng school, pero verbal lang hindi siya nananakit. Naalala ko nga may pinagtripan siyang babae nun eh, na fall yung babae sakanya at nung umamin ung babae kay Tyler tsaka dun lang sinabi ni Tyler na pinagtripan lang sya! In short, PLAY BOY siya!" Inis na kwinento ni Kim, magsasalita na sana ako kaso nag ring na ang bell at biglang pumunta sa harapan ang president ng classroom namin, si Catherine.

"Okay guys, wala si Ma'am Mancia. May quiz daw tayo sa Thursday kaya mag review daw, ang irereview ay yung last discussion natin. Atsaka pala, yung Foundation Day natin next week na kaya mamayang uwian iaannounce ni Sir Palacio ang mangyayari sa Foundation." Sabi ni Catherine at lahat kami nagsigawan sa tuwa. Eto na yung pinaka aabangan ko, FOUNDATION DAY!

Annyeong~ DON'T FORGET TO VOTE GUYS! Kamsahamnida :) :*

Lucky to Meet YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon