Maddison's POV
Last period na namin ngayon at nag focus ako sa lesson namin, ang hihirap ng lessons! Pero keri ko naman, matalino naman ako. Hahaha yabang ko! Maya maya ay umalis na ang teacher namin atsaka hinintay si Sir Palacio para sa announcements para sa Foundation Day.
"Kim, tara samahan mo ko sa cr." Yaya ko kay Kim at pumunta ng cr. Pagkalabas ko sa cr ay bigla akong tinanong ni Kim.
"Maddison, di kaya may gusto sayo si Tyler?!" Tanong ni Kim at nagulat naman ako, paano magkakagusto saakin yun?
"A-ano bang tanong yan?! Halika na nga!" Sabi ko sakanya at di ko nalamg siya pinansin, saktong pagkapasok namin ay andun na si Sir Palacio.
"Class next week na pala ang Foundation Day kaya eto eto ang mga activities na pwede niyong salihan," paninimula ni Sir.
"Volleyball girls and boys, 12 members. Basketball girls and boys, 12 members also. Dance Contest, depende sa magbabantay dun kung ilan ang pwede sa Dance Contest. Singing contest solo girl and boy. At marami pang ibang activites na pwede lahat ay sumali." Sabi ni Sir Palacio at nagsigawan kami sa tuwa!
Class dismiss.
Pumunta kami ni Kim sa locker at kinuha ang iiang gamit namin at umalis na, pumunta muna kami ng coffee shop na kaharap lang ng school namin.
"Kim saglit lang ako dito ah? Dadaan pa ako ng library eh." Sabi ko sakanya.
"Oo na! Okay lang yun." Sabi ni Kim at di ko nalang siya pinansin. Um-order na kami ng coffee at umupo.
"Oo nga pala, may sasalihan ka Maddison?" Tanong ni Kim habang nilalabas niya yung notebook niya.
"Hmm, gusto ko sa Basketball girls eh." Sabi ko sakanya at nagulat naman siya sa sinabi ko.
"Nag babasketball ka?!" Gulat na tanong ni Kim, natawa nalang ako sakanya.
"Oo hahahaha!" Sabi ko sakanya at nagtawanan kami, maya maya ay dumating na ang order namin.
"Here's your order, Ma'am." Sabi nung waiter.
"Thank you."
Uminom kami ng kape at nag usap saglit, mga ilang minuto ay iniwanan ko na si Kim dun at pumunta na nang library. Nag hanap ako ng libro tungkol sa History, umupo na ako at sinimulang magbasa.
Mga ilang minuto ay natapos ko na din magbasa, isinara ko na ang libro atsaka pinatong ko ang ulo ko sa libro. Maya maya ay may narinig nalang ako na may inilapag na libro sa harap ko, nagulat naman ako na yung nasa harap ko ay si Tyler.
"Oh sorry, did I bother you?" Tanong niya habang kinuha niya ang libro niya.
"No no, it's fine." Sabi ko sakanya at ngumiti. Nakatingin lang siya saakin, ang weird nang nararamdaman ko.
"Uhh may ka-kailangan ka ba?" Tanong ko at nakatitig padin siya saakin, can you please stop staring at me?
"Oh, uhm wala naman. Wala lang akong kasama dito sa library, okay lang ba ikaw nalang?" Tanong niya, tumungo nalang ako at umupo siya sa harap ko. Binuklat niya yung libro niya at sinimulang mag basa, pinagmamasdan ko siyang nagbabasa.
Ang gwapo rin pala niya, kaso bully! Hahaha!
"Uh Miss, what's your name?" Tanong niya saakin at nagulat ako kasi nakatulala pala ako dun. Nakakahiya >.<
"Uh Ma-Maddison. And you must be Tyler, right?" Tanong ko sakanya at nginitian lang niya ako.
"Yes..." Tipid na sagot niya.
Wala kaming ibang ginawa dun kundi magtitigan, parang staring contest lang eh noh? Pero bat parang iba tong nararamdaman ko? Bigla ako naging weirdo nung andito siya, maya maya ay nagpaalam na siya at umalis sa library. Umalis na din ako sa library at umuwi na.
BINABASA MO ANG
Lucky to Meet You
Novela JuvenilSiguro bihira nalang yung mga lalaking maswerte sayo, yung tipong 'di ka lolokohin. Yung tipong ipapakita niya sayo na mahal ka talaga niya, at maswerte ako at nakilala ko ang isang Tyler C. Constantino. Kahit mayabang siya mahal ko yan. Siya sumira...