MONTEGRANDE EMPIRE 03

39 0 0
                                    

XIA NICOLE POV'S

Are you ready Xia?  Tanong ni kuya Rex sa akin. Idinaan namin si ate Mavy sa pinàgtuturuan niya. Papunta na kami sa  company na pinagtratrabahuan niya. Hindi ko maiwasang kabahan.

Medyo kinakabahan po ako kuya. sagot ko sa kanya na tinawanan niya lang. Yeah I feel nervous. Alam mo yung pakiramdam na excited na my halong takot. Ganoon ang nararamdaman ko ngayon. What if....hindi ako matanggap kuya. What if  di ko pala accredited  sa position  na aaplayan ko....what if.....

Relax Xia... putol niya sa sasabihin ko sa kanya. Pinalakas niya ang loob ko. Ang dami niyang sinabi na nakakawala sa kaba ko.

Pagdating namin sa gusali ay sabay kaming pumasok. Halos lahat ng madaanan namin napapalingon. Siguro dahil sa kasama ko. Gwapo si kuya Rex. Matangkad maganda din ang pangangatawan hindi halatang thirty eight na siya.

My bumabati sa kanya at tinatanguan niya lang ito. My mga naririnig akong nagsasabi na maswerte daw ako at nakasabay ko ito. Kesyo daw ganito ganyan. Hindi ko alam kung bakit pero I feel something na takot ang mga andito kay kuya Rex.

Habang sakay kami ng elevator ay napansin ko din ang pagkailang ng mga kasama namin nakasakay. Tiningnan ko si kuya Rex seryoso ito. Hindi man lang niya alintana ang pagkailang sa kanya ng mga kasabay namin.

    Sabay tayong maglunch Xia. putol nya sa katahimikan. Napansin kong tumingin sa akin ang mga kasama namin especially mga girl. Tumango na lang ako. Saka sasamahan pa naman niya ako yun kasi sabi niya. Unti unti kaming nababawasan dahil ang iba ay bumababa sa floor kung saan sila nakaasign.

Hanggang sa kami na lang ang natira at ng marating namin ang huling palapag ay lumabas na kami. Nadaanan namin ang dalawang babae siguro Secretary sila. Tumigil si kuya Rex sa tapat nun isang babae na sa edad thirty' s kung di ako nagkakamali...

Tinanong ni kuya kung andiyan na daw ba ang boss ng mga ito. Sinabi naman niya na wala pa daw. Sinabi nalang ni kuya na maghintay kami sa loob ng office nito.

Mahaba pang pasilyo bago pa namin narating ang pinto. CEO OFFICE pagkabasa ko. Ibig sabihin sa CEO kami dumiretso...

Papasok na kami ng mapansin kong my kinalikot muna ang kasama ko bago pumasok. Pinaupo ako nito. Habang naghihintay kami inabala ko ang aking mata sa kabuuan ng kwarto.

Ang sad ng  kulay...black lahat. Walang kabuhay buhay. Napansin ko ang picture ng isang bata sa mesa. Naamaze ako. Ang cute ng bata. Nasa dalawa o tatlo taon na ang bata ang cute.

Sa kakaabala kong pagtingin  sa larawan ng bata hindi ko namalayan na my iba na pala kaming kasama sa loob.

Mr. MonteGrande... kung di pa tumayo at binati ang bagong dating di ko pa siya napansin. This is Xiarah Nicole  Mendez. Pagpapakilala sa akin ni kuya Rex.

Tumatango ito. Nasabi mo na ba kung anong posisyon  niya dito, Mr. Cruz?  Walang kaemoemosyon na tanong nito. Umiling lang naman ang kausap. At sinabi na magpapasa palang naman ako ng resume at interview na din. Pero sabi niya di na daw kasi magsisimula na ako bilang personal assistant secretary niya.

Pagkatapos akong iwanan ni kuya Rex at nagpaalam sa boss namin ay umalis na ito dahil may gagawin pa daw siya sa opisina niya.

Dalawa na lang kaming naiwan. Hindi ko maiwasang mailang paano naman kasi kung makatitig parang wala akong damit na suot.






P.S.
UPNEXT HANS KENNETH POV


Thanks😘
----❤---

HAIDENLOVE
💋💋💋

MONTEGRANDE EMPIRE ( My Personal Assistant) Where stories live. Discover now