XIA NICOLE Pov
Pagdating sa namin sa condo ng nine pm dineretso ni Alexander si Xyril sa silid at inihiga dun. Gusto akong makatabi ng bata kaya hinahanap ko nalang. Sabi ni Alexander sa kabila nalang siya tutal dalawa ang kwarto dito at kaming tatlo nalang sa room. Pumasok muna siya sa room ko dahil andun mga damit niya at naglinis ng katawan.
Pagkatapos ay nagpaalam na ito. Hinalikan ako at saying good night. Tinukso naman ako ng kaibigan ko.
Ikaw babae ka magsabi ka nga sa akin ng totoo..... Leirah
Totoo na? Ako
Nagsasama na ba kayo? Tanong nito at pinakatitigan ako.
Hindi ah... sabi ko dahil yun naman ang totoo.
Ayaw niyang maniwala at hindi ko masisisi dahil may mga damit si Alexander sa lagayan ng mga damit. Hinayaan ko na lang kung ano isipin niya. Nag usap lang kami hanggang sa matulog na kami.
------------- --❤---------------
Pagkagising ko past four na mahimbing pa ang tulog ng dalawa kong katabi. Bumangon ako at sinimulan ang aking morning routine. Tapos na ako at kumuha ng pamalit ni Alexander dahil maaga kami aalis ngayon.
Lumabas ako ng silid at tinungo ang kabilang silid. Kumatok ako ng tatlong beses bago ko pinihit ang siradura pumasok ako at nakita kong mahimbing ang tulog. Hindi ko maiwasang pagmasdan siya habang tulog napakaamo ng mukha bumaba ang mata ko at napalunok ako nakaboxer lang ito. Shit di ko maiwasang pamulahan ng mukha. He have a perfect body.
Ipinilig ko ang ulo ko at umupo sa kama. Tinapik ko ang pisngi niya para magising. B
Alexander gising na. --- ako
Nagising naman ito. Hmmmm.. ... hinila ako para mayakap siya. Naibabaw ako sa dibdib niya. Later sweetheart give me five minutes na ganito tayo. Sabi pa nito hinayaan ko nalang siya. Magkayakap kami hinaplos haplos niya ang aking buhok at manaka nakang hinahalikan. After five minutes.
Bumangon ka na at kailangan na natin umalis. Sige na lalabas na ako at maghanda ng almusal. Ako
Tatayo na sana ako at biglang hinalikan sa labi dahil sa pagkabigla ay hindi ako nakahuma namalayan ko na lang tumutugon na ako sa halik niya. Ang kamay niya ay kung saan saan na nakakarating. Patuloy parin ang halikan namin hanggang sa maghiwalay ang labi namin dahil kinapos ng hangin.
Humihingal kami pareho ng maghiwalay ang labi namin. Pinagdikit niya ang noo namin. Nagkatitigan kami hanggang nagsalita ito.
S--sweetheart...... sabi nito. Hindi ko alam ang gagawin ko. Naiilang ako. Nagpaalam ako hinawakan niya ang aking kamay.
Please sweetheart ... say something .....i can't say sorry to kiss you sweetheart because I like it. I like to kiss your lips Xiarah Nicole Mendez. Madamdamin sabi nito. Huwag mo ako iwasan sweetheart o mailang Xiarah.
Tumango na lang ako yinakap naman niya ako ng mahigpit at nagpasalamat. Lumabas ako at dumiretso sa kusina nagluto ng breakfast naming apat.
Pagkatapos kong magluto at ihanda sa mesa ay pumunta ako sa kwarto para gisingin ang dalawa.
Pababa na kaming tatlo at dumiretso sa kusina nandun na si Alexander. Tumakbo si Xyril at nagpabuhat sa ama at hinalikan ito. Binati naman nito si Leirah at ganoon din ang huli. Lumapit ito sa akin habang buhat niya ang anak.
Good morning sweetheart... bati nito sa akin sabay halik sa aking labi. Namula ako.
Nagsimula na kaming kumain. Nagprisinta ang kaibigan ko na siya na bahala kay Xyril at pumayag naman ang bata. Nagpaalam na kami at matutulog daw sila ulit. Umalis na kami at pumunta sa airport papunta Cebu.
Thank you so much
--------❤-------HAIDENLOVE
💋💋💋GOD BLESS
YOU ARE READING
MONTEGRANDE EMPIRE ( My Personal Assistant)
General FictionTumigil si Xiara sa pag aaral hindi dahil wala na pantustus ng mga magulang, tumigil siya dahil hindi kaya ang gustong kunin na kurso ng mga magulang niya. Nagpaalam na luluwas ng Manila at magtatatraho na lang kaysa ipagpatuloy niya ang pag...