Kinabukasan hinatid ako ng befriend ko sa Florida bus station. Panggabi ang napili kong byahe. Mas comfortable kasi kapag gabi makakapagpahinga ako.
Alas otso ng gabi nakaalis ang bus. Bago kami naghiwalay ni Leirah ay marami kaming napag usapan.
Sa kahabaan ng byahe natulog ako. Ilang beses nag stop over ang bus para sa mga probinsya na my station ang Florida pero hindi ako bumaba.
Hindi ko namalayan nakarating na ang bus. Gaya ng sabi ni Leirah susunduin ako ng pinsan niyang si ate Mavy. Si ate Mavy daw ang bahala sa akin para makapagtrabaho ako dito sa Manila.
Pagbaba ko ng bus my lumapit sa aking babae. Sa tingin ko nasa mid thirty's ito. Maputi, hindi nalalayo ang taas saakin. Maganda ito.
Hi..good morning. Anitong nakangiti...mukhang kagiging lang niya. Nakashort na itim hanggang tuhod at shirt na kulay puti. Katingin sa phone niya at tiningnan ako. Ikaw si Xia?
Opo. Sagot ko sa kanya.
Ako ang ate Mavy mo. Pakilala nito at kinamayan ako. So tara my hubby waiting for us.
Napag alaman kong nagtatrabaho ang Asawa ni ate Mavy na si kuya Rex sa MONTEGRANDE EMPIRE bilang COO at si ate Mavy ay guro ng mataas na antas sa isang exclusive school.
Pagkarating namin sa bahay nila ay pinagpahinga ako. My dalawa silang anak si Maxy five-year old at si Marex three years old. Ayon kay ate Mavy sa lunes na daw ako papasok sa MONTEGRANDE EMPIRE. I feel nervous. First time ko dito sa Manila. Pero kaya ko to. Ito ang gusto ko ang lumayo sa mga taong mahal ko at maging malaya.
-------❤------
Hindi ko namalayan nakatulog ako. Pag labas ko ng silid na binigay ni ate Mavy nakita ko silang mag anak sa sala. Binati ko sila. Kasama din pala ang mga magulang ni kuya Rex sa bahay sina tatay Pablo at nanay Saling. Gusto nilang tawagin kong nanay at tatay.
Nakapagpahinga ka ba ng maayos? Tanong sa akin ni ate Mavy. Baka namamahay ka....?
Opo ate. Maraming salamat po sa tulong niyo. Taos puso kong pasasalamat sa kanila. Kung hindi po sa inyo baka po wala ako matutuluyan dito sa Manila. Totoo naman kung di dahil sa kanila baka nangangapa pa ako ngayon kung saan ako titira at mahihirapan makahanap ng disenteng trabaho.
Ano ka ba..wala yun. Ni ate Mavy. Best friend ka ng pinsan kong si Lierah at saka binilin ka sa amin kaya huwag kang ano dyan.
Oo nga naman Iha. Sabad ni Nanay Saling. Pagpasensiyahan mo nga lang anak kasi magulo talaga dito. Sabi pa nito.
Naku ako nga po ang humingi ng pasensiya Nay . Kako
Marami pa kaming napag usapan. Masaya silang kausap kaya kahit papaano masasabi kong medyo nawala ang takot ko.
Nakausap ko din ang bff ko. Sinabi kong okey ako at isasama ako ni kuya Rex sa MONTEGRANDE EMPIRE para mag apply.
Kinakabahan ako dahil baka di ako matanggap wala kasi ako karanasan sa trabaho. First time ko magtrabaho. Hindi ko pa alam kung anong trabaho ang sinasabi ni kuya Rex. Ang sabi nya lang sa akin isasama nya ako sa lunes.
--------❤------
Enjoy reading..hopefully magustuhan niyo.
Thank you
❤HAIDENLOVE
💋💋💋
YOU ARE READING
MONTEGRANDE EMPIRE ( My Personal Assistant)
Fiksi UmumTumigil si Xiara sa pag aaral hindi dahil wala na pantustus ng mga magulang, tumigil siya dahil hindi kaya ang gustong kunin na kurso ng mga magulang niya. Nagpaalam na luluwas ng Manila at magtatatraho na lang kaysa ipagpatuloy niya ang pag...