Chapter 3

62 3 0
                                    

<Ira's POV>

Inikot namin yung buong bahay, Grabe Heaven.

"So yun lang, Dito kayong dalawa magsasama AT!" Sabi ni Tito dean

Kung maka at wagas

"Isipin niyo na magiging mag asawa na kayo few months from now, That means kung may pupuntahan kayo kailangan magkasama kayo kung hindi magkasama alam dapat ng isa ang lakad ng isa, Nagkakaintindihan ba?" Sabi ni Tito

"Opo." Mahina kong sabe

"Goodbye!" Paalam ni Tito Dean

"Paalam na anak, Mag-ingat kayo ah, Love you." Sabi ni Mama

"Opo ma. Love you too" Sabi ko naman

"Ingatan mo yan bayaw ah, Tsaka pagisipan niyo narin yung sinabi kong ipangalan sa baby." Sabi ni kuya.

"Kuya!" Sabi ko

"Mamimiss kita Ira." Paiyak na sabi ni Kuya

"Oh? Di pako mamamatay kuya." Biro ko

"Di ako iiyak noh." Matapang niyang sabe tapos ay lumabas na sila.

Kami nalang ang naiwan ni Zyke dito, Naupo siya dun sa may Sofa.

"Hi!" mahina kong sabe, Habang nagwawave at papunta sa kabilang sofa

Napatingin siya saken, Shocks! Hindi narin ako malas dito, pogi naman pala eh haha,

Pero si Kristoph BF ko siya kailangan kong sabihin sa kanya, Kaso pano ko sasabihin mahal ko siya ayoko namang makipag break sa kanya.

Grrr! Anong gagawin ko?

Nakatitig lang saken si Zyke habang nakaupo ako sa kabilang sofa.

"Hi ule!" Mahina kong sabe

". . ." Wala siyang sinabi at yumuko.

"Galit kaba saken? Hindi ko rin alam na may kasunduan pala si-"

"Alam ko, Hinde ako galit." Mahina niyang sabe sabay tingin ule saken

Nagsalita narin sa wakas!

"Talaga? I'm Ira nice meeting you." Sabi ko sabay abot ng kamay para makipag handshake.

Nakipag kamay naman siya pero pagkatapos nun ay tumingin na siya sa bintana sa gilid.

*Gruuu*

Ay bad ka tiyan! Wag umangal nakakahiya.

Napatingin siya saken nung narinig yun at napangiti.

"Ah. hehe pasensya na ah, Sige magluluto na muna ako." Sabe ko Teka? Nagluluto ba ako sa bahay?

-Flashback-

"Magprito kana ng itlog at Meatloaf para sa almusal naten, Umalis ang mama mo eh." Sabe ni Papa

Prito lang pala eh, Carry yan.

"Breakfast is READY!" Sigaw ko

"Hay salamat! After 1 hr. natapos rin ilang tray ng itlog ba ang hinanda mo- Sandali nga lang ano toh?" Sabi ni kuya

"Meatloaf and Egg!" Sabi ko

"Talaga? Kala ko chocolate pancake eh- Pwe! Lasang impyerno naman toh Ira! kanin na nga lang kaka-Bat may Binatog dito?" Sabi ni kuya

"Ha? Kanin yan etoh naman si kuya." Sabi ko.

-End of FLASHBACK-

So sana kayanin ko na ang mag prito makahanap na nga ng itlog at wow ansusyal Spam lang pala ang meron dito Hindi ko kinaya.

Habang naghihiwa ng Spam sinusubukan ko ring tawagan si Kristoph kaso puro ring lang, Baka busy sa work.

Pagkatapos magluto tinikman ko yung pinrito ko- Yuck Hindi pala talaga ako masarap kahit prito lang hilaw yung ilalim sunog ang ibabaw.

*Tugg Tugg*

Nako palapit si Zyke kakain ata,

Oh No!

Kumuha agad siya ng plato at tinidor.

"W-wag wait lang zy-"

Huli na nakain na niya.

"Mm." Sabi niya

"Ok lang ba?" Tanong ko

"Yeah Baket? Parang ordinaryo lang rin na spam." Sabi niya

Ohhh! First Time may pumuri sa luto ko Hahaha, Well improving.

Tuloy lang siya sa pagkaen.

"May pupuntahan tayo tomorrow." Sabi niya.

"Ha? Saan?" Tanong ko

Hindi na siya sumagot at pumunta sa kwarto niya para matulog.

Gabe na pala? Kaya pala nagrereklamo na ang Tiyan ko.

Pumunta narin ako sa kwarto ko at bago matulog Tumawag muna ako kay kristoph hindi nanaman sinasagot.

Nagleave nalang ako ng message sa kanya.

To: My Love

Ahm. Mukhang busy ka ah, Tawagan nalang ule ako tomorrow may sasabihin akong mahalaga, sige ingat Good Night mahal.

Naguguluhan na ako, Susundin ko ba yung kasunduan nila Papa o Si kristoph ang pipiliin ko?

*Beep*

-!! May nagtext, baka si Kristoph.

Marrying A StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon