Chapter 1

218 5 0
                                    

May 1998

"So Brenan, Why'd you call me?"

Tanong ni Dean sa Bestfriend niya

"Pumapayag nako Dean" Sagot ni Brenan

"Sigurado ka?!"Gulat na sabi ni Dean

"Yeah, Gagawin ko toh para kay Ira." Sabi ni Brenan

"Pinapangako kong magiging maganda ang kinabukasan ng anak mo sa anak ko, I promise." Sabi ni dean

. . .

16 years later . .

May 2014

"Bye Ma pasok na po ako sa work." Paalam ko kay papa

"Sige anak, mag-ingat ka Ira." sabi ni Mama

"Yes Ma!"

Nung makita kong malalate na ako sa trabaho nagmadali na agad ako.

Takbo. . Takbo Ira. . Tak-

Aww! Sa sobrang pagmamadali ko eh, Dumausdos ako pababa sa hagdan ng overpass.

Lahat ng nasa paligid ko ay Nakatingin saken, May mga Nagpipigil pa ng tawa, Sila kaya isa isa kong ihulog dito sa overpass, Hay nako!

Well, Para hindi mapahiya tumayo ako at nag bow. Deh joke, tumayo ako at dumeretso sa paglalakad na parang walang nangyare.

Ansaket ng pwet ko Bwiset.

Nung pagpasok ko sa office sinalubong agad ako ni Kristoph my Boyfriend

"Good Morning Yaya Dub ko haha." Pabiro niyang bati

"Good Morning din sayo Empoy ng buhay ko Hahaha!" Bati ko rin.

Napasimangot nalang siya.

"Joke lang etoh naman, Siyempre ikaw parin ang kristoph ko." Sabi ko sabay kurot sa ilong niya.

"Sorry ah, Hindi kita nasundo kanina si Sir kase eh, 4:00 ng maga pinapunta ako dito para gumawa ng paperworks niya." Paliwanag niya

"Yeah. Naiintindihan ko naman." Sabi ko habang nagkacat walk papuntang of-

*DUGG*

Ano ba! Lamog na yung pwet ko ah. Habang rumarampa ako, May naglilinis pala hindi ko napansin yung sign na Wet floor kase naka chin up pa ako, kaya napaupo nanaman ako ng malakas.

Hay nako! Malas ba ko O sadyang Malas lang ako.

Lumipas ang buong araw na yun, na ako ang Headline ng mga usapan at asaran sa office.

"Bye Guys!" Pagpapaalam ko sa mga ka officemate ko.

"Bye Ms. Pwet Haha!" Pang aasar nung isa

"Leche, Manahimik ka na nga!" Sigaw ko

"Uii, Nagalit Haha. Sige ka lalaki yung Pwet mo Haha!" Sabi pa nung isa.

Habang naglalakad nakita kong naghihintay na pala si kristoph sa entrance hinatid narin niya ako pauwe.

"Oh Anak kumusta ang work mo?" Tanong ni Mama

"Hindi mo gugustuhing malaman Ma." Sabi ko sabay akyat.

*Kriing*

"Hello?" sabi ko

"Ira, Ikaw muna dito kay papa sa ospital kukuha lang ako ng gamit." Sabi ni kuya

May Sakit kasi si Papa, May butas siya sa puso at kailangan ng agad na pagpapagamot kaya nagsisipag ako sa trabaho.

"Sige kuya Paalis nako."

Nung pagdating ko sa room ni Papa, Umalis na agad si kuya

"Hi Pa!" Bati ko

"Anak, Tandaan mo lage ah, Lahat ng ginawa ko ay para sa ikabubuti mo." Sabi ni papa

"I know Pa, May problema ba Pa?" Sabi ko

"Wala pa naman sa ngayon."

Huh? Ano ba nangyayare kay papa?

"May pupuntahan tayo sa paglabas ko dito."

Wow parang bilanggo si papa ah.

"Sige lang po Dad."

"Anong Dad?" Tanong ni papa sabay mahinang batok saken "Feeling Haciendera?" sabi niya ule

"aw! Joke lang pa, Alam mo namang masaya ako kahit hindi man tayo mayaman magkakasama naman tayo."

"Andrama mo, Ikuha mo nga ko ng gamot dun."

"Etoh na Pa." Sabi ko sabay abot ng gamot "

*kriiing*

"Wait lang pa, May tumatawag."

Lumabas ako para sagutin yung kapitbahay lang pala namen

"Ira, Yung utang niyo na Asin ilang buwan nang nakalista."

"Opo Mababayaran din naman po namin kayo pagnakaluwag luwag."

"Hay nako, Sa susunod pag nangutang kayo bayaran niyo agad ah Kasi . . . ."

25 mins later

".... Kaya magbayad agad kayo ah."

"Z z z."

"Ira!"

"Ah! Opo Aleng Beybi."

Pagbaba ko ng tawag, eh pumasok nako sa kwarto ni Papa

"Hay nako pa si Aleng Bey- Pa!"

Nakita kong parang nag eepelepsy si papa tumawag agad ako ng doctor.

Dumating agad sila mama at kuya nung nalaman yung nangyare.

"Pamilya po kayo ni Mr. Brenan Castro?" Tanong nung doctor

"Opo doc ano pong lagay ng asawa ko."

"Ahm. Misis sorry po ginawa namin ang lahat but Mr. Castro Didn't make it, Tuluyan na po siyang bumigay."

Biglang nanghina sa Mama at napahawak sa table sa gilid niya.

"Ma!" Sigaw namin ni kuya

Inalalayan ni kuya si Mama paupo sa upuan.

Napaiyak nalang kami nung malaman namin yung nangyare kay Papa.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko bigla akong nanghina at hinimatay.

Marrying A StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon