Chapter 6

67 3 0
                                    

<Ira's POV>

Anu bayan! Wala akong magawa, Pag kinausap ko si Zyke para kong nakikipag usap lang sa hangin, Kung Hindi tatango ngingiti lang.

*Knock Knock*

Sino kaya yan at sa kwarto ko pa nagpunta.

Pagbukas ko bumungad saken yung isang Babaeng nakadress at Napaka laking sumbrero parehas pang color gold na match sa shades niyang gold din at Heels na Pagkakintab kintab.

"Siya ang dedesignan mo ng damit, Sabe ni Tito Dean dun sa babae.

Tinignan ako nung babae mula ulo hanggang paa.

Pinatayo ako ng babae habang nag ssketch siya.

Hmmmm! Nakakangalay po, 1 hour nakong naka tayo HELLO?

Sa sobrang ngalay ko nagalaw ko ng kongting konti yung Daliri ko.

"Wrrrg! Ano sinabi ko a while ago, I said Freeze, It means hindi ka gagalaw!" Sigaw nung babae

Anu bayan antaray naman nito, Nakita kong nasa pinto si Zyke at lihim akong tinatawanan.

Sinamaan ko siya ng tingin.

"Hhhhrg!" pagkainis nung babae

Tanghale na kame natapos.

Haaay! Natapos rin siya sa wakas. Pagbaba ko tinawag ako ni Tito.

"Ira halika mamili na kayong dalawa kung saan kayo ikakasal." Sabi ni Tito.

Naupo ako sa gilid ni zyke para tignan yung mga magazines sa table.

Woow, Andaming pagpipilian may iba ibang beach at church meron ding- Zoo? Ano toh joke?

"Gusto mo diyan." Sabi ni Zyke

Binatukan ko siya.

Tinaas niya yung isang magazine tapos pinakita saken at ngumiti.

"Wag kang magpacute di bagay." Sabe ko pero cute talaga siya haha.

"Etoh maganda!" Sabe ko sabay kuha nung isang magazine

Napatingin siya saken tapos ay sumama ng tingin.

"La loma Cemetery?" Seryoso niyang tanong

"Ay! Hindi baliktad pala etong likod oh." sabe ko sabay harap nung likod ng magazine.

"Paris" Sabe niya

"Oo baket ang romantic kaya sa Paris." Sabe ko.

Kumuha nanaman siya ng bago tapos kumuha rin ako hanggang sa dumating si Tito.

"Wala pa kayong napipili?" Sabe niya

"Okay sa susunod nalang kayo mamili." Sabi ni Tito sabay utos dun sa maid na ligpitin yung mga magazines.

Hinila na ako ni Zyke palabas.

"Oh? San naman tayo pupunta?" Sabe ko

"Basta." Sabe niya

Ano pa bang magagawa ko, Sumama nalang ako kesa mabaliw ako sa loob ng kwarto.

Habang nasa sasakyan tinanong ko siya kung saan pupunta.

"San tayo pupunta?"

"Sa una kong Girlfriend I want her to meet you." Sabe niya

Ano namang mapapala ko sa ex niy--

Angel Memorial Cemetery

? . ? . ?

Nakakatakot naman pagabe na at nandito pa kame sa simenteryo.

*Krrk*

"Ahh!" Sigaw ko sabay hawak sa braso ni Zyke.

Napapangiti siya at tumatawa.

"Andito na tayo." Sabe niya

R.I.P.

Zeina Reyes

March 27, 1971 - December 16, 1993

Niloloko ba ako nito? eh kakapanganak ko palang nung 1993 eh.

Lumuhod siya sa harap ng puntod at nagpupunas nung luha niyang palabas palang.

Teka . .  Reyes . . Re  . . yes.

-!! Ang shunga ko talaga. Reyes din si Zyke!

Lumuhod ako sa gilid niya.

"She Died while giving birth to me." Naiiyak niyang sabe. " Kung hindi dahil saken, Maybe She's still with Dad."

"Huwag mo sabihin yan, Hindi mo naman kasala-"

"No! It's all my fault." Sigaw niya sabay iyak.

Wow. umiiyak din pala toh.

"Sabe ng doctor nung buntis palang si mama, Ipalaglag daw ako kase may Hole sa puso ni Mommy." Nanghihina niyang sabe "Hindi pumayag si Mommy ang sabe niya mamatay na kung mamatay pero hinding hindi niya ako ipalalaglag."

*Krruuuughhhhh*

*Ssssssssssss*

Nako sumabay patong ulan kay Zyke

"Zyke. Tama na sumilong na muna tayo." Sabe ko kay Zyke

Tumayo naman siya at naglakad. Nung pag alis niya may nalaglag siya na papel.

Eh syempre ako ang dakilang chimosa ng bayan binasa ko ng hindi sinasadya. hahaha deh, sinadya ko talaga.

(////) Dear (I///) Ira

Alam mo (////////)

Huh? Mas marami pa yung bura niya kesa sa nasulat niya. Para saken? hm. Ayoko mag assume.

Hinabol ko na agad si Zyke nakita ko kaseng malayo na siya.

"Zyyyke!" Sigaw ko habang tumatakbo.

Nung narinig ako ni zyke tumingin siya tapos ay tumakbo.

Loko Loko talaga tong lalakeng toh eh.

Kaya hinabol ko siya. Takbo Ira . . . Takbo . . Sige Tak- napahinto ako nung nakita kong plakda si Zyke sa kalsada.

"Hahahahahahaha!" Malakas kong tawa.

Nakita kong di siya nag react at parang hindi narin humihinga.

Nilapitan ko siya.

"Zyke! Zyke! Gising!!!" Sigaw ko habang inaalog siya.

"BAAAH!" Pangulat niya saken

Sa gulat ko nasampal ko siya ng malakas.

"AAAW!" Sigaw niya. Nakita kong bumakat ang palad ko sa mukha niya

"Ikaw kase eh ginulat mo-" Napatigil ako nung bigla akong hinalikan ni Zyke sa pisngi tapos ay tumakbo na siya sa sasakyan.

Napatulala ako tapos ay napahawak sa pisngi ko.

*Toot* *Toot*

Ahh! Nakita kong aatrasan nako ng sasakyan ni zyke kaya nagpaka tomb raider nako at tumumbling patalikod.

*krk*

Awwwwwwwwwww. . . . .

Agad napalabas si zyke sa sasakyan niya nung nakita niya yung nangyare saken.

Marrying A StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon