"Megan, bakit ka umiiyak?"
Napatingin ako sa nagtanong sa'kin. Halatang kakagaling niya pa lang sa school.
"S-si Mama kasi, umalis siya bigla. Iniwan akong mag-isa sa bahay. Natakot ako kaya lumabas ako."
"Ha? Nakita ko yung papa mo sa tindahan nila Jade ah, bumili lang siya."
"T-talaga? Akala ko iniwan nila 'ko ni Mama e."
"Magulang mo sila, hindi ka iiwan ng mga 'yon mag-isa. Oh, punasan mo 'yang luha mo."
"S-salamat."
Tiningnan ko yung panyong binigay niya sa'kin. May nakatahing "SP, Stay Pogi." sa bandang ibaba. Ang kapal ng mukha! Siguro pinatahi niya 'to sa lola niya.
"Wag ka nang iiyak ulit, pumapangit ka lalo e," sabi niya.
"Inaaway mo na naman ako--"
"HUY, MEG!" Nagulat ako sa biglang pagtawag sa'kin ni Gab.
"Ha? Bakit?" gulat na tanong ko.
"Magsisimula na ang klase, nakatulala ka pa rin diyan. Ano bang iniisip mo?"
Binalik ko na lang yung tingin ko sa labas ng bintana. As usual, dito na naman kami nakaupo ni Gab sa bandang dulo sa kaliwa ng classroom. Ako sa tabi ng bintana, at si Gab sa tabi ko.
"Iniisip mo na naman yung first love mo, 'no?"
Agad ko siyang nilingon habang namumula. Nginitian niya 'ko, pero yung pang-ungas na ngiti.
"Nakakainis ka. Kilalang-kilala mo na talaga 'ko, 'no?" inis na sabi ko sa kanya.
"Come on, Meg. We've been best friends for eleven years now. Sa pa'nong paraan kita hindi makikilala?"
Natawa na lang ako sa sinabi niya at hinampas siya sa braso. Wala akong laban sa kanya, tama naman yung sinabi niya.
Oo, tama 'yon. Nagkakilala kami ni Gab nung 8 years old pa lang kami. Nakakatuwa nga isipin na hanggang ngayong 19 years old na kami, 'di pa rin nagbabago yung pagkakaibigan namin. From Grade 2 to 1st year college, walang pagbabago.
Yung binanggit naman niyang first love ko daw, nakilala ko 'yon nung 6 years old ako. Kapitbahay ko siya dati, kaso lumipat sila ng bahay nung 7 years old na 'ko. Cinonsider ko siyang first love ko kasi sa loob ng isang taong naging magkaibigan kami, naging sobrang special siya sa'kin. Sadly, 'di ko na matandaan yung pangalan niya. Ang tanging memorabilia niya na lang sa'kin ay yung panyo niyang hindi ko naibalik dahil hindi ako aware na lilipat na pala sila ng bahay nung araw na pinahiram niya sa'kin 'yon. Isasauli ko na kasi dapat 'yon no'n, kaso tinawag na siya ng mama niya kaya 'di ko naisauli. Nakalimutan ko na ring isauli as time passed by. Napagtanto ko na lang na 'di ko pala naibalik nung naghalughog ako sa treasure box ko once.
"Ayos na, Meg. Andiyan na daw si Professor Sanchez. Ilabas mo na yung pinauwi niyang module kahapon."
Nagsimula ang klase like usual, at natapos rin agad. Buti wala kaming vacant subject ngayong araw, hindi ako na-bore.
"Meg," tawag sa'kin ni Gab.
"Oh?"
"Ang aga pa."
"Tapos?"
"Four PM pa lang."
"Oo nga, ano naman?"
"Gala tayo."
Napangiwi ako sa sinabi niya. 'To talagang si Gab, ang hilig sa galaan.
"Libre mo?" biro ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Moment I Fall for You Again
Teen FictionMegan Acosta and Gabrielle Rodriguez are childhood friends. They grew up together, treating each other like their very own sibling. Until one day, they realize that their feelings are not just simple brotherly or sisterly love, but a passionate love...