*PEEEEEEEEEP*
*BLAG*
"GAAAAAB!"
"Meg! Meg!"
Nagising ako sa biglang pagtawag at pagyugyog sa'kin ni Gab.
Dahan-dahan akong bumangon. Ramdam na ramdam ko ang pagtulo ng pawis ko sa pisngi ko.
Tiningnan ko siya. Nakasuot siya ng school uniform namin, halatang nag-aalala yung mukha niya.
Hindi ko alam ang mararamdaman ko nang makita kong okay lang siya. Agad ko siyang niyakap nang mahigpit habang umiiyak.
"M-Meg?" medyo gulat na sabi niya. "What happened during your sleep?"
"Napanaginipan kita. It wasn't a dream, but a total nightmare. Akala ko totoo. Sobrang saya ko nung nagising ako."
"I see. Anong nangyari sa'kin sa panaginip mo?"
"Nasagasaan ka daw. I was really scared. I still am, actually," sumisinghot na sabi ko.
Kumalas siya sa pagkakayakap ko sa kanya at tumingin sa'kin. He cupped my cheeks before leaning closer, close enough for my eyes to meet his.
"Listen, Meg. Forget all about it. Walang mangyayaring masama sa'kin, okay?"
I stared at his eyes before nodding. Sobrang bilis pa rin ng heartbeat ko ngayon dahil sa panaginip ko, pero dahil sa sinabi ni Gab, I feel rest assured.
"Good girl. Oh, maligo ka na. 'Di pa naman tayo male-late, inagahan ko kasi ang pagpunta dito," sabi niya.
"Thanks." I forced a smile.
•••
Nandito na kami ni Gab sa school ngayon. Kasalukuyan kaming naglalakad papunta sa classroom namin sa 3rd floor.
"Ay, Meg. Mauna ka nang pumunta sa classroom. May ibibigay lang ako kay Ronald," biglang sabi ni Gab. Napakunot ang noo ko.
"Ronald?"
"Ronald ng BSBM-1A."
"Ah. Sige."
Tinanguan niya 'ko at tumakbo na paalis. Nasa 2nd floor pa lang kami so umakyat na 'ko papunta sa classroom.
Medyo malayo pa lang ako, rinig ko na ang ingay sa classroom.
Binuksan ko yung pinto. Pahakbang na sana ako papasok, pero may nakabangga sa'kin.
"Ay, sorry! Nagmamadali kasi ako e," sabi ni Freya.
"Ah, okay lang." Kahit medyo masakit yung pagkakabangga niya sa'kin.
Nginitian niya 'ko bago pumasok sa loob ng classroom. Pumasok na rin ako at umupo sa upuan ko. Wala pang tao sa row namin. Ako pa lang.
Since wala akong makausap dahil may sari-sarili silang mundo, naisipan kong yumuko na lang para matulog since 30 minutes pa naman bago magsimula ang klase.
"Ew, what's that foul smell?" Narinig kong sabi ni Dianne, yung pinaka maarte naming classmate.
'Di ko na lang pinansin 'yon, kasi wala naman akong naaamoy. Nag-iinarte lang 'yan.
"Huh? Oo nga 'no? Ano 'yon?" narinig ko namang tanong ni Rhianne.
"Wala naman 'yon kanina nung wala pa si Megan dito," sabi ni Freya.
Napabangon ako mula sa pagkakayuko. Napakunot yung noo ko sa sinabi ni Freya.
"So, you mean na sa'kin nanggagaling yung mabahong amoy na 'yon when wala naman akong naaamoy sa sarili ko?"
BINABASA MO ANG
The Moment I Fall for You Again
Teen FictionMegan Acosta and Gabrielle Rodriguez are childhood friends. They grew up together, treating each other like their very own sibling. Until one day, they realize that their feelings are not just simple brotherly or sisterly love, but a passionate love...