Bigla na lang kumilos ang katawan ko. Parang automatic na umaksyon ang mga paa ko. Hindi ko alam kung bakit, pero unti-unti na 'kong tumatakbo papunta sa bahay nila Gina ngayon.
Buti na lang at medyo kabisado ko pa ang daan papunta sa bahay nila. Hindi ako maliligaw.
Habang tumatakbo, may isang tanong na namumutawi sa isip ko.
Bakit may plano akong pigilan si Gina sa pag-amin kay Gab?
'Di ba dapat suportahan ko pa si Gab kasi gusto niya si Gina? 'Di ba dapat maging masaya ako para sa kanya? Bakit ako tumatakbo ngayon?
Kaunting takbo na lang at mararating ko na ang bahay nila Gina. Nakikita ko na ang dalawang palapag na bahay nila.
Mas binilisan ko ang pagtakbo. Sa sobrang hingal ko, napapikit na 'ko habang tumatakbo--
"Aray!" sigaw ko bago mapatigil.
"Meg?"
I gasped when I saw Gab in front of me. Nabangga ko pala siya. Bigla akong namula sa kahihiyan.
"H-h-hi!" I greeted, stuttering.
Nanatiling nakakunot ang noo ni Gab. Obviously, nagtataka siya kung bakit ako nandito.
"What are you doing here?" He finally asked it.
"U-um, wala lang. Ikaw? Ba't ka nandito sa labas? Akala ko ba gumagawa kayo ng case study?" pag-iiba ko ng topic.
"Come. Ikekwento ko sa'yo."
Hinawakan niya ang wrist ko at nagsimula nang maglakad so sumunod na rin ako.
"Okay lang ba na iwan mo si Gina do'n? 'Di ba siya magagalit?" tanong ko.
"Ewan ko."
"Ewan mo? Ano ka ba naman, Gab."
"Ewan ko rin kung maniniwala ka, pero umamin siya sa'kin na gusto niya 'ko." I pretended to be shocked.
"Seriously?! Anong sabi niya?!"
"She told me she liked me ever since our ninth grade days. Ngayon lang daw siya nagkaroon ng lakas ng loob na umamin."
"... and what did you answer to her?"
"I told her I liked her, too."
"... ah."
"But I also told her that I don't want her to be my girlfriend."
Napatingin ako sa kanya. Is this for real? Did Gab just reject the woman he liked for 4 years?
"Are you stupid? Bakit mo naman naisipang sabihin 'yon?"
"Kasi ayoko naman talaga. I like her, but it doesn't mean na gugustuhin ko na siyang maging girlfriend. Iba ang like sa love."
Napatigil ako sa sinabi niya. Sabagay. May point naman.
"Fine. Basta 'wag kang hahagulgol sa'kin 'pag iba nakatuluyan niya ah." Natawa naman siya sa sinabi ko.
"Ano ka ba, ba't ko naman iiyakan 'yon."
"Wala lang, malay mo lang."
"Baliw," natatawang sabi niya. "Oo nga pala, ba't ka nga pala dumayo dito?"
Nanlaki ang mata ko at naramdaman kong namumula na naman ang mga pisngi ko.
"W-w-wala nga lang! Naisip ko lang kasi bigla na baka kailangan niyo ng tulong."
BINABASA MO ANG
The Moment I Fall for You Again
Teen FictionMegan Acosta and Gabrielle Rodriguez are childhood friends. They grew up together, treating each other like their very own sibling. Until one day, they realize that their feelings are not just simple brotherly or sisterly love, but a passionate love...