Author's Note:
Hi. -_-
This is Unknown_Uno. A male human species.
You already know this story consists of 8 authors. 7 abnormal species and just 1 normal human being. Of course, that's me. Hahaha.
Pilipino na. Nosebleed ka na eh. Lahat kami ay may kanya-kanyang paraan ng pagsusulat, kaya wag magtaka at maguluhan. Kuha? Tss.
Huwag kayong mag-alala. Taglish na to. Marami raw dumugo ang ilong. Sayang naman ang tissue.
Bukod pala sakin, lahat sila ay pare-parehong may saltik sa utak. Ako lang talaga ang matino at mabait. Huwag kayong maniwala sa kanila. Imahinasyon lang sila. Hahaha.
Ok. Tatago na ko. Ha-hunting-in na nila ako eh. Hahaha. Eto na ang update. After a week pala ang update. Gets? Tss.
---
Third Person's POV
"Bullshit! Aga-aga naman oh! Letse ka talagang malandi ka!"
May biglang pumitik sa sentido ni Uno ng marinig ang malakas na boses ni Dos. Binitiwan niya ang doorknob at hinilot muna ang sentido habang nakapikit.
Masakit ang ulo niya. Wala pa siyang tulog mula kagabi dahil sa magdamag na pagbabantay ulit. Humugot siya ng malalim na paghinga para ma-relax ang nararamdamang pagkainis. Pero dud siya kung mawawala yun.
"Stop that or I'll kill --"
Napahinto sa pagsasalita si Dos ng bumukas ang pinto at inuluwa nun si Uno. Ang kaninang nakakunot-noo ay napalitan ng masayang mukha. Tumakbo siya papunta kay Uno at patalong yumakap dito.
"You're finally here. Na-miss kita, Uno. What took you so long?" Nakangiting tanong ni Dos. Wala na ang bakas ng mga pasa sa magandang mukha nito.
"Get down." Malamig na sabi ni Uno. Napangisi lang si Dos.
"Why wearing sunglasses? Mataas na ba ang araw?" Nakakalokong tanobg ni Dos.
"I said. Get down." Mariing sabi ni Dos. Napakunot-noo naman si Dos.
"You're not feeling well, aren't you? Hindi mo kasi ako binara eh." Nag-aalalang sabi ni Dos saka bumaba. Hinawakan niya ang noo at leeg ni Uno.
"Wala ka namang lagnat. Masakit ba ulo mo?"
"Saang ulo ba Dos, sa taas o sa baba?" Nakangising tanong ni Tres na nakaupo sa one-seater sofa na animo'y isang hari. Tinignan lang siya ng masama ni Dos.
"Tres." Nanggigigil na sabi ni Uno.
Natawa lang si Tres. Alam niya ang tonong yun ni Uno. Kahit na magkaibigan sila ay magagawa siya nitong suntukin pag badtrip.
"Fine. Ayokong mabangasan ang napaka-gwapo kong face. First day natin sa College kaya dapat kumpleto ang pes ko." Nakangising sabi nito.
Dos just rolled her eyes. "Conceited bastard."
"Uminon ka na ba ng gamot? Punta na --"
"I'm fine." Putol ni Uno.
"Gusto mo ba ng --"
"I want you to shup up." Tumaas ang kilay ni Dos.
"Seriously? Hindi ko yun kaya."
"Tres, do me a fucking favor."
Natawa si Tres at hinatak patayo si Dos. Kinaladkad niya ito palabas ng room.
"Hey, man-whore! Kaya kong maglakad. Wag mo na kong kaladkarin, bastard!" Sigaw ni Dos. Pero nanatili siyang hatak ni Tres.