Author's Note:
Natagalan ito, I know. Ang hirap kasi eh. Tss.
Ang pagsisimula ng isang istorya ang pinakamahirap, pinakamagulo, pinakanakakalito at pinakanakakabwisit. Tss. -_-
Bakit nga ba ako ang magpapakilala sa mga bida, eh hindi naman ako ang nakaisip ng istoryang ito. Tss. Pero dahil maganda ang konsepto, pagtiisan.
Ang daming beses ko itong in-edit. Hirap ha, phone gamit ko eh. Sira desktop computer namin. Saya nga eh. Tss.
Alam niyo bang busy rin akong normal na tao. May OJT ako sa umaga tapos may part-time work naman minsan sa gabi. Oh, di ba? Sinisingit ko lang to sa hectic kong schedule. Hahaha.
Kaya yung pitong abnormal diyan, maawa naman kayo sa kagwapuhan ko at pagpahingain niyo naman. Utang na loob. Tss.
Bibili ako mamaya ng saging, carrots at pipino para sa haggard kong gwapong pes. Tss.
---
Third Person's POV
"Masakit din ang ulo ko kaya wag kang maingay kung ayaw mong pababain kita ng kotse ko." Pagkasakay palang ni Tres sa kotse yun na agad ang sinabi niya kay Dos. Tumaas lang ang kilay nito.
"Saang ulo, sa taas o sa baba?" Nakangising tanong nito.
"Both." Sagot ni Tres sabay tawa.
"Gago mo!" Sigaw naman ni Dos.
Nakita niyang umandar na ang Black Porsche ni Uno. Agad ding sumunod ang Red Audi na sakay nila ni Tres. Napabuntong-hininga siya habang nakatingin sa kotseng nasa unahan nila.
"Aba! Himala ata at tahimik ka diyan. Masakit din ulo mo?" Tanong ni Tres.
"Nope. Si Snow Hearthrob." Nakakunot na sabi ni Dos.
"What about him?"
"Magdamag na naman siya sa puntod ni Justice." Malungkot na sabi ni Dos. Napabuntong-hininga na lang si Tres. Nalulungkot din siya para sa kaibigan.
"Kelan kaya siya makaka-move on? Nami-miss ko na yung dating --"
"Let him be. Darating din yung time na yun." Putol na sabi ni Tres. Tumaas naman ang kilay ni Dos.
"Eh yung sayo, kelan dadating?"
"Anong sakin? Hindi naman ako broken-hearted ha."
"What I mean is, kelan dadating yung time na magbabago ka?"
"Hindi na mangyayari yun. Hahaha." Sabay tawa ni Tres.
"Narinig ko na yan sa kwento ng Mommy mo. Ang dakilang womanizer, ngayon under na ng Mommy mo. Hahaha." Sabay tawa rin ni Dos. Napangisi lang siya.
"Ganun din ang mangyayari sayo, Man-whore!" Nakangising sabi ni Dos.
"No fucking way!" Sigaw na Tres.
"Really?" Nakataas ang kilay.
"Of course. Pustahan pa tayo eh."
"Sige. Five million."
"Deal." Nakangisi silang nag-fist bump.
---
Habang nagmamaneho si Uno, hinihilot nito ang sumasakit na naman niyang ulo. Ayaw niyang uminom ng gamot dahil hindi naman umeepekto sa kanya ang mga yun. Huminga siya ng malalim. Kinuha ang phone.
"Bakit, bro?" Tanong ng nasa kabilang linya.
"I'm going home. Be with that Brat throughout all day."