Uno

864 10 1
                                    

Matapos maisilid ang huling damit sa kanyang maleta, muling pinagmasdan ni Bonnie ang kanyang ngayo'y halos wala nang lamang silid. Huminga sya ng malalim at mariing pumikit at inalala ang mga masasayang bagay na naganap sa minahal nyang silid Sa halos labing pitong taon. Nabulabog ang kanyang pag mumuni-muni ng pamilyar na katok Sa kanyang pinto, agad syang ngumiti at dahan dahang lumapit dito para pagbuksan ang nag iisang taong gumagamit ng ganong klaseng katok. Agad syang niyakap ng taong bumungad Sa kanya at awtomatikong bumuhos ang luha Sa kanyang mga mata.

"Ang daya-daya mo naman!! Sabi mo mag-aaral tayong lumangoy pag dating ko, pero ikaw nanaman pala ang aalis!! At sa mas malayong lugar pa!! At di ko alam kung babalik ka pa ba!!"
Humahagolgul na singhal ni Cora habang mahigpit ang yakap Sa leeg ng kaibigan.

"Sorry talaga boi hindi ko naman gustong umalis eh, pero matagal na pala tong pinlano ni Mama, nabigla din ako at nagalit sa mga pangyayari, pero kaylangan ko itong unawain. Alam mo naman ang sitwasyon namin diba?"
Umiiyak na sabi ni Bonnie. Humiwalay Sa pagkakayakap Si Cora at hinawakan ang magkabilang pisngi ni Bonnie at tumango.

"Basta pangako Mo na di ka makakalimot na tumawag ha? At mag iingat ka palagi, medyo may pagka shunga ka Pa naman at palagi kang napapahamak o nasasaktan pag wala ako" Pabirong sabi ni Cora at ngumiti na sya namang nagpalabas ng isang mahinang tawa mula Kay Bonnie

"Oo naman po Corazon Ang Unang Aswang" Pabalik na biro ni Bonnie Sa kaibigan. Isang katok muli ang nadinig ngunit ngayon Ay ang Ina na Bonnie ang nasa bungad ng Pinto

"Bonnie, anak. Aalis na tayo, handa na ang sasakyan. Cora, paki tulungan nalang Si Bonnie Sa bagahe nya." mahinang wika ni Esmé Sa dalawang dalagita.

"Sige po Mama Es. Susunod na po kami." Tugon ni Cora Sa nakakatanda.

Tumango naman ito at bumaba na ng hagdan.

"Mamimiss ko din Si Mama Mo. Lalo na yung champorado nya" wika ni Cora at agad na kinuha ang bagpack ng kaibigan at isinabit Sa kanyang balikat.

"Parang yun talaga ang pinaka mamimiss mo at di ako eh" Pabirong wika ni Bonnie at kinuha ang dalawang maleta.

"Walang papantay sayo, kahit pa luto ni Chef Boy Logro. Akin na yung isang maleta, di mo ata kaya yan payatot" Ani Cora sabay kuha sa isang maleta.

"Tataba na ako nito dahil wala ng malaking pusa na numininja Sa ref namin."

Sabay na tumawa ang dalawa at nag tungo na pababa sa hagdan.

Matapos mailagay ang huling maleta Sa Van, muling niyakap ni Bonnie ang kaibigan at hinalikan ito sa noo.

"Pakabait ka ha, wag masyadong pasakitin ang ulo ni Lola Whena, ikaw na din palang bahala Sa utang natin kay Aling Tekla." Bilin ni nya sabay tawa sa nasirang mukha ng kaibigan sa pagkadinig sa salitang "utang".

"GRABE NAMAN??!" singhal ni Cora sabay hampas Sa kaibigan. Agad namang dumipensa Si Bonnie at humagikgik ng tawa.

"Sakay ka na Daw ate Bon-bon, aalis na
daw." Ika ng maliit na boses sa Van.

"Opo sasakay na po." Tugon ni Bonnie Sa kapatid.

"O sya.. Paalam na kaibigan.. Hanggang sa muli".Ani Cora.

"Hanggang Sa muli". Tugon ni Bonnie at sumakay na nga sa sasakyan. Unti unting gumuhit ang luha sa pisngi ni Bonnie habang unti unti ding nawawala ang imahe nang kaibigan Sa bintanang sinilayan sa umaandar na sasakyan. Napalingon sya nang maramdaman ang panyo na pumupunas da kanyang pisngi. Napangiti sya at niyakap ang kanyang nakababatang kapatid na syang nagpunas into gamit ang panyo na binigay nya dito. Napaluha naman ang kanilang Ina habang pinagmamasdan ang dalawa Sa salamin ng sasakyan habang nagmamaneho. At Sa puntong iyon, alam na ng tatlong mag anak na may malaking pagbabago ang magaganap Sa kanilang buhay.

Matapos ang anim na oras na byahe. Nagisi g Si Bonnie Sa pagkakahimbing ng maramdamang tumigil na ang kanilang sasakyan. Agad syang dumungaw Sa bintana ang pinagmasdan ang bagong lugar. Puro puno ito at halaman, meron ding mga batang naglalaro Sa di kalayuan. May treehouse Sa may puno ng manggang malapit Sa dalawang palapag na bahay na Sa tingin nya ay ang kanilang bagong magiging tahanan. Sa pagkaka-alam niya, ito ay dating bahay ng pinsan ng kanyang Ina na ngayon ay nag migrate na Sa ibang bansa, at ibenenta nalang Sa murang halaga pati na ang mga kasangkapan nuon. Maganda ang ang pagkakadisenyo Sa bahay, dalawang palapag na halong moderno at makaluma ang dating. Malawak ang hardin na puno ng ibat ibang klaseng bulaklak, at may malilit na fountain Sa gitna. Maiingat na ginising nya ang kanyang kapatid Sa pagkakahimbing nito at hinalikan ito Sa noo. Bumaba siya Sa sasakyan at inalalayan ang kapatid sa pag baba nito na agad namang tumakbo papunta sa duyan na gulong sa may puno ng treehouse. Agad namang sumunod Si Bonnie at pinagmasdan ang kapatid na tuwang tuwa sa paglalaro sa duyan. Napukaw ang kanyang atensyon sa malilit sa guhit sa may katawan ng puno malapit sa hagdanan ng treehouse, na sa tingin nya ay isang tally.

"Bonnie! Andy! Kunin nyo na ang mga gamit nyo at ipasok na sa loob." Sigaw ng kanilang Ina. Agad naman tumalima ang magkapatid at kumaripas pabalik sa van upang kunin ang kanilang mga bagahe at sumunod na papasok ngbahay. Nabighani ang dalawa sa laki at ganda ng disenyo nito sa loob. Hindi eksaherada at may kakaibang sensyasyon na para bang matagal ka nang nakatira dito. Napukaw ang tingin ni Bonnie ng isang grand master piano na naka pwesto na para bang palagi itong tinutugtog sa harapan ng mga bisita sa sala. Nilapitan niya ito at maiingat na hinawakan.

"Kung gusto mo, maari kang mag aral nyan, tutal sa atin na yan mula ngayon. Iniwan na sa atin ni Tito Juan Mo".
Ani ng kanyang Ina.

"Pag isipan ko po Ma, baka naman po kasi mahal ang lessons, mag seself thought nalang ata ako tulad nang pagaaral ko ng gitara nuon". Tugon ni Bonnie sa kaniyang Ina.

"O sya, yung kwarto Mo ay yung dulo sa kanan sa taas, naka ayos na iyon at pwede ka munang mag pahinga kung nais Mo". Tumango naman Si Bonnie at umakyat na nga sa taas dala lamang ang kanyang bagpack. Binuksan niyo ang silid na bilin ng kanyang Ina at agad na inihagis ang bag sa kanyang bagong Kama. Binuksan niya ang bintana at agad syang binungad ng simoy ng hanging dagat. Ipinikit nya ang kanyang mga Mata at ninamnam ang sarap ng simoy. At sa kanyang pagdilat, isang imahe ang pumukaw sa kanyang. Isang babaeng nakatayo sa may tabing dagat, na para bang nakatitig sa kanya

That Girl On The Beach (GxG/LGBT) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon