Nabuwag ang pagtititigan ng dalawa ng isang tinig ng magsalita ang ikatlong tao sa table na iyon.
"Mag tititigan lang po ba kayo buong maghapon? Gutom na po kasi ako eh" Ani ni Andy na may halong irita at pangaasar sa tono ng pananalita.
"Ganun ba bunso? Ano pala ang gusto mo?"
"Ano po bang masarap dito ate champorado?" Tanong ng nakababata sa waitress ng may kyuryusidad.
Tumawa naman ng mahina ang babae sa pagngangalan sa kanya ng batang lalake. Isang tawa na sa tingin ni Bonnie ay para bang maaari nyang pakinggan buong maghapon.
"Well, tanyag ang aming strawberry cheesecake at ensaymada sa buong bayan. Sa inumin naman, nais kong imungkahi ang espesyal na mango shake para sayo bebe boy. At wag mo na pala akong tawaging 'ateng champorado', Ely nalang" Nakangiting wika ng babae at ginulo ang buhok ni Andy.
"Ahh.. Ako po pala si Andres, pero Andy nalang po ang itawag nyo sakin. Sya naman po si ate Bonnie ko" Pagpapakilala ni Andy sa kanilang magkapatid.
Inialok ni Ely ang kamay kay Andres upang makipag kamay at agad naman itong tinanggap ng nakababata.
Ibinaling ni Ely ang tingin kay Bonnie at inialok din ang kanyang kamay. Nag dadalawang isip si Bonnie kung tatanggapin nya ba ito o hindi. Sa huli ay binigyan na lamang nya ng isang tango ang dalaga. Hindi naman ito minasama ni Ely, bagkos ay mas nginitian nya pa ito.
"Sige po ate Ely, yung strawberry cheesecake nalanng po at mango shake ang saakin. Ikaw ate Bon-bon?"
"Ahhm.. Yu-yung ensaymada nalang..And black coffee." Mahina na tugon ni Bonnie.
Agad namang isinulat ni Ely ang mga ini order ng dalawa.
"Darating ang mga order nyo sa loob ng 5 minuto. Sana di alintana sa inyo ang maghintay" Magalang at propesyonal na wika ni Ely at saka nagpaalam na aalis na.
Nang makaalis na ang waitress ay kumawala ng malalim na hininga si Bonnie.
"Ang ganda nya ate Bon-bon no?" Nahihiya pero masayang wika ni Andy.
"O-oo. Maganda sya"
"Pareho kayong maganda ate" Wika ni Andy na syang nagpangiti kay Bonnie.
"Ay sus.. Nambola pa si pogee"
Makaraan ng ilang minuto ay muling nag balik si Ely na dala ang order ng magkapatid.
"Sana ay ma enjoy nyo ang pagkain" Wika ni Ely na hindi natatangal ang ngiti sa mukha.
"S-salamat.. E-ely" nahihiyang tugon ni Bonnie na mas nagpalaki ng ngiti ni Ely.
"Walang anoman." wika ni Ely at tumango sa dalawa atsaka umalis na.
Matapos kumain ay pumunta ang dalawa sa counter upang magbayad. Dahil nasarapan sya sa ensaymadang kinain ay napag isipan nyang dalhan ang kanilang ina bilang pasalubong.
Bago lumabas ay muli niyang sinilayan si Ely na nagseserve. Sakto naman na napatingin si Ely sa kanyang direksyon, at binigyan nanaman ng isang ngiti. Isang tipid ngunit matamis na ngiti naman ang iginanti ni Bonnie, at tuluyan na ngang lumabas ng coffeshoppe.
Bago umuwi ay nagtungo muna ang magkapatid sa parke. Maraming batang naglalaro mga larong bago sa paningin ng dalawa. Mayroong mga lumulandag sa garter, naghahagis ng parang maliliit na card, at merong para bang tatamaan ang isang lata.
Isang batang lalake ang lumapit sa magkapatid at inalok ang nakababata na sumali sa laro na may lata. Nag alangan naman si Andy ngunit binigayan ng encouragement ni Bonnie para sumali.
Sa una ay di pa masyadong alam ni Andy ang dapat gawin ngunit kalaunan ay natuto at na enjoy na nya ang nilalaro.
Natutuwa naman si Bonnie sa panunuod ng paglalaro ng kapatid, kaniya pa itong chinicheer upang matamaan nito ang lata gamit ang tsinelas nito.
Naramdaman ni Bonnie na para bang may nakatitig sa kanya, inikot niya ang paningin at naaktuhan ang isang lalaki na tila bang nahihiyang ibinaling ang tingin sa iba ng mahuli niya ito. Hinila naman ng isang batang babae ang lalaki patungo sa tindero ng sorbetes kaya binaliwala nalang iyon ni Bonnie. Ibinalik niya ang kanyang atensyon sa mga naglalaro at sakto namang tinamaan ni Any ang lata na nag resulta nanghiyawan at takbuhan ng iba nitong kalaro. Napahiyaw din si Bonnie sa nasaksihan at tumakbo papunta kay Andy at niyakap.
Makaraan ang tatlumpong minuto ay nagpaalam na si Andy sa mga kalaro na kailangan na nilang umuwi. Pagtapos ng ilang paalam ay umalis na nga ang magkapatid sa parke.
Sa daan pauwi ay muntik ng makabanga si Andy ng isang maliit na aso, buti nalang ay agad siyang nakapag preno. Bumaba siya sa bisikleta at kinuha ang aso na tila ba takot na takot.
"Andy baka hinahanap na yan ng may ari"
"But, he doesn't have a collar. Maybe he's a stray?"
"We're not sure about that. Baka mamaya maakusahan tayo ng dognapping"
"Is there such thing as dognapping??Can we take him home please? Kung may maghahanap sa kanya edi isauli natin. We cant just leave him here all alone. Baka mamaya gawin syang pulutan, sayang ang cute cute nya pa naman". Andy said with his best puppy eye look.
"Okay.. basta kung dudumi yan sa bahay ay ikaw ang maglilinis ha?"
"Yeheyyy.." Ani Andy at isinakay ang aso sa basket sa harap ng kanyang bisikleta.
Nadatnan ng magkapatid ang ina na busy sa mga papeles na ginagawa nito sa sala na hindi napansin ang pag dating nila.
"Ma, we're home. We've bought you ensaymada from that coffeeshoppe, try it, its good"
"Oh, maybe later, tapusin ko muna to, malapit na naman. How's your trip by the way?"
"Good, i guess. Andy made some new friends and playmates" Masayang tugon ni Bonnie.
"Is that so? That's good for him. Where is he by the way?"
"In the kitchen, feeding the dog"
"You bought a dog?"
"No, we stumbled upon it on our way home. Andy insisted that we take it home til someone claim it"
Tumango naman si Esme sa eksplenasyon ni Bonnie.
"O sya tawagan ko nalang ang lost and found ng bayan para sa info about a missing dog. Well how about you pala? Did you make any friends?"
Natigilan naman si Bonnie at biglang naalala ang ngitian nila ni Ely bago sila umalis ng coffeeshoppee. Bahagyang namula ang kanyang tenga at ngumiti sa ina.
"Yeah.. I guess so"
~~~
BINABASA MO ANG
That Girl On The Beach (GxG/LGBT)
RandomDi inaasahan ni Bonnie ang malaking pagbabago sa kanilang buhay, lumipat sila ng tirahan na malayo sa kanyang nakagisnan, nawalay sya sa kanyang matalik na kaibigan, at isang babae ang di nya inakalang gugulo sa kanyang isipan.. Ang babae sa may da...