Alas sais ng hapon na nang magising Si Bonnie. Matapos ang pakikipag titigan sa estrangherang babae sa may dalampasigan ay nagdisisyon syang itulog nalang muna ang kyuryosidad niya rito. Bumaba siya mula sa kanyang silid at naabutan ang kanyang Ina na naghahanda ng hapunan sa kusina.
"O anak, napasarap ba ang tulog?" Tanong ng kanyang ina
"Medyo Ma, my bed feels so cozy, it's almost like my old one back home" Tugon naman ni Bonnie.
"Glad to hear that. Sanayin mo nang maging komportable sa bahay na ito. It's our new home from now on" Nakangiting wika ng kanyang Ina.
Lumapit Si Bonnie sa kanyang Ina at mahigpit na niyakap ito.
"So what's for dinner?"
"Paborito mo. Pakbet" Tugon ni Esme at ipinatikim sa anak ang pagkaing niluluto.
"hmmm.. The best ka talaga Ma. Siguradong mamimiss ni Cora tong pakbet mo". Magkahalong saya at lungkot na wika ni Bonnie.
"Nak, alam kong mahirap para sa inyo ng kapatid mo ang malaking pagbabago na ito sa buhay natin. Alam kong mamimiss mo nang maiigi ang matalik mong kaibigan, ang mga iba mo pang kaibigan, at ang buhay natin sa syudad. Di ko hinihiling na kalimutan mo ang dati nating pamumuhay, gusto ko lamang na magsimula tayo ng bago. Learn new things, make some new friends. I've heard na mayroong coffeshop na sikat for teens and kids sa may bayan, why don't you and Andy check it out tomorrow?"
Napaisip naman si Bonnie sa sinabi ng Ina. Hindi sya yung tipong madaling makipagkaibigan, unlike Andy. She prefers to limit the people in her life, she value her privacy very much and she don't give anyone access on it easily.
"Sige Ma, papasyal kami bukas, di naman kalayuan ang bayan diba?"
"Yep, it's only a 10 minute car drive. Hatid ko nalang kayo" Masayang wika ng kanyang Ina.
"No need Ma. We'll take our bike and board. Baka kalawangin yun pag di magamit" Tugon ni Bonnie na may malaking ngiti.
"O'sya, tawagin mo na ang kapatid mo at kakain na tayo"
Matapos ang hapunan ay nag presinta si Bonnie na magligpit at maghugas ng pinagkainan upang makapag pahinga na ang kanyang Ina. Matapos into ay naglinis sya nang kanyang katawan at nag palit ng damit pantulog. Sinilip nya ang kapatid sa sarili nitong silid at dinampian ng halik sa noo. Kanyang ding ginawa yuon sa kanyang Ina at dumeretso na sariling silid upang makapagpahinga na.
Dumungaw siya sa bintana upang muling pagmasdan ang dalampasigan, nagbabakasakaling naroon parin ang estrangherang babae na nakapukaw ng kyuryusidad nya. Matapos ang 5 minutong pagmumuni muni ay nakaramdam na siya ng antok. Isinara nya ang bintana at ibinaba ang kurtina, saka nahiga at dahang dahang bumigay ang kanyang mga mata.
Nagising si Bonnie ng sinag ng araw na tumatagos sa kanyang bintana. Kinuha niya ang kanyang cellphone upang tingnan ang oras. Alas otso na pala ng umaga. Binuksan nya ang isang mahabang mensahe galing kay Cora at nagdesisyong tawagan nalang ito mamaya dahil malamang ay tulog pa ito sa mga ganitong oras.
Nag ayos sya sa sarili at bumaba na upang makapag agahan. Naabutan nya ang kanyang kapatid sa sala na nanunuod ng telebisyon habang kumakain ng champorado.
"Wow, meron pang ganyan bunso?" Masiglang tanong ni Bonnie na takam na takam sa pagkain.
"Meron pa ate, bigay ng kapitbahay daw natin, tingnan mo dun sa kusina" Tugon ni Andy ng di naaalis ang mata sa telebisyon.
Agad namang tumakbo si Bonnie sa kusina at nadatnan ang ina na kumakain din ng champorado.
"O anak, halikat kumain ka na, merong champorado at tuyo dito, meron ding pandesal kung gusto mo" Alok ng kanyang ina.
Agad na sumandok si Bonnie at ninamnam ang sarap ng pagkain
"Kanino po ba to galing Ma? Ang sarap naman"
"Ah, isang dalaga ang nakita kong nag abot nito sa kapatid mo, hindi ko na nga natanong ang pangalan, umalis din agad, di ko tuloy alam kung saan isasauli tong lalagyan." Tugon ng kanyang ina na halatang nasasarapan sa pagkakaluto ng pagkain.
"Hala naman Ma, bat basta basta nalang kayong tumatanggap ng pagkain sa di nyo pa masyadong kakilala? Baka mamaya nilason na tayo o kayay tubuan tayo ng pakpak!" Eksaheradang sambit ni Bonnie.
Binigyan lamang sya ng blankong mukha ng kanyang ina.
"Bonifacia, hindi ako pinanganak kahapon. Alam ko ang sa tingin ko ay mapagkakatiwalaan, at isa pa, wala sa itsura ng dalaga kanina ang manglalason o mangkukulam. Maganda siya at mukhang mabait. At isa pa, sinigurado sakin ni Tito Juan mo na ligtas at mabait ang kumunidad na ito." Bwelta ng kanyang ina na nagpakalma naman kay Bonnie.
"Sya nga pala Ma, nasabi mo na ba kay Andy yung tungkol sa lakad namin ngayon?"
"Oo, nasabi ko na kanina, hinanda nya na nga ang bisikleta nya."
"Mabuti naman po. Kung tapos na po kayong kumain Ma ay iwanan nyo nalang po dyan at ako na ang magliligpi. Pagkatapos po ay maliligo na ako para makaalis na kami't maagang makauwi."
"Sige nak at may aayusin pa akong mga papeles sa taas."
Matapos ang agahan ay nagligpit na si Bonnie sinabihan ang kanyang kapatid na maghanda na din.
Naligo sya at inilabas ang skateboard nya nasa nasa kahon.
Bumaba sya sa garahe at nadatnan ang kapatid na nag aayos ng helmet at protective gears na sa tingin nya ay di na nya kailangan.
"Bonnie wear your helmet please." Utos ng kanyang inang kalalabas lamang at may dalang mga panyo.
"Ma, i dont need it anymore, and besides, di naman magiging mabilis ang takbo namin eh, right buddy?" Tugon ni Bonnie sabay tingin sa kapatid na tumugon naman ng tango.
"Hayyysss.. okay.. basta magingat ha? O here's my credit card, dont spend too much, okay?".
"Yes Ma'am" masilang sagot ng magkapatid sabay saludo sa kanilang ina.
Napangiti naman si Esme sa ginawa ng mga anak.
"Alis na po kami Ma.. Byieeeahhh love you"
"I love you too mga matsing" Masiglang sigaw ni Esme at kumaway sa papaalis na mga anak.
Nang makarating sa bayan ang magkapatid ay agad nilang hinanap ang coffeeshoppe na binanggit ng kanilang ina noong nakaraang gabi. Agad naman nila itong nahanap sa tulong ng mga mababait na taong napagtanongan nila.
Pagpasok palang ay bumungad na sa kanila ang masarap na amoy ng kape at mga bagong gawang tinapay at pastries. Maganda ang pagkakadesenyo ng loob. It gave Bonnie that aesthetic vibe she always see on tumblr. T'was so cozy and beautiful.
Pumwesto ang magkapatid sa medyo pinataas na bahagi ng shop na may dalawang upuan kitang kita ang bawat customer na papasok at kumakain na.
Isang boses ang pumukaw sa atensyon ng dalawa.
"*Ehem*...Ano po bang nais nyong inumin sa araw na ito" Ani ng waitress na may malaking ngiti.
"Ah ano po--" Natigil ang pagsasalita ni Bonnie ng mapagmasdan ang mukha ng may-ari ng boses.
"Ateng Champorado!!" Nabaling ang tingin nya sa kanyang kapatid na kita ang tuwa sa mukha.
Nang muli nyang tinignan ang babae ay nakatitig pala ito sa kanya. Hindi mahanap ni Bonnie ang mga salitang dapat sabihin. Naluunod sya mga mata ng napakagandang babaeng nasa harap nya.
BINABASA MO ANG
That Girl On The Beach (GxG/LGBT)
RandomDi inaasahan ni Bonnie ang malaking pagbabago sa kanilang buhay, lumipat sila ng tirahan na malayo sa kanyang nakagisnan, nawalay sya sa kanyang matalik na kaibigan, at isang babae ang di nya inakalang gugulo sa kanyang isipan.. Ang babae sa may da...