Tingin po ulit sa right side ^___^ >>>>>>>> Si Mike Jualayba po yan as Xavier Ayden Urbina... if you want to be part of my story let me know... thanks:D enjoy reading guys,,,
Love is unexpected; you don’t know when, where and how you feel it to unexpected someone.
Chapter 3 . . . UNCONTROLLABLE FEELINGS <3
Di ko aakalain, na sa desisyon kong iyon, mapapahamak ang puso kong nananahimik.
Yan-yan’s POV
After nung araw na nag-usapusap kami nina Mad and Wil, about dun sa proposal na gagawin, ito na ako ngaun sa isang coffee shop kasama si Nicole na parehas kaming nagttrabaho sa kanya kanyang business. Si Bridget? Ayun, late na naman..si Nicole Kararating lang from US. At trabaho na naman ang inaatupag ngayon.
“So,about the proposal of Mr. Wil? Kamusta naman un?and who’s the lucky girl?” biglang tanong ni Nicole.
“Lucky girl? Or.. unfortunate girl?” bahagya akong tumawa, ngunit si Nicole kumunot ang noo sa sinabi ko. “ok..ok.. wala akong ibig sabihin sa sinabi ko huh?” ngumiti ako.
“eh bakit parang may laman yang sinasabi mo? Parang galit nag alit ka sa client mo ngayon?? Bago yan huh?? Lahat ng client na dumadaan sayo… inaalagaan mo at kinakaibigan mo.” Nicole. Sabay higop sa frappe niya.
Di ko pa kasi nasasabi ang nangyare sa amin ni Wil yung first time naming magkita. Si bridget lang nakakaalam nun at si Mad.
“do you want to know huh?” tanong ko.
“Of course, ano ba ngyare?” then ikinwento ko ang nangyare sa amin ng lalaking yun.
“ahahah!! That’s so insane!! Look? He told you that you’re UNPROFESSIONAL? Is he really knows Ms. Zyanna Chassandra Saavedra?? Siguro kong makikilala niya ito, baka kainin niya lahat ng sinabi niya.” Sabay tawa ni Nicole.
“Yeah!! That’s why I want this work will be done a soon as I can, para naman di na masira yung araw ko.. Kung hindi lang sa kapatid niya na si Mad, at halos mag makaawa na sa akin na ako na ang humawak sa wedding niya, di tlga ako papayag” sabay inom ko naman sa frappe ko at tingin sa laptop.
Nag sesearch na ako ng mga places na pwedeng magpropose si Wil, magpaka Carmina and Zoren kaya sila sa may Orchard sa may Alabang? Or somewhere in Palawan na private din? Or sa may Davao?
Gusto kasi ni Mr. Vargas na ang proposal ay private and after he propose wedding na agad agad, d b wala ng urungan ang bride? Pero he want it unique and extra ordinary…. Arghhh!!! Paano ba itech… walang pumapasok sa utak ko… naiinis lang ako sa lalaking un!!
Napasabunot na lang ako sa sarili ko ng di ko namamalayan.
“Hey!! Relax Yan-yan, walang papasok sa utak mo kapag ganyan ang inaakto mo. At kapag iniisip mo na naiinis ka sa client mo, walang mangyayare.. papalpak at papalpak yang trabaho mo.” Sabi ni Nicole, sabay baling naman ulit nito sa trabaho nito.
Kaya nandito kami sa coffee shop ngaun dahil parehas kaming ayaw naming magtrabaho sa office… nakakabore at parang wala kang maiisip na magandang ideya… ganito kami kapag nagkakasundo na magtrabaho na alng ng sabay sabay.
“Hi guys!! Workaholic huh?”sabay beso naman samin ni bridget na kararating lang.
“Bridget huh? Wala ka ng pinagbago.. you’re late again and again..” panenermon naman ni Nicole. At si bridget naman ay binubuksan ang kanyang laptop.
“Guys!! Life is too short!! In a little time, dapat nagpapakasaya din tayo… “
“at bakit ka na naman late huh? Puyat?” singit ko sknila.