1

48 1 0
                                        

Seulgi

"Kapag lumingon ka, akin ka."

Napatingin ako sa lalaking bumulong mula sa likod ko. Napairap na lang ako sa kawalan dahil nandito na naman siya para pagtripan ako.

"Woah, 'di ko akalaing hindi na ako mahihirapan pang ligawan ka Seulgi baby, honey, munchkin, choco, babe, loves--" Hindi na siya natapos sa dialogue niyang mala-MMK sa haba ng intro dahil binigyan ko siya ng nakakamatay na tingin. "Una sa lahat, luma na 'yan. Pwede ba, yung medyo latest naman ang i-try mo."

Nakita ko namang umabot sa tenga yung ngiti niya. "Gusto mo yung latest talaga, Seulgi babes?" Kinilabutan naman ako dahil sa mga pinagsasasabi ng pandak na 'to.

"Park Jimin, for your information. Hindi ako baboy kaya wag mo akong ma-babes babes diyan. Pangalawa, nakalimutan mo na bang president ako ng student council? Konting respeto naman. Pangatlo, may meeting pa kami kaya pwede bang wag mo na akong abalahin?" Mataray na sabi ko sa kanya. Oo nga, SC president ako. Pero napipilitan akong magmaldita dahil sa pandak na 'to. Pero syempre, alam ko naman ang limitations ko kaya hindi ko gingamit ang pagiging president for granted.

"Alam mo Seulgi babes, wag ka na kasing mahiya. Alam ko naman na pinagpapantasyahan mo rin ako sa panaginip mo." Hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy na lang ako sa paglakad papunta sa SC room dahil baka hindi ako makapagpigil at makatikim ng flying kick 'to with super mega punch.

"Oops. Off limits ka na dito Park Jimin." Sabi ko sa kanya nang makarating ako sa harap ng SC room. Syempre dahil epal siyang pandak, sinundan niya ako kanina habang naglalakad. Wala na akong nagawa kaya hinayaan ko na lang, monggoloid kasi e.

"Bukas na lang ulit Seulgi babes. Wag mo akong mamimiss ah?" Kumindat pa siya habang nakangiting aso or more like, ngiting demonyito. Napapalo na lang ako sa noo ko.

Gusto ko na lang maipadala sa mars para makalayo sa abnormal na 'to.

~•~

"Seulgi unnie, eto na nga pala yung pinagawa mo sa'king draft ng invitation na ipapadala natin sa Monster High." Inabot naman sa'kin ni Somi yung ginawa niya at ini-scan ko 'to. "Okay, thank you Somi. Ako na bahala magpadala nito." Sagot ko naman sa kanya.

Ang Monster High ay ang school na madalas naming nakaka-compete sa iba't-ibang activities tulad ng mga quiz bees, intramurals at iba pa. Last year, sa kanila naganap ang annual intramurals kaya dumayo ang mga players namin dun.

Ngayong year, dito naman sa Springfield University gaganapin ang annual intramurals kaya todo ang paghahanda naming mga SC officers. Lalo na ako dahil ako ang president, at ang vice president kong si Namjoon.

"Namjoon, ano nang balita sa mga tryouts?" Tanong ko sa kanya habang busy ako sa pagtatype ng draft ng mail na ipapadala ko sa principal ng Monster High.

"Okay naman Seulgi. Actually, tapos na kahapon pa ang tryout para sa basketball. Ngayon, track-and-field naman ang gaganapin na tryout sa field." Napatango naman ako. Mabuti na lang talaga at masipag din 'tong si Namjoon kaya hindi na kailangang ako pa ang mag-asikaso ng ibang bagay.

"Kamusta naman ang players natin sa basketball? Balita ko, nakarecover na daw si Kris sa injury niya kaya may star player na ulit ang Monster High."

"Okay naman Seulgi. Nagstart na rin sila ng training." Mabuti naman at masipag din ang coach ng basketball team namin kaya maaga nagstart ang training sessions nila. "Okay Namjoon, thanks for the info." Sagot ko sa kanya habang nagtatype pa rin ng draft ko.

"Seul, naiforward ko na pala sa'yo yung mail na ipinadala sa atin ng Hartfeld University. Check mo na lang mamaya." Sabi sa'kin ni Irene unnie. Isa siya sa mga friends ko dito sa school. Kasama ko rin siya sa SC dahil siya ang secretary.

"Okay unnie. Thanks." Ngumiti naman siya sa'kin bilang sagot.

"Okay guys, eto yung proposal ko na sinang-ayunan na ni Ms. Pres para sa magaganap na annual intramurals." Pagsisimula ni Namjoon. "As we all know, si Ms. Pres na ang bahala sa paghahandle sa mga players natin. Ako naman ang maghahandle sa mismong event natin, para less hassle na rin kay Seulgi. Irene and Jin, dahil kayo ang secretary and assistant secretary, kayo ang bahala sa mga booths natin. Wendy and Hoseok tutulong kayo kay Ms. Pres na mag-asikaso sa mga players natin sa event, okay? Tandaan ninyo. Marami ang players natin kaya hindi kakayanin ni Seulgi mag-isa." Tumingin sakin si Namjoon kaya ngumiti na lang ako sa kanya. "And lastly, Somi ikaw na ang bahalang mag-entertain sa mga bisita natin pagdating nila." Sumang-ayon naman ang lahat kaya hindi na kami nahirapan baguhin ang plano.

"Okay guys, thank you for cooperating. Pwede na kayong umuwi." Sabi ko sa kanila. Nagligpit na kami ng kanya-kanya naming gamit. Nauna na silang lumabas at kami na lang ni Namjoon ang naiwan para mag-ayos ng SC room, perks of being the president and vice.

"Seulgi, di ka pa ba sasabay?" Tanong niya sa'kin. "Ichecheck ko pa ang progress ng tryouts natin. Dadaan muna ako sa field." Sagot ko naman sa kanya.

Nakita ko namang medyo ngumiti siya. "Samahan na kita dun Ms. Pres." Hinampas ko naman siya ng mahina sa braso. "Sabi ko sa'yo Seulgi lang e. Wag nang Ms. Pres." Natawa na lang kami pareho at sabay na naglakad papunta sa field kung saan nagaganap ang tryout para sa track-and-field.

~•~

"Seulgi unnie! May problema tayo." Hingal na hingal si Somi habang tumatakbo papalapit sa amin ni Namjoon.

Ano naman kayang problema?

"Ano 'yun Somi?" Nakita ko namang medyo nagpapanic siya at hindi siya mapakali kaya hinawakan ko siya sa balikat para pakalmahin siya.

"Unnie, ano kasi." Nag-aalangan pa siya kung itutuloy niya ba yung sinasabi niya. "Ano?" Tanong ko ulit dahil mukhang wala siyang planong sabihin sa'kin ang problema.

"Alam ko marami ka nang iniisip unnie, pero kasi." Huminga nuna siya ng malalim bago nagpatuloy. "Na-injured yung star player natin sa track-and-field."

"Ano?! Teka. Nasan siya?" Alam kong hindi dapat ako magpanic dahil dapat ako ang naglelead sa kanila. Pero hindi ko maiwasan dahil malapit na ang event at hindi pwedeng magkulang kami sa players.

"Nasa clinic siya ngayon unnie." Nakayukong sabi ni Somi.

To be continued..

-•-

Sassy_mee

Falling for the Park SiblingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon