Remembering!!!!!

12 0 0
                                    

A: Before anything else, I want to say Salamat sainyong lahat na nagbabasa ng aking book and sana magtuloy tuloy. Hope you like it and just enjoy. Lovelots😘😘

.............................................................

Ella's POV 👧

Nakatulala parin ako sa aming kisame at unti unting binabalikan ang mga nangyare kanina. "Hayssttt!! Bat pa kase ginawa ko yun kainis naman."

Teka totoo ba? Na magiging Slave nya ko? Ha? Mabalikan nga

FLASHBACK.

Nang mag ring na ang bell hudyat na para sa aming susunod na subject ng bigla nalang may humawak ng kamay ko at hinila ako. Patuloy ako nito akong hinihila hanggang sa makarating kami sa gym.

Teka sa gym? Nabalik ako sa realidad ng bitawan nya ang kamay ko.

"Bat tayo nandito?" Ang sabi ko. Pero hindi sya sumasagot.
"Bakit tayo nandito ang sabi ko. Bat mo ko hinila papunta dito? Ha. Bakit hindi ka nagsasalita? Alam mo bang pwedi kitang kasuhan sa ginawa mo? Tssk OA na kung OA pero basta basta ka nalang kaseng nanghihila ng walang permiso."
At wala parin syang sinasabe sa dame ng sinabi ko. Tss mananahimik na nga lang ako.

"Tapos ka na?" Ang sabi nya.

Tsssk! Kala ko pipi to eh.

"Ahh.! Nagsasalita ka pala. Kala ko pang display lang yang labi mo."

May pagka sarcastic kong sabi.

Pero aaminin ko medyo "Cute" sya. Hahaha!. Pero di ko sya type ah baka kung ano iniisip nyo jan ah. Sipain ko kayo eh! Hahahah CHOOSSS!.

"OY."

"Ay baklang sinabugan ng asido sa mukha naging longganisa" gulat ma sabi ko.

"Papatayin mo ba ako sa gulat ha? Kita mong nag-iisip yung tao eh." Tsaka ko sya inisnob.

Patayin kita jan eh. God I hate drugs. Hahaha nu connect?
Ah. Basta I hate him. Tsssk

Tinignan ko ng mabuti itong lalaking nasa harapan ko. Hmmmm I think may binabakla to saken. Hindi ko lang mawari kung ano.

Mukha palang eh. Alam mo ng may hindi magandang gagawin sayo.

"So anong nga ang kailangan mo saken uh?" Pagbabasag ko ng katahimikan.

"Alam mo bang dahil sa ginawa mo kanina eh napagalitan ako kay papa tssk." Pasigaw na sabe nya.

Isang malaking TSSK para sayo.

"Eh ano ngayon hmm?" Pataray na sabi ko.

"At dahil don ay may parusa akong ipapataw sayo." Nakangiti nyang sabi sa akin.

Hahahahaha! Gago. Patawa ba sya sa tingin nya ba eh papayag ako don. Tssk dream on boy.

"At bakit ko naman tatanggapin aber?" Inis na sabi ko.

"Dahil kapag hindi ko tinggap. Sasabihin ko kay papa na ikaw talaga ang may gawa para mapaalis ka dito sa school na to." Sabi nya.

Nakuuuuu!! Sabi ko na nga ba eh may binabalak to. Kainis bat ko pa kasi ginawa.

"Okay sige i'll accept it. So ano ba ang parusa?" Mataray na sabi ko. Eh sa naiinis nako eh.

"Madali lang naman eh. BE MY SLAVE FOR 3 MONTHS."

"Oh madali lang naman pala eh. Teka wait Ha? SLAVE FOR 3 MONTHS? Nasisiraan ka na ba ng ulo? Gusto mo pagawa ko?" Slave daw sabi ni gago.

"Sa ayaw at sa gusto mo magiging alipin kita."
Ngumiti sya sakin ng nakakatakot bago sya umalis at iniwan akong nakanganga ang bibig.

END OF FLASHBACK.

Hayysst. Sa tuwing naiisip ko yon naiinis ako sa sarili ko. Grabe hinablot ko lang yung earphones tapos ngayon magiging Slave na ako ng Shemay nayun. Ihhhhh!!!.
"Mamatay ka na. Mamatay ka na."

Mas mabuti pa itulog ko nalang to. Para naman di ko na masyadong maisip pa lahat ng yon. Hayyy..

"Good Night Universe. Good Night World. Good Night Philippines. Good Night To me."

Zzzzzzzzzzzzzz.

WHEN HE CAME.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon