ROBERT'S POV
"Ano to, robert? Ganto ka na ba talaga sakin? Ha? Dahil ba kay Dustin to? Makinig ka sakin, nung mga bata palang tayo, mahal na kita. Natatakot ako umamin kasi natatakot ako mawala ka. Sana naman maniwala ka sakin. Oo minahal ko si Dustin pero hindi nawala ung pagmamahal ko sayo. Please give me another chance..."
And she left me with her tears..
Parehas lang tayo Kaila.. Parehas lang tayo ng nararamdaman.. Hindi ko na alam ang gagawin ko .. Lumabas ako sa clinic at dumiretso ako sa isang club.. Uminom lang ako ng uminom.. Gusto kong kalimutan lahat ng mga katarantaduhang ginawa ko. Ang sakit sa pakiramdam na makita ung taong mahal mo na.. umiiyak ng dahil sayo.. Ang tanga tanga ko!
"Sir? Alak pa po ba?"
"IBIGAY NYO SAKIN LAHAT NG ALAK NYO! Wag kayong magtira!"
Alak.. Alak.. Alak!!!
Hanggang sa dumilim ang paningin ko......
--
"Robert! Robert! Gising!"
Blurry pa ang paningin ko, pero nakikita ko si Mhavhick na ginigising ako.. bakit? nasaan ba ako?
"ROBERT! GISING!"
Minulat ko mga mata ko at nakita ko si Mhavhick .. nasa bahay ako..
"HAY! BUTI NALANG AT NAGISING KA DIN. ANO BANG TUMAMA SA ISIP MO AT NAGPAKALASING KA SA 100 ALAK? TANGA KA NA BA? O NAGTATANGA-TANGAHAN? GAGO KA TALAGA NO? GRABE KA, PAPATAYIN MO YANG SARILI MO. "
Nagulat ako nung.. tumingin ako sa may left part ko.. I saw Kaila.. Tahimik lang sya pero halatang nag-aalala sya sakin.. Aw...
"HOY! SAGUTIN MO NGA AKO? ANO TUMAMA SA ISIP MO?!"
"Tama na mhav.. May hang-over pa yan.."
"Gago bakla."
Andito din pala si Joseph.. So it means nabuo at nagsama sama na ulit ang Sorority after some months.. Grabe nakakamiss sila.. </3
"MATULOG KA NA ULET! BWISET KA! PINAG-ALALA MO KAMING TATLO!"
"Kayong dalawa lang. Ako wala akong pakialam sa baklang yan. Haha"
"Hayst. Kakaiba ka talaga Joseph. Bwisit." Sabi ko.
"Robert ahm.. ito tubig.. Inumin mo para mawala sakit ng ulo mo.. "
Sabi ni kaila..
"Salamat"
"Wala yun, ano ba kasing nangyari? Bakit ang dami mong ininom.. Diba.."
"Diba?"
"Ahm.. Wala na un haha.."
"Ano nga?"
"Diba.. promise mo sakin hindi ka magiinom.. haha.. pero syempre dahil sa nagawa ko.. wala na din ung promise na un.. hahaha sor--"
"Sorry, I broke my promise. "
"Hahaha.. Ayos lang un.. Ako din naman.. Nabroke ko ung special promise natin sa isat isa.. Na hindi tayo magmamahal ng iba.."
"Ayos na un Kai.. "
"I miss you robert.." And her tears fall down..
"I miss you too kai.." As my tears fall down too..