*KAILA'S POV
"Kaila, Sis, 4 years tayong magbestfriend. Actually, mas mahaba ang friendship nyo ni Robert, tapos ngayon mo lang naramdaman yan?" Si Mhavhick yun, at ung naramdaman? Pagmamahal un. Oo mahal ko si Robert, hindi bilang bestfriend. HIGIT PA DUN.
"Oo, Mhav. Matagal ko nang pinagisipan yan. Almost 1 week na akong tuliro, mapag-isipan lang ng mabuti 'to. "
"Kelan mo balak umamin?"
Kelan nga ba? Hindi ko alam. Walang napasok sa isip ko kung kelan, blanko.
"Uy, sis. Kelan? Tuliro ka na naman."
"Hindi ko alam, Mhavick. "
"Ha?! Nabuuang ka na ba talaga?! Paano ka aamin kung mismong date, hindi mo alam."
"Iniiwasan nya ako, Mhavhick. Sige nga, paano ko siya makakausap ng matino kung nag-iiwasan kami?"
"Ako bahala sakanya. Kakausapin ko siya dito."
Gulong-gulo na ung isip ko. Kaya naman di ko napigilang, umiyak.
"Shhh, tahan na. Wag ka namang umiyak, please? Ako na bahala dito. Promise ko sayo, makakapg-usap kayo ni Robert. SA LALONG MADALING PANAHON"
" Paano kung hindi siya pumayag? "
" Ano ang last nyang sinabi sayo?, Di ba, ILOVEYOU? Alam ko Kaila, mahal na mahal ka pa din nun. Meron lang bitterness sa puso niya dahil kay Dustin. "
Siguro nga, bitterness.
***
@SCHOOL
"Kaila, I want you to facilitate our classroom. Since ikaw ang nagstastand-out sa English, You must be the one who lead them, Okay? Babalik ako kaagad. Aattend lang ako ng meeting."Sabi ni Ms. Sanchez, English Teacher namin.
"Okay po, Ma'am."
Pagpasok ko sa Classroom, nadatnan ko si Robert, Mhavhick & Joseph na magkakasama. ako nalang pala ang kulang sakanila. Since, first period namin ang English, innannounce ko na di makakaattend si Ms. Sanchez.
"Edi Kaila, Ikaw ang magtuturo sa amin?"Tanong ni Alaissa, kaklase ko.
"Yup, hehe!"
"Bilisan mo na kasing mag-turo. "
And lahat kami, nagulat sa sinabi nI Robert.
Yes, siya ang nagsabi nun.
"Robert, Ano ba?!" Sabi ni Mhavhick.
"Bakit?, Saan ka nakakitang teacher na ang kupad kupad magturo?"
Nasasaktan na talaga ako sa mga naririnig ko ngayon.
Biglang nagblink sa isip ko.
SHOULD I CONTINUE MY CONFESSION?
Siguro nga, sign na to sakin ni God na wag na ituloy ang Confession.
"First of all, As the sub of Ms. Sanchez, I have my own rule in my own class.
First, ayoko ng maingay.
Second, pwede magtalog pero kapag magrerecite, ENGLISH.
And Third, when I say PASS IT. PASS IT, Okay? That's all. We're going to discuss about Prefixes. I know that you're all know prefixes. Am I right?"
"Yes." Sagot nila.
"Punta lang akong clinic. Sakit ng ulo ko."
Sabi nI Robert.
Naiinis na ako, Nasasaktan na ako, Nabwibwisit na ako sa mga kinikilos niya. Pero All I have to do is magtimpi. Wala akong karapatang bweltahan siya dahil kasalanan ko din naman kung bakit siya naging ganyan sa akin.
"Ah, sige Robert. " Then I fake a smile.
"Gusto ko isama si Lyka."
Lyka is my classmate. She's beautiful, Smart, Tall and Maputi siya. Actually she's our muse.
Bakit nya gusto isama si Lyka? Is this a revenge?
"Huh?" Sabi ni Lyka na may pagtataka.
"I said, I want you to guide me. "
"Huh? Ako? Hindi tayo close."
Nauubos ang time ng English ng dahil sa sitwasyon na to.
PUNONG-PUNO NA AKO
"Go on, Lyka. Samahan mo na siya. "
"Bu--"
" HE JUST WASTING OUR TIME. BILIS NA. "
"Okay. " -lyka
Bwiseeet!
@9am dismissal ng English.
Recess na.
"Kai, Ayos ka lang? May gusto kasi si Robert kay Lyka. Sabi sakin ni Renzo."
Puuuuta? Meron nga? Kelan pa?
"Kelan pa?" Walang gana kong sagot.
"Kahapon lang daw. "
"P*ta."
"Tuloy pa ba ang balak mo?"
"Hinde na, aasa pa ba akong magka-ayos kami? Hindi na."
"It's up to you, Kaila. Ayoko na manghimasok pa."
Ano ba talaga? Magcoconfess pa ba ako? Hindi ko na talaga alam ang gagawin.
Tumakbo ako palabas at pumunta sa clinic kung saan pumunta si Robert
"KAILAAAAAAA! SAN KA PUPUNTA?"
"KAAAAAAAAI!"
Hindi ko sila pinansin tuloy pa din ako sa pagtakbo hanggang sa nakarating ako sa clinic, nakita ko si lyka sa may sofa at si robert nakahiga sa kama.
"ROBERT."
Nagulat si Lyka at Robert nung nakita nila ako.
"Lyka, bumalik ka na sa room."
"Wag lyk--"
"LYKA BUMALIK KA NA SA ROOM."
"oo ito na."
"Ano na naman ba Kaila?"
"Ano to, robert? Ganto ka na ba talaga sakin? Ha? Dahil ba kay Dustin to? Makinig ka sakin, nung mga bata palang tayo, mahal na kita. Natatakot ako umamin kasi natatakot ako mawala ka. Sana naman maniwala ka sakin. Oo minahal ko si Dustin pero hindi nawala ung pagmamahal ko sayo. Please give me another chance..."