SA araw-araw na lang na ginawa ni Lord, ganito lagi ang eksena.
Alipin o Asawa?
Paano may saltik lagi ang sira-ulo! Hindi ko na alam ang gagawin ko! Ano bang problema niya? Mababaliw na yata ako sa kunsimisyon!
"Sundayyy!" rinig kong sigaw niya na nagmumula sa kusina.
"Bakit?" Tanong ko at lumapit ako sa kanya.
"Hindi ka na nga marunong maglaba! Hindi ka rin pala marunong magluto! Shit! Mamatay ako sa alat nito!" Galit niyang sabi. Pagkatapos ay tumayo na siya at sinundan ko siya papunta sa kwarto namin. Nagalit siya dahil sa niluto kong sinigang na baboy. Pagkakatanda ko ay 'di naman maalat ang niluto ko. Tama lang.
Nagpapalit siya ng damit. Langhiya talaga! Wala siyang pakialam kahit nakikitaan ko na siya. That is opportunity. I smiled secretly. Nang mapansin niyang nakamasid pala ako, bigla kong binawi ang tingin ko sa kanya.
"Saan ka pupunta?" kunwaring tanong ko.
"Kakain sa labas. Kung araw-arawin mo ang pagluluto ng maalat, malamang UTI na aabutin ko at mawalan na ako ng bato." Seryoso niyang saad.
Pagkakaalam ko marunong akong magluto kahit paano. Bakit lagi siyang nagrereklamo?
Bumalik ako sa kusina at tinikman ko ang niluto ko at wala naman problema sa lasa. Baka nagdadahilan lang siya o 'di kaya'y pinasasama lang niya ang loob ko.
Grabe talaga ang lalaking iyon.
Nagtungo ulit ako sa kwarto ni hambog. Inis na inis na talaga ako sa kanya.
"Kung ganon pala humanap ka na lang ng katulong. Para hindi ka nagrereklamo sa serbisyo ko!" Inirapan ko ang gunggong.
"Marunong ka na pa lang mabuwisit ngayon,"
"Oo naman, lalo na sa katulad mong antipatiko!"
"Well, gwapong antipatiko!" ngisi pa niya sakin.
"Alam mo ang sama mo! Hindi naman pala asawa hanap mo! Maid, yaya, utusan at alila!" sabi ko sa kanya. Sobra na talaga siya.
"Bakit pa? Eh nandiyan ka naman."
Hayun o madali na siyang nakalabas ng kwarto. Hindi man lang nag-atubiling lumingon sa akin. Siya ang batas sa pamamahay na 'to. Ano pa nga ba ang silbi ko sa kanya.
Hindi kami sabay kumain. Ni wala nga siyang panahon sakin. Magkasama nga kami sa isang kwarto kaso ang lupit niya talaga. Hiwalay kami matulog. Ako sa couch, siya sa kama niya.
Gaspang ng ugali 'di ba?
Kung pwede lang sana magpa-annul na lang ng kasal, ngayon pa lang gagawin ko na.
Mababaliw na yata ako.
----
Akala siguro ng parents namin okay kami.
Kung alam lang nila ang pagtitiis ko. Kung alam lang nila ang ginagawang pagtrato sakin ng lalaking iyon.Habang tumatagal ang pagsasama namin lalong umuusbong ang pagmamahal ko sa kanya, na dapat ay hindi ko na nararamdaman ang ganitong damdamin para sa kanya.
Yes, I am falling for him once again.
But he doesn't care at all.
He used to do stupid things in this marriage!
Damn him!
Sana noon pa lang tumutol na ako sa pinasok ko.
Sana ipinilit ko na lang ang kagustuhan kong hindi ipagpatuloy ang kasal na iyon.
BINABASA MO ANG
Sunday's Heartbreak (#WATTYS2017)
General FictionSunday Garcia is in love with Blake Asuncion. But he's truly, madly, deeply in love with Mayumi. Sunday's cousin. Kung ikaw si Sunday ipipilit mo pa ba ang sarili mo sa isang taong ni sa panaginip ay hindi ka kayang mahalin? And what if there is so...