She Kills

108 4 0
                                    

Isang malamig na gabi nang pagalitan ako ng madrasta ko.

Masyado pang maaga para umuwi kaya naglakad pa ako di ko namalayan na nakaabot ako sa isang police station....

May sumisigaw na isang lalake habang katapat ang isang babae.

Ito ang sabi niya "Sinungaling po siya officer! Siya ang tunay na mamamatay tao hindi ako!!"

Mamamatay tao?

Tinaas ko ang hood ng sweater ko at nagtago sa isang posteng malapit sa police station. Rinig ko ang lahat ng pinaguusapan nila.

Biglang may isang maliwanag na ilaw ang tumama sa mata ko. Isang kotse lang pala... ang gara. Kulay itim at mukhang mayaman ang may ari.

Pagkababa agad lumapit ang isang matandang lalake dun sa babae. Yinakap siya nung babae at umiyak.

Marami pa silang pinagusapan.

"Siguraduhin niyong mabubulok siya sa kulungan." sabi ng matandang lalakeng nakasuot ng magarang damit.

Papaalis na sila pero di parin ako tumigil sa pakikinig. Nasa tapat na ng sasakyan yung babae.

Nagtago pa ako sa gilid pero sinigurado kong makikita ko sila.

Nang matapos kong ma-obserbahan ang babae,napansin kong nakauniporme ito ng sa school namin.

Hill Crest High School

Masyado akong napaisip, hindi ko pa kasi siya napapansin sa school eh... ano nanaman bang kababalaghan ito?

"Ami, Ano yang suot mo?" Tanong nang matandang lalake habang binubuksan ang pintuan ng sasakyan.

"Ito ba? Hiniram ko lang ito sa isang babae... mahirap kasing sundan yung tatlong yun kung malayo ako sa kanila eh..."

Tatlo? Di ko mapigilan ang sarili kong makialam gamit ang pakikinig sa bawat salitang sasambitin ng babaeng to. Ramdam ko may mali...

"Ami, ginawa mo nanaman ba?"

Sinasabi ko na nga ba may mali nga sa taong to.

Sumilip ako ng kunti at nakitang tumatawa ng marahan ang babae pero papalakas ito. Bigla siyang tumigil sa pagtawa at lumingon sa lugar kung asan ako.

"Sh×t" bulong na sabi ko at mabilis muli akong nagtago. Nakita kaya niya ako??

"Ano ka ba naman tanda... hindi ko mapapalampas ang mga taong pakialamero."

Patay. Pinaparinggan niya ko? sa tanang buhay ko kung di lang dumating ang madrasta ko ngayon lang ako nakadama ng takot sa isang BABAE.

Di ko namalayan humarurot na ang sasakyan at nawala ito sing bilis ng isang kisap ng mata.

Napatingin ako sa police Station at nakita ang lalakeng inilalagay na sa selda, nang mag ring ang telepono nila.

"Hello, ganun po ba? salamat po."

Ano kaya yun? Nakinig muli ako saglit.

"Chief, mukang mapapababa po ang sintensya ni manong. Swerte pong nabuhay ang tatlo sa nabiktima niya."

(O.O)

tatlo?

Magsisimula nanaman ang pagiging Detective Wana be ko. Wala akong magagawa sa mga kasong ganito na dinamay ko na pati ang sarili ko at wiling ang sarili kong makiusyoso sa mga bagay na sana ay hindi ako nasangkot eh... ako to eh... Manang mana sa tatay.

Pogi na matalino pa.

Napangiti lang ako sa nasubaybayan ko ngayong gabi. Kung di lang ako napagalitan edi sana hindi ko malalaman ang tungkol kay Ami.

Natigil ako sa katuwaan ko nang maalala ang mga ngiti sa labi ni Ami habang kinakausap pa siya ng mga pulis kanina. Alam kong inosente si Manong at baliw itong si Ami, sayang... ang ganda niya sana.

Pero ang katotohanan parin ang mas nagugustuhan ko... walang ng iba. At makukuha ko iyon... tiwala lang.

She KillsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon