Case 3

33 1 0
                                    

//Ami's POV//

Dito sa pinapasukan kong school, dapat magaling kang magtago.

Dito sa pinapasukan kong school, hindi makikinig sayo ang titser kapag nagsumbong ka ng kahit ano mang tungkol saakin.

Dito sa pinapasukan kong school, ako ang boss.

Dito sa pinapasukan kong school batas ko lang ang dapat sinusunod.

Ang pinapasukan kong school ay ang Sails of East High

"Hoy kayong mga tambay diyan! Hindi kayo magaganda kaya magsitago nga kayo!?" Hindi ko man hilig ang magtayo ng sarili kong gang... mas napabilis naman nitong matapos ang mga bad deeds ko. Yun nga lang for the benefit naging parang "close" ko yung mga nag-apply para maging (hacker,holdaper,kidnapper,assasin,ninja) at kung ano ano pang "undercover agent" na personalidad na laging nandiyan para hindi ako mabisto at mahuli ng pulis.

"Oo nga! Di namin kayo type tsupi!" sa mga di inaasahang pangyayari nga lang lagi silang nakadikit at nag-aaktong siga. Proud silang naging "close" sila saakin. But I admit they are good pets.

"Juan pagsabihan mo nga yang si Trigo na kapag mantataboy siya ng mga babae huwag niyang isama pati yung nililigawan ko!" minsan nga nakakatawa pa sila "Ano nanaman ba ang mga pinagsasabi mo Tunyo!? Kawasa ka yung mga mukang dugyot ang natitipuhan mo!"

"ANAK NG--" inawat ko na silang tatlo. Si Juan,Tunyo at Trigo ang mga well servant/alalay.

"Kararating ko lang sinisira na ng mga babaeng yun ang araw ko, tama lang na tinaboy niyo sila pero please nakakairita ang mga boses niyo!" Silang tatlo di sila natatakot sakin, pero kapag di na sila nagfufunction ng maayos.,.. IPAPALAMON KO SILA sa BUWAYA!

Nahimasmasan na yung tatlo at para silang mga Bouncers na nakapalibot saakin. Kung di lang sila may dating, talent at mukhang ihaharap matagal ko na ata silang pinasbugan ng bomba. Pero ayun nga si Juan,talented, vocalist at nag viviolin din siya pero ang totoo hacker siya at yun ang pinaka-major niya. Si Tunyo, campus heartthrob! Gwapo super! ngunit yung nililigawan niyang mukhang tokya na mas pangit pa sa isang basahan na may gusto namang iba. Last ay si Trigo ang malakas sa dating, maangas at bully sa school, kaya siya diyan nabilang dahil magaling siya sa pag-atake dahil marami siyang alam na Self defence.

Hinatid nila ako sa room ko, buti na lang at di ko sila kaklase.

Sa room... wala actually akong kaklase. 

They are all scared of me. Lagi silang pumapasok sa pangalawang subject, nag-aabsent sila kapag kaklase nila ako. Hindi dapat ako laging mag-isa ngunit...

Tss, its better this way, to left details about me that suck unsaid.

Isang seksyon lang ang medyo madami kapag ang subject na ay PE malamang no choice na ang mga duwag na yun na pumasok at harapin ako.

This is revenge for me, once a week of PE is good enough.

//UPDATE//

Nasa loob ako ng locker room at nagsisintas ng sapatos ko. Di ko naman mapigiling ngumiti dahil andiyan nanaman ang mga kaklase kong mga di pumapasok. Nabalitaan ko din na nag-apply sila for night classes, mga paniki talaga ang mga iyon.

HAHAHAHAHA pero sorry ah... Ang PE kasi ginagawa sa ilalim ng araw kaya naman mag-handa kayo saakin!

*PRRRRRRRRTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTT

Nagpito na si Sir. Lee ang hunk na PE teacher namin. Kadalasan yan ang teacher na nilalapitan ng mga estudyanteng nagkabalibali ang buto, nagkanda bukol ang ulo o mga napadulas lang. Sa lahat ng reklamo malamang ako ang may-gawa nun, nakakatawa lang sila kasi takot din saakin si Sir. xD

Nabadtrip lang ako ngayon dahil nag-Physical Fitness test lang, so walang thrill.

"Ms. Perez and Rivera dito kayo, ikaw Ms. Perez hawakan mo ang binti ni Rivera at bilangin mo kung ilang curl ups ang kaya niya." Tiningnan ko lang ng masama ang paniking ito... hindi siya takot saakin kaya naman yun ang ikinainit ng ulo ko. Mukang zombie ang babaeng to, pero infairness matangkad siya kesa saakin at malalaki pa ang kaniyang braso at binti. Tss... as if magpapapigil ako.

Humiga na siya at hinawakan ko na yung binti niya. "OUCHHHHHHH!!!!"  di pa man lang kami nagsisimula ay nagsisiaray na itong Rivera na ito. At Umiyak pa siya ah!! Teh! CURL UP lang ang gagawin natin! Aaminin ko naman na may iba pa akong balak hehe... napagtanto ko naman na kanina pa nanginginig sa takot itong Rivera na ito.

Nakakatawa talaga ang mga kaklase ko sa PE.

***

Isang umaga habang nasa loob ako ng sarili kong classroom na nasa pangalawang palapag narinig ko sila Trigo,Tunyo at Juan na nagtatawanan sa ibaba. Sinilip ko sila sa bintana at may nakitang isa pang lalakeng kasama nila sa pagtatawanan.

Humarap na yung lalakke at hanep ang GWAPO! kung kay Trigo ay masasabi kong gwapo ay ito talaga na yung pinaka-super gwapo! Siguro kung ikukumpara kay Trigo siguro kuko lang niya ito.

Habang ina-analyze ko ang mukha niya.... SHET ito yung lalakeng nakabungguan ko nung nakaraang linggo bakit siya nandito sa school namin!!!

Agad akong bumaba at pumunta kala Juan,Tu at Tri.

"JUAN! Sino yang kausap niyo!?"  Nasa malayo pa ako sinigawan ko na si Juan. Napalingon silang apat saakin at nagwave saakin yung gwapo. Asar mukang nabihag ako ng lokong yun ah bwisit.

Para akong sigang lumapit sakanila "BAWAL ang trespassing dito sa school ko! Sino ka!?"

Nginitian niya ako shocks! Pero nag-akto parin akong astig para naman di niya mahalata o ng tatlo na may side akong ganito. BABAE naman kasi ako pero mamatay tao rin ;)

"Ah... ano kasi balak ko sanang mag-transfer."

Naghinala ako bigla, may plano ba itong ikulong ako. Nagiba ang mga titig ko at napansin kong nawala ang pagka hyper nung tatlo... naramdaman nila ang medyo black kong aura.

"At bakit ka naman mag-tratransfer?" Hindi ko akalaing magkikiita uli kami... siya ang unang palpak ko eh. Dapat di niya nakita yung kutsyilyo, nang masabi kong wala siyang binabalak.

"Pinsan ko itong si Trigo eh at tska may hinahanap akong babae liligawan ko siya..."Hindi ko alam kung uminit pisngi ko, shet nagaasume na ako HALA!! binago ko ang pinagiisip ko at itinuon sa pagaanalisa sa taong ito.

"Anong pangalan mo?" Magsasalita sana si Juan kaso tinakpan nung lalake ang bibig nito "Ziro ang pangalan ko."

"WELL Ziro para sa impormasyong dapat mong tandaan ako ang masusunod sa paaralang ito, kung di ka susunod tumulad ka sa mga kaklase kong paniki at magtago ka sa kweba  pumasok ka lang kapag gabi na... Ako ang boss huwag mo yang kalimutan."

"Okay boss na maganda..." tapos nag-wink siya...

She KillsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon