Case 1

37 3 2
                                    

// Ami's POV //

Nasa loob na ako ng sasakyan at nagsimula nang magpa-andar si tanda. He's just my butler na magaling mag-arte as my so called "father". Kung wala siya kanina sa Police Station di ko mapapaniwalang inosente ako.

Kinuha ko sa bulsa ko ang eyedrops na binili ko sa isang butika at tinapon sa trash can sa loob ng sasakyan. 

Walang kwenta ang mga pekeng luhang ibinibigay ko sa mga kasalang ako naman talaga ang gumawa. I'm Ami Perez eh... and ako ang klase ng taong hindi nagpapapigil sa kahit sino man.

Exept...

Nakapasok na ako sa aming bahay na kahit kasing laki ng isang 7 star Hotel eh ang mga nakatira lang dito ay mga kagamitang ang halaga ay ginto. I hate being rich but being rich is good.

Nilapag ko na ang malaki kong black bag sa sofa at nagsimulang kilasin ang pagkakatali ng sapatos ko.

"Ami."

Nanginig na ang buong katawan ko. Pinagpapawisan ang ulo ko at hindi ko maituloy ang pag-alis ng sapatos ko. He is my REAL DAD. Sa isip isip ko eh sana pumasok na si tanda, siya kasi ang kadalasang nagliligtas sakin. Pero minsan siya ang dahilan kung bakit napapagalitan ako ni Dad.

"What kind of miracle did you do this time huh!? May tumawag sakin nanay daw ng isang Dimaano na nag-aaral sa Hill Crest. Pinagsasaksak mo daw ang anak niya."

Napangiti ako ng unti, ang sarap pakinggan nang may nahihirapan dahil sakin. Pero napawi ito nang naramdaman kong sinabunutan nanaman ako ni Dad. Itinaas niya ang ulo ko at tinitigan ako ng masama.

== poker face lang ako pero sa totoo lang takot na takot na ako.

"Stop your rebel. GO TO YOUR ROOM!" Medyo nakahinga ako ng maluwag kapag inutusan na ako niyang pumasok sa kwarto ibig sabhin wala na siyang panahon pa para pagalitan ako.

Pero...

I spoke too soon...

...

...

...

...

Kina umagahan. Maga ang mga mata ko kakaiyak sa sakit. Akala ko safe na ako kagabi, hindi pa pala.

"Ouch.." Masakit kahit ibaba ko lang ng bahagya ang mga binti ko sa kama eh umaaray na ako sa sakit.

Di ko na maalala ang mga pangyayare kagabi. Ang hina-hina ko...bakit hindi ko siya nilabanan?

Dahil siguro sa isang nakakadiring sense. Mahal ko kasi si DAD.  Siya nalang ang kapamilya ko. And he saved this family my only family...

Kahit pa parang papatayin na ako ni Dad kagabi... di niya parin ako natitiis at pinapagamot niya ako sa mga Doctor na talagang kapag pumasok na ako sa operating room. Parang walang galos o sugat man lang akong natamo.

....

....

Kainis lang ngayong araw. He left daw sabi ni tanda pumunta nanamang ibang bansa. Ni pera walang iniwan sakin. At eto ako ika-ika sa paglalakad sa Mala-Mansyon kong bahay... hmmp! More like a Haunted HOUSE ng mga HALIMAW!

...

Naligo na ako at sinuot nanaman ang unipormeng pinahiram saakin ni Katniz Lopez ang nag-iisang taong kilala ko na rebelyon din ang alam. Babalik ako sa school niya mamaya at babalikan ang lalakeng nakita ko kagabi sa Police Station.

You think I'm Blind? Eagles can't even see things like me...

You're DEAD. Tyller 

She KillsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon