Chapter 25: Hide and Kill

2.9K 39 5
                                    

Mystery Killer

Chapter 25: Hide and Kill

-Francis Beltran Point of View-

Umabsent muna ako ngayong araw na toh dahil hindi maganda ang pakiramdam ko dahil sa gutom at uhaw. Buong magdamag kaming walang kinain o ininom man lang tapos medyo sumakit pa ang ulo ko.

Kamusta na kaya si Sarah? Okay na kaya siya? Parehas kasi kaming hindi kumain at uminom. Tapos yung biscuit na natira sa bag ko binigay ko na sa kanya kasi mas kailangan niya yun kaso hindi naman ganun nakakabusog.

Naalala ko may ginagawa pala kami sa English Club pihadong kailangan nila yung tulong ko dahil ako ang Presidente dun tapos wala ako. Siguro mamaya papasok ako para matulungan sila dahil hanggang 7:00 naman ang School.

-Author's Point of View-

Nasa School Ground naman sina Jessica, Janna, Luis, Justin at Kathy habang naguusap-usao tungkol sa nalaman nila na magkapatid sina Gino at Francis.

Kathy: Grabe magkapatid pala sina Gino at Francis hindi man lang natin nahalata.

Jessica: Kaya nga eh. Pero alam niyo guys yung sinabi ni Gino kanina na hindi niya matatanggap si Francis dahil bastardo ito naiintindihan ko siya pero hindi naman kasalanan yun ni Francis eh. Siguro dapat bigyan muna ng time ni Francis si Gino.

Luis: Baka dahil sa nabuo si Francis nung papa ni Gino at ang kabit nito nag-away mga magulang ni Gino at hindi na sila naging masaya baka kaya ganun na lang ang galit ni Gino kay Francis.

Justin: Oo nga. Alam mo Janna hindi man nagka-bati yung magkapatid sa plano ninyo ni Sarah atleast nalaman natin na magkapatid sila diba?

Janna: Sana nga hindi ko na lang naisip yung plano na yun eh. Yan tuloy nagalit sa akin si Gino.

Jessica: Eh hindi mo naman alam na sina Sarah at Francis ang nakulong eh kaya wala kang kasalanan. Intensyon mo lang na mapagbati sila pero epic fail dahil sina Sarah at Francis ang nakulong dun.

Nang aminin ni Gino kanina na magkapatid sila ni Francis hindi nila alam na may isang estudyante na nakarinig sa kanila. Si Nicole, kaya naman ng malaman niya ito agad niya itong pinagkalat sa mga estudyante.

Kilala sa buong Campus si Gino dahil siya ay Varsity Player at hinahangaan lahat ng babae kaya naman lahat ng details tungkol sa kanya alam ng lahat maliban sa nagkaroon siya ng kapatid sa labas. Ang barkada niya lamang ang sinabihan niya nito dahil ito lang ang mga taong pinagkakatiwalaan niya.

Justin: Pero bakit niya naman nilihim sa atin? Hindi niya ba tayo pinagkakatiwalaan? Na all this time pala si Francis na kasama natin sa barkada eh kapatid niya pala?

Luis: Intindihin na lang natin si Gino, malay niyo kaya niya yun ginawa eh dahil ayaw niyang masira ang image niya dito sa School. Alam niyo naman ang nga tao dito sa School natin makagawa ka lang ng kamalian hinuhusgahan ka na agad.

Jessica: Tama si Luis tapos Varsity Player pa si Gino kaya sikat siya. Nung sinabi niya na hindi niya matatanggap si Francis dahil bastardo lang ito nakita ko yung expresyon ng mukha ni Francis yung parang nalugi. Naaawa nga ako sa kanya eh.

Sina Sofia, Shiela at Kristen naman na may gusto kay Gino hindi makapaniwala sa nakalap nilang balita na nanggaling kay Nicole.

Sofia: Magkapatid sila ni Francis?

Shiela: Paano nangyari yun eh Beltran si Francis tapos si Gino naman ay Reyes? Tsaka hindi naman sila magkamukha eh.

Kristen: Tsaka bakit nilihim ni Gino? Kinakahiya niya ba yung kapatid niya?

Mystery Killer [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon