Chapter 34: Secrets are about to Unfold

2.4K 40 8
                                    

Mystery Killer

Chapter 34: Secrets are about to Unfold

-Author's Point of View-

After 1 week.....

Hinahanap ni Sarah ngayon si Justin para kausapin ito. Sinisisi ni Sarah ang sarili niya dahil hindi niya tinulungan si Kathy pero noong naganap ang sunog pakiramdam niya kung hindi niya pa iiwan si Kathy dun eh baka mamatay na rin siya katulad ng kaibigan.

Sarah: Justin!

Agad nilapitan ni Sarah si Justin ng makita niya ito. Tinignan naman siya ni Justin at huminto sa paglalakad.

Sarah: Pwede ba tayong mag-usap?

Justin: Tungkol saan?

Sarah: Tungkol sa pagkamatay ni Kathy. Justin, alam kong ako yung kasama ni Kathy pero sa tingin mo ba ginusto kong mangyari yun? Na itulak niya ako para iligtas niya ako? Alam mo, sobra akong nagpapasalamat kay Kathy dahil niligtas niya ako dahil kung hindi baka pinaglalamayan na ako ngayon.

Justin: Pasensiya na rin sa mga sinabi ko Sarah. Kung sinabihan kita ng walang kwenta. Siguro sobra lang akong nag-aalala nun tapos malalaman ko na patay na pala ang Girlfriend ko. Alam mo sobrang dami ng nangyari sa School na toh. Namatay sina Camille, Jessica, Janna, Kathy at ang ibang mga estudyante. Pakiramdam ko hindi na ako ligtas dito sa Royal High School kaya magpapa-transfer na ako ng ibang School.

Sarah: Ano? Magpapa-transfer ka na sa ibang School? Wala na nga yung apat sa barkada natin aalis ka pa? Sino pa ang matitira? Ako, tapos sina Luis, Gino at Francis na lang? Please Justin, wag ka ng umalis.

Justin: Sarah hindi mo ba nakikita ang High School Life natin? Hindi natin alam kung ngayon o bukas o sa mga susunod na araw mamamatay na lang tayo bigla ng hindi natin alam. May dalawang Killer sa School na toh Sarah at pihadong nakakasalamuha lang natin sila kaya pasensiya na kung wala na nga yung apat sa atin eh aalis pa ako. Ito ang nararapat Sarah kaya kung ako sa iyo habang maaga pa magpa-transfer ka na rin ng School ng mailigtas mo yang buhay mo.

Matapos sabihin ni Justin ang mga salitang iyon sa kaibigan niya umalis na siya ng tuluyan sa School galing sa Principal's Office para kuhanin ang mga papeles niya at mga kakailanganin para sa pagpapa-transfer niya.

Samantalang si Gelo naman pinagmamasdan ang mga kilos nina Luis at Gino sa eskwelahan maging sa labas.

Gustong-gusto niya ng ipakulong ang dalawa at isa pa may ebidensiya siya sa mga ito dahil nasa kanya ang CCTV Footage ng pagpatay kina Drake at Gabriel pero naisip niya na wag na munang magpadalos-dalos dahil kung magpapadalo-dalos siya maaaring malaman ito nina Gino at Luis at siya naman ang sunod na patayin.

Nakita naman ni Gelo si Justin na papalabas sa eskwelahan kaya naman nilapitan niya ito.

Gelo: San ka pupunta Justin? Uuwi ka na? O nag-cucutting classes ka?

Justin: Hindi ako nag-cucutting classes Gelo. Gelo, bago ako umalis bantayan mo na lang ang kaibigan kong si Sarah. Sina Luis, Gino at Francis naman alam kong kaya nila ang mga sarili nila pero bantayan mo rin sila baka kasi sakaling sila naman ang isunod ng Killer.

Gelo: Aalis? Bakit ka naman aalis?

Justin: Magpapa-transfer na ako ng School. Kasi marami ng nangyari dito sa School na toh. Pakiramdam ko hangga't hindi ako umaalis nasa impiyerno ako kasama ang dalawang Killer ng School natin na patuloy na pumapatay ng mga inosenteng tao.

Gelo: Saan ka naman lilipat?

Justin: Sa malayong eskwelahan yung mahirap hagilapin ayoko na rin kasing nadadanan ang eskwelahan na toh dahil nagfa-flashback sa isip ko yung mga nangyayari.

Mystery Killer [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon