Chapter 1

24 2 1
                                    

Sydney's POV

Kasalukuyan akong nasa kwarto habang nagbabasa ng isang libro. Nakita ko lang kasi ito sa bookshelf ko kasi masyado na itong maalikabok.

Itong librong ito ay yung librong binigay pala sa'kin ni lola. Isa kasi syang mahusay na manunulat ng mga istorya noong kapanahunan pa nya.

Oh diba! Magaling kayang gumawa ng story maker si lola!

"Sydney! Halina rito at tayo ay maghahapunan na!" tawag ni mother earth.

"Sige mother earth wait lang!" sambit ko. Sa lahat ng ayaw ko ay yung iniistorbo ako habang nagbabasa.

"Aba! bilisan mo tama na muna yang pagbabasa mo kumain ka muna pag ika'y naubusan ng ulam, huwag ka lang hihingi sa akin mamaya" pagbabanta sa'kin ni mother earth.

Aba't! Napagbantaan pa nga ni mother earth!

Bumaba na ako sa aking kwarto at pumunta na sa dining area.

"Anak" tawag sa akin ni ama but I ignore him kasi gutom na ako.

My name is Sydney Cruz, 19 years old, ako ay nag-aaral sa isang mamahalin na unibersidad dito sa Maynila. Hindi kami ganun kayaman pero hindi rin naman kami mahirap.... In short may kaya kami. Hindi naman sa pagmamayabang, matalino ako at isa akong full scholar dito kaya hindi na namin problema ang gastusin dito. Favorite subject ko ang math kasi gustong-gusto ko ang nagsosolve ng mga problems because" Every problem has a solution". Maganda, mabait at masipag akong mag-aral tsaka maputi rin ako kaya maraming kalalakihan ang nahuhumaling sa ganda ko. Pero ni isa sa kanila hindi ko sinagot kasi sabi ni ama na wag daw muna akong magboyfriend.

"Sydney kumusta ang pag-aaral mo?" tanong ni ama.

"Ama bakasyon ngayon bakit mo'ko tinatanong tungkol sa pag-aaral ko?" nakakunot-noong tanong ko.

Minsan tinatanong ko sa sarili ko kung may sayad ba si ama o sa sobrang adik sa school nya ay laging nalang tungkol sa studies ko ang mga tanong nya.

"Aba oo nga no masyadong na'kong adik sa pagtuturo kaya kahit bakasyon ay puro pag-aaral ang bukambibig ko." natatawang sambit ni ama.

Ah kaya naman pala. Adik na pala eh.

"Ama next week pa ang pasukan, excited much lang?" sambit ko

"Hindi naman, medyo lang hehehehe." natatawang sabi ni ama.

"Ate sabay tayong bumili ng school supplies ah?" sabat ng balasubas kong kapatid na si Smith.

Si Smith ay 15 years old na. Hindi ko maitatangging gwapo siya kasi maraming babae ang nagkandarapa na sa kanya tsaka mabait rin sya. Yun nga lang, abnoy yan! Hahahaha char! Ayaw na ayaw nya ng ginugulo ang kanyang buhok. Minsan iniisip ko rin kung bading ba itong si Smith kasi ang dami namang magagandang babae ang may gusto sa kanya pero hindi nya nagugustuhan. Lagi nyang sinasabing 'Sorry study first ako eh tsaka wala pa akong oras para sa mga ganang bagay na iyan.' Grade 9 na sya samantalang 2nd year College na ako with a course of Civil Engineering sa pasukan.

"Hey! Sabay na tayong bumili ng school supplies." pakikiusap nya sa'kin.

"Oo na no choice naman ako sayo eh." sambit ko. Inirapan ko nalang siya.

The End of Our StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon