Chapter 2

13 2 0
                                    

Sa nakalipas na isang linggo, ganun parin ang mga nangyari. Ganun pa rin, nag-aaway kami ni Smith kung sino ang maghuhugas ng mga pinggan. Hindi muna ako nagbabasa kasi nagrereview ako, para maging advance na ang utak ko sa mga aralin namin. Kasi nga diba, may scholarship ako, at ayokong mawala iyon. Mapagbayad pa ako ng 250,000 pesos ng Dean namin.

Ngayon kami'y nakain ng umagahan. Konti lang ang kinain ko kasi excited na akong makita ang mga bago kong kaklase. Pagkatapos nun, nag toothbrush na ako at umakyat na ako sa kwarto para magbihis.

Hindi ako nakahubad no! Magpapalit lang ako ng uniform. Itong mga 'to, baka kayo'y masampiga ko!

Pagkababa ko nakita ko ang mga kaibigan ni Smith na nag-iintay sa salas. Kaibigan na nya ito simula noong Grade 7 pa lamang sila. Hindi sila nag-iiba-iba ng section dahil sila ang mataas na section. Pero pagbumagsak ka sa anumang subject, BOOM!! Tanggal ka. Matalino rin yan si Smith at masipag mag-aral like me hehehehe. Like sister, like brother kaya

"Hi ate!" bati sa akin ni Blake, isa sa mga kaibigan ni Smith.

"Hello, Oh! Bakit kayo nandito?" tanong ko habang nagsusuklay.

"Ah! Iniintay lang namin si Smith para sabay na kaming pumasok." sagot naman ni William.

Sagot ng sagot di naman tinatanong. Itong batang ito, pigilan nyo ko baka masampiga ko ito. Ay! Madlang people may naisip ako hahahahaha.

"Oy!" sabay tutok sa kanya ng suklay. Bahagya naman siyang nagulat, marahil sa ginawa ko.

"Huwag kang sasagot kapag hindi ka m." kunyaring galit na tanong ko kay William

"U-uh so-sorry hehehehehe." kinakabahang sambit nya. Napatingin ako sa mga kamay nya at nanginginig na nga ang mga kamay nya eh hahahaha. Napansin nyang nakatingin ako sa kanyang kamay, kaya nilagay nya iyon sa kanyang likuran. Saka sya nagpumilit na ngumiti.

Pffft! Hahahaha sa isip ay natatawa ako. Pero kahit anong pagpipigil ang gawin ko, hindi ko talaga mapigilan.

"Hahahahahaha!" tawa ko habang nakahawak sa aking tiyan

Halatang nagtataka ang itsura ng kanyang mukha, at dahil dun mas lalo akong napatawa.

"HAHHAHAHAHAHAH!" tawang-tawa talaga ako sa itsura ng kaniyang mukha

Nang humupa na ang saya ko, syempre hindi ko makakalimutan ang tinatak ko sa isipan ko, saka nya ako tinanong.

"Ahm, ate may sayad kaba?" tanong nya sa akin

Lalo akong naging seryoso. Naka-offend naman ang sinabi nya sa'kin. Sama nya talaga. Sinagot ko nalang ang tanong nya baka umiyak eh hahahaha.

"Ahm medyo lang, hehehehe." sagot ko habang papunta sa bag ko saka sinuot yon. "Intayin nyo nalang dyan si Smith pababa na rin yun eh." sabi ko saka lumabas na ng bahay nang hindi iniintay ang sagot nila.

Habang nag-iintay ako ng taxi, may pumaradang itim na kotse sa aking harapan. Nagtaka ako kung bakit pumarada ito sa harapan ko. Maya-maya pa ay lumabas ang isang lalaking matagal ko nang hindi nakikita.

"Hi, it's been a long time, kamusta na?" tanong nya habang ang mga kamay ay nasa bulsa.

Literal akong napanganga dahil ang laki ng pinagbago nya. Kung dati maputi sya, ngayon mas pumuti sya tsaka lalo siyang gumwapo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 24, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The End of Our StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon