Chapter 12: Hokage ni Icee

1.6K 73 2
                                    

        NERIZA'S POV:

       MEDYO nailang ako sa paghawak sa kamay ko ni Ice. Gusto kong pigilan siya o bawiin ang kamay ko pero masarap talaga sa pakiramdam.
Minsan naiilang ako pero hinayaan ko na lang.

       Pumunta kami ng Starbucks. Hindi na ako umorder ng kahit ano, 'yung Strawberry Frappe lang.

        "Upo ka na ro'n Ni, ako na oorder," sabi niya sabay nguso sa direksiyon no'ng puwestong napili niya.

      "Di na, sasamahan na kita."
      "Ha? Ako na lang nga, sige na."
      "Sasama na nga ako. Pagpasok pa lang natin kanina, pinagtitinginan ka na. Ang sexy mo kasi. Next time nga huwag ka ng magsusuot ng sexy."
      "Protective Te?"

       Medyo maraming tao sa Starbucks at mahaba ang pila dahil sa mga upgrade promo nila. Nanatili ako sa likod ni Shaicee. Mataas siya sa akin ng kulang-kulang two inches at dahil nasa likod niya ko ay pinagsawa ko ang mata ko sa kanya.

        "Shaicee is also beautiful pero hindi kasi siya mahilig minsan mag ayos. Tuwid at itim ang kanyang buhok na kahit yata hindi mag conditioner ay bagsak pa rin at malambot.

     Kami na ang susunod na oorder. Todo smile ang kahera.

      Sanay naman ako na ganito ang mga cashier sa mga coffee shop pero bigla bigla, umiba ang tingin ko sa babaeng nasa harap ni Ice

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


      Sanay naman ako na ganito ang mga cashier sa mga coffee shop pero bigla bigla, umiba ang tingin ko sa babaeng nasa harap ni Ice.

      Sinabi ni Shai ang order namin at napansin kong hindi naaalis ang titig ng babae kay Ice. Sanay ang kamay ng kahera magpipipindot sa keys ng cash register, given. Pero ang tila nakaplaster na ngiti niya ang hindi ko nagugustuhan.

     "Hello! Nakuha na po ang order," biglang paismid kong sabi ko kaya napalingon sa akin si Ice.

      "Oo Hon, nakuha na," sagot naman niya. The girl called the order at nag suggest pa siya ng ibang pastries kung gusto pa raw namin. Bigla kong pinulupot ang kamay ko sa waist ni Ice at pinatong ang baba ko sa balikat niya. Nilandian ko ang boses ko.

      "Ahhh okay na Miss. Okay na 'yung drinks namin, diba Honey?" Napapitlag si Ice sa ginawa ko at halatang nagulat.

       "O-- o- oo, okay na," nauutal niyang sagot.

     "Okay Ma'm, tawagin na lang po."

      Bumitaw ako kay Ice at naunang maglakad. Buti naman at wala pang nakaupo sa puwesto na gusto niya. Naiinis kong hinila ang isang upuan at umupo. Humila rin siya ng upuan at nagtatakang nakatingin sa akin.

      Tahimik lang kaming dalawa at nakikiramdam siya. After a while ay narinig ko na ang staff na nagko-call.

      "Coffe Jelly and strawberry frappe for ICE...."

      Aktong tatayo si Ice pero inunahan ko siya. "Ako na! Ako na kukuha, umupo ka na lang dyan!"

       Wala siyang imik na umupo ulit. Kinuha ko ang order namin at nilapag sa tapat niya 'yung coffee jelly niya bago ako umupo.

Songs Of The Heart Series 1:  Karugtong ng Aking AwitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon