Epilogue: In our Eyes

2.4K 79 11
                                    


SHAICEE'S POV:

        Abala ang lahat ngayong Valetines Day. Masarap at napakagaan ng umaga ko sa tawag ni Neriza.

       "Goodmoring Mahal…."
       "Goodmoring  din," sagot ko.
       "Happy Monthsary sa maganda at mahal na mahal kong Girlfriend."
       "Ang sarap naman Mahal. Haaaay! Life is beautiful talaga."
      "Di mo ba ako babatiin?"
      "Maligayang araw sa mga puso nating nagmamahal. Happy monthsary Mahal. I love you…"
      "Kumain ka na ba? Nandito na ako sa school."
      "Ha? Aga naman?!"
      "Eh nakapangako kasi ako kay Ma'm Mafin, helping her out sa program. Sabi niya, malaki ang laban ng kanta mo. Mukhang favorite ng mga judges."
       "Naku okay lang kahit hindi makuha. Mahalaga natapos…. Ng mahal ko. Hehe!"
      "O sige Be, see you later na lang. Malapit na matapos 'yung ginagawa namin dito sa stage."
      "Okay Ni, lab yu."
       "Abyutu…"

      Mabilis akong kumilos at excited na pumunta ng school. Mula ng naging kami ni Ner ay lalong naging maganda ang bawat araw na dumadaan.

        Two weeks pa lang kami ay nagtapat na ako sa Nanay ko. Nagulat at nagdamdam sa una pero unti-unti ay pinatunayan ko naman na totoo ang nararamdaman ko kay Neriza.
Naging mailap siya dalawang linggo pa ang nakalipas pero mas pinaramdam ko sa nanay kong mahal ko rin siya at pinakita kong hindi mababawasan ang pagkatao ko at
ang pagiging anak ko sa kanya kahit nagmamahal ako ng kapwa ko babae.

      Naging malawak naman at maunawain si Neriza sa bagay na 'yon. Sa family naman niya ay wala pang nakakaalam. Plano niyang sabihin muna sa Kuya niya pero hindi muna siya makakuha ng tiyempo. Sabi ko, hayaan mo na lang muna at hindi naman tayo nagmamadaling ipaalam sa lahat kung ano tayo.

       Pagdating ko sa school ay nakaupo na silang lahat sa auditorium. Nalate ako kasi sinamahan ko pang magdeliver ng laundry ang nanay ko sa dalawang customers na suki niya.
Hinanap ng mata ko si Neriza pero si Jam ang nakita ko. Tinawag niya ako at may naka-save na pala akong upuan.

       "Nasa'n si Neriza?" tanong ko.

       "Lumabas lang saglit, kumuha lang ng kopya ng program," sagot ni Jam. Nasa kabilang side naman sina Alice, Rein at Jem.

        Nagsimula na ang programa. Mga introduction ng mga teachers at huli ang paunang salita ng founder ng University. After no'n, ay may kaunting games sa stage at intermissions. Nag-pass na ang grupo namin sa mga kanta at sayaw kasi sabi namin, 'yung taga ibang course naman ang magperform.

      Katabi ko na si Neriza. Gustung-gusto ko ng hawakan ang kamay niya, yakapin at maglambing pero hindi pa kasi kami out sa school. Sa mga close friends lang kami talaga komportable.
But I'm hoping soon… in time, slowly mapapakita ko na rin na mahal ko siya ng hindi ko iniisip ang nasa paligid ko. Nakiusap din kasi  si Ner na maging discreet pa rin kami…muna.

      "Sa'n mo  ako idedate?" mahina  kong sabi pero nasa nagsasalita sa stage ang mata ko.

      "Kahit saan, Mahal. Hi,hi!"
      "May naisip ako pero mamaya ko na sasabihin."

      Maya-maya ay umakyat na sa stage si Ms. Almonte. Awarding na raw ng mga nanalo sa contest. Lahat ng entries sa novel writing ay pinasa one week before the event while 'yung sa song writing ay two weeks before. Unang inawardan ang mga nanalo sa sportfest, sunod naman ang essay writing contest.

       Kinawit ni Ner ang braso niya sa braso ko atasaka bumulong. "Goodluck sa atin Mahal. Manalo o hindi, idedate kita."

      "Ha! Ha! Ha! Ang cute-cute mo talaga Hon…"
     
.........
     
          "And now…. We're going to announce the winner for novel writing. We have four candidates in this category….."

Songs Of The Heart Series 1:  Karugtong ng Aking AwitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon