Chapter 13: Friendship over Love

1.5K 65 3
                                    

NERIZA'S POV:

       Nakaradam ako ng lungkot ng makita kong malapit na kami sa bahay namin. Bibitawan na kasi niya ang kamay ko. Pero ako na ang kusang bumitaw ng mapansin kong nag alis na ng earphone si Belle at gumalaw si Alice. Ako ang unang bumaba at nagulat ako ng bumaba rin si Shaicee.

        "Oh bakit?"
        "Diba hahatid kita?" sagot niya sabay senyas kay Alice na puwede na silang umandar.

      "Okay na ako rito. Nagsasayang ka ng pamasahe."
     "Walang sayang kapag espesyal."
     "Bumabanat ka na naman dyan, tara na nga."

      Kinuha ko ang susi sa bag ko atsaka pumasok ng bahay. Nadatnan kong tulog ang kuya Neil ko sa sofa.

      "Naku pasensiya ka na Ice, pang-gabi kasi 'to si Kuya, minsan hindi na umaabot ng  kuwarto."
      "Huwag mo ng gisingin."
      "Tara, do'n na lang tayo sa room ko."
      "Ilan ba kayo?"
      "Dalawa lang naman kami. Nasa abroad din and Daddy ko, ang Mommy ko nasa Cebu kasi inaalagaan ang Lola ko. Kaya may alaga akong damulag."
       "Call center siya?"
       "Oo eh. Nagsacrifice kasi siya na ako ang mag-aral muna."
       "Ambait naman niya."
       "Sobra at mahal ko 'yan! Tara na nga."

      Pagpasok ng room ko ay sa kama ko na siya pinaupo. "Gusto mo ba magluto ako ng dinner or sa labas? Malamang wala ring ulam si Kuya."

       "Huwag ka na magluto, buy na lang tayo sa labas."
      "Di ka ba hahanapin sa inyo?"
      "Nagtext na ako sa nanay ko. Sabi ko may last practice tayo."
     "Oo nga pala no. Sige, magbihis lang ako."

      Iniwan ko muna si Ice at pumasok ako ng banyo para magbihis. Para akong naeexcite na kasama ko siya ngayon. Masaya ako pag kasama siya.
Nagbihis ako ng tshirt at maong shorts. Pinusod ko na rin ang buhok ko kasi medyo uminit pakiramdam ko. Lumabas akong nakatunghay sa may bintana si Ice.

     "Sino'ng sinisilip mo dyan?"
     "May tao yata eh."

     Sumilip rin ako. "Naku kotse ni Jam 'yon ah. Wait baba lang ako."

      Eksaktong pagbaba ko ay nasa labas na si Jam at tinatawag na ako.

      "O? Anyare sa 'yo? Di ka man lang nagpasabi? Kumain ka na ba? Bibili kami ni Shaicee ng dinner."
      "Busog ako. Puwede ba ako matulog dito? Bakit nandito si Shaicee?"
      "Hinatid ako atsaka last practice namin para sa Monday."
       "Di na natapos 'yang practice na 'yan."

SHAICEE'S POV:

       Iniwan muna ako ni Neriza sa room niya. medyo naiinis na ako kasi hindi ko na siya masolo. Dumating pa si Jam na di ko maintindihan kung ano ang weird sa kanya. After  fifteen minutes ay kinatok na ako ni Neriza.

      "Hon, tara na sa baba. Kain tayo. Dito muna si Jam sa room, busog daw siya. Si kuya nasa room na rin niya."
     "Uhm okay sige. Nakakahiya."
     "Di yan, tara."

     Nasalubong namin si Jam sa hagdan. "Hi Jam," bati ko. She just nodded.

     "Huwag mo ng pansinin, may topak."

      Pagdating sa kitchen ay nakahain na 'yung Baliwag chicken niya at kanin sa dalawang pinggan.

     "Sensya na. Gusto ko sana ipagluto ka eh."
    "May next time pa naman right?"

      Mabilis lang kaming kumain. Hindi kami masyadong nagkuwentuhan. Ako na nag-offer mag hugas ng pinggan. Umakyat siya para tawagin ang kuya niya. After a while ng matapos akong maghugas ay naulinigan kong may tao sa likod ko at inassume kong si Neriza.

Songs Of The Heart Series 1:  Karugtong ng Aking AwitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon