Sophia's POV
Kinabukasan.
11:55 pm. Panghapon kase kinuha kong schedule eh.
Grade12-HUMSS/HTSA31
SENIOR HIGH SCHOOL NA AKO.
"Class iiwan ko muna itong kopya ng mga requirements para sa 1st Semester niyo. Ngayon pa lang kopyahin niyo na para may guide kayo. May aasikasuhin lang ako sa taas saglit." Sabi ni Ms. Romelyn. Prof namin sa Entrepreneur.
Tahimik kaming lahat na nagsusulat ng bigla akong tawagin nung Zian Gabrielle Clinton Sy. -.-
"Psst! Bat ayaw mo mamansin? Snobber ka talaga eh, no?" Sabi niya ng halos pabulong. Nasa bandang hulihan kase sya nakaupo, ako naman sa unahan.
Hindi ko siya pinansin at nag patuloy lang ako sa pagsusulat.
Ano siya, sinuswerte? Pagkatapos nya ko inisin kagabi sa chat.
"Psst! Ano, tawagin mo nga yang katabi mo. Snobber masyado eh." tawag nya sa katabi kong si Ate Alex. Alexandra Joy Chua kase name niya. Since wala akong ate, tinuring ko nalang siyang ate ko sa room.
"Sophia, may gusto ata sayo yun at kinukulit ka! Yiehhh~ *sundot sa tagiliran ko*" pabulong na sabi ni ate Alex.
"Tss. Ang sabihin mo ate nambwibwisit lang yan! Kagabi pa yan eh." Pabulong at gigil kong sabi kay ate Alex.
"Pero pag nanligaw, sasagutin mo?" Ngiting asong sabi ni ate Alex. Psh.
"Ate!"
"Sabi ko nga hahaha"
Pang-asar talagang tunay ito si ate Alex eh. Psh.
-----------
Break Time."Snobber, lalabas kayo?" Sabi nung Zian na bwisit.
"..." since bansag niya naman na sakin is 'SNOBBER' Edi pangangatawanan ko na.
"Snobber talaga!" Sabi niya sabay labas.
"Ang kulit talaga nun. May gusto talaga ata sayo yun be eh." Pangungulit sakin ni ate Alex.
"Ate, ilang beses ko naman ba sasabihin sayo na nambwibwisit lang talaga yung lampayatot na yun!" Sabi ko habang nag aayos ng mga gamit ko sa bag.
Oo! Lampayatot! Sobrang payat kase eh. Daig pa yung taong hindi kumain ng isang taon eh!
"Hahahaha. Pag ikaw nafall, ewan ko nalang hahahaaha.. ang cute niyo sigurong couple. Mga isip bata eh hahaha." Sabi niya sabay hila sakin palabas ng room.
"Ang payat payat nun te! Magakakagusto ako?" Inis kong sabi.
"Gaya nga ng sabi ko sayo, Papunta ka pa palang, pabalik na ako! 18 na ako be! At naranasan ko na yan! Kinain ko rin lahat ng sinabi ko na yan nung na inlove ako. Tsaka be, kahit payat yung Zian, bawing bawi naman siya sa mukha. Ang tangos pa ng ilong." Kinikilig pang sabi ni Ate.
Gwapo nga, mayabang naman. Boo!
Naghahanap kame ni ate ng pagtatambayan na kainan dahil mahaba haba pa naman ang oras ng break time namin.
Dito kase sa school namin walang canteen. So, kapag break time sa labas mismo ng campus kame bibili ng pagkain. Yung iba pumupunta pa ng SM since malapit lang din yung SM sa school. Yung iba naman umuuwi na at yung iba nagdiditch ng class. Inaantay pa mag breaktime para lang makapag ditch jusko!
"Snobber!!" Sigaw ng nag iisang taong nagtatawag sakin ng bwisit na katagang yan.
"Ate, dun tayo sa pinakadulo. Baka maraming karinderya dun!" Sabay hila ko kay ate.
Hindi ko nalang pinansin si Lampayatot.
Baka masira lalo araw ko.
Ay kanina pa pala sirang sira yung araw ko. -.-
"Ang cute niyo talaga be!" Sabi ni ate Alex habang may nakakalokong ngiti sa mga labi.
"Ate naman! Kakampi ba kita?" Inis kong sabi kay Ate.
"Eto naman hahaha eh sa ang cute niyo tingnan eh. Hahaha" pang asar pang sabi ni Ate Alex.
"Arghhhh~ Ewan ko sayo Ate!" Sabay bitaw ko ng kamay ni Ate Alex at nag walk out na.
Nauna na akong naglakad sa kanya, habang siya naman tawa lang ng tawa.
Great.
Ikaw na talaga Ate!
![](https://img.wattpad.com/cover/133934063-288-k397451.jpg)
YOU ARE READING
My Craziest Love Story
Storie d'amoreMasaya ako sa buhay ko nung biglang umepal ang Lampayatot na yun. Si Zian. Magmula nung araw na nagkakilala kami ay bwisit na bwisit na agad ako sakanya. Basta. Bigla nalang kumulo yung dugo ko sakanya. "The more you hate, the more you love." Hindi...