Chapter 4: Partners

245 5 0
                                    

Klyde's POV

*calling*

Binuksan ko ang bag ko at hinanap ang cellphone ko. Nang makita kung sino ang tumatawag ay sinagot ko ito kaagad. Tinitignan ko parin ang gate habang hinahanap ang guard. Where the heck are the guards? Di ako makapasok kasi nakasara parin ang gates..... Tatawagan ko na sana si Dad para tanungin kung nasan ang guards at bakit di ako makapasok pero may tumawag na din naman sakin.... Baka si Ate.

"Hmm?"

"Anong 'hmm'?! Asan ka na? Ba't di ka pa umuuwi huh? Sinabi nila Dylan na maaga kayong natapos sa practice kaya bakit? I'm slowly starting to inspect you my dear brother.... Are you seeing someone?"

I rolled my eyes at her teasing voice. Whatever you say. You all don't know how much i fancy only one girl. Tsaka paanong wala pa ako eh walang nagpapasok sakin dito!

"Stop it. I'm not"

"Don't be shy, my brother. Anyway, may family dinner tayo ngayong gabi kasama sina Auntie at sina Lolo. Pupunta rin sina Jackson at ang parents niya kasama si Francesca so you have to go home early, okay? Where are you?"

"I'm outside the house and i'm deeply wondering why the guards aren't letting me in"

Narinig ko ang pagtawa niya. Tch. Ano na naman ba 'to?

"Sorry bro, i told them not to let anyone in except our family and the guests. Exclusive family dinner kasi ito. Pinalitan mo kasi yung sasakyan mo kaya di daw nila nakilala agad. Don't worry, bubuksan din nila agad"

Bumukas nga ang gate pagkatapos nang sinabi niya kaya pumasok na ako. Nang buksan ko ang pinto ay nadatnan ko si Mommy at Ate na nag-uusap habang ang mga maid ay naghahanda para sa dinner.

"Late ka na anak ah", sabi ni Mommy bago aho nagbeso sa kanya.

"Nag practice lang po kami para sa upcoming game, Mom. Kaya medyo natagalan", sagot ko habang sinusuklian ang nanunuyong tingin ni Ate. Ano na naman ba ang iniisip nito?

"Oh baka naman eh may girlfriend ka na ha. Di ka nagsasabi, Klyde. Tutulungan naman kita eh", nakangising sabi ni Ate kaya umiling lang ako. If only you knew, you'd love who i like too. But it's too soon. I want to introduce her to my family, if she's already my Girlfriend.

"Oh totoo ba, Klyde?", nakangising tanong ni Auntie.

"Akyat na po ako, mom. Magbibihis pako", sabi ko na lang bago umakyat papunta sa kwarto ko.

Naligo muna ako at nagbihis bago binuksan ang laptop ko. I decided to check my fb account. Ugh the unending messages of those girls. Dinelete ko muna lahat kasi nag ha-hang yung laptop. Maya maya'y okay na rin siya.

Hmm let's see....

1 notification
Giana Nicole Javier changed her profile picture.

I smiled. Even in this picture, you can see clearly that she's very innocent. It would have been better if she's like others who love using the social media but nope. Kaya nga nakakabitin na profile picture lang niya ang pinapalitan niya lagi pag nag online siya. Minsan may mga shine-share siyang videos at pictures pero hindi siya nag po-post.

She's more of a studying person than a person who's usually seen with a phone or any gadget. My kind of good girl.

"Sir Tristan. Maghahapunan na po", tawag ng maid kaya bumaba na ako. Pagkababa ko ay nakaupo na sa dining table si Lolo, si Auntie Shane, Mom, Dad, Ate, si Jackson, parents ni Jackson at si Francesca. Tsk. Ba't ba nandito yan?

"Umupo ka na, Klyde"

Umupo ako sa pagitan ni Ate at ni Mommy. Nakita kong nag-uusap na sina Dad, yung Daddy ni Jackson at si Lolo. Business na naman ata ang topic.

"So Trisha, nakita mo na ba yung gown na pinagawa ko for you?", tanong ni Mommy kay Ate habang patuloy lang ako sa pagkain.

"Yes Mom. Nasukat ko na rin and it's perfect", sagot ni Ate.

"Hmm Jackson, diba may lakad kayo bukas ni Trisha?", tanong ni Tita o yung Mommy ni Jackson sa anak niya. Tumango ito bilang sagot.

"Opo. Siguro ay narinig niyo naman kay Trisha iyon. Plano naming tignan ang reception ulit para makasigurado. May mga narinig kasi kaming reklamo tungkol sa services ng hotel. We just wanted to double check even though the reception seems fine the last time we checked", pagpapaliwanag ni Jackson.

"Oh that's good. It's better to be sure than regretful", nakangiting sagot ni Mommy at nagpatuloy pa silang nagkwentuhan. Nakita ko ang pagsulyap sa akin ni Francesca. As always. And like other times, i ignored her. She doesn't deserve my attention.

"Francesca, did you finish what i told you?", tanong ni Tita sakanya kaya binaling niya muna ang atensyon niya kay Tita.

"Umm Pardon?"

"I said, did you finish what i told you? You know, asking if the guests would be there?"

Natahimik siya at umiling. Kita ko naman ang pagkadismaya sa mukha ni Tita.

"Alright, do it as early as possible okay? It should be finalized before this week ends", ramdam parin sa boses ni Tita ang disappointment pero pilit niya itong itinago dahil sa dinner na'to.

"Don't worry too much about that, Helena. We can ask about the guests' presence at other times. No need to pressure her", nag aalalang sabi ni Mom. Tsk that girl's probably busy making herself popular that she's forgotten what you told her, Tita.

"Actually, it needs to be finished now, Sheila. We should finalize it sooner. Marami pang kailangan gawin", singit ni Auntie Shane kaya tumango si Tita.

"Well then alright. Mabuti pa ay tulungan mo na lang siya, Klyde", suhestyon ni Mom sabay sulyap sa akin. Tinignan ko naman agad siya.

"Uh no need Tita. I can finish it before this week ends", pakipot pa kunwari tung isang 'to. If only you all knew, she's surely hiding a smile.

"It's okay hija. Besides, there are guests who you may not know and might be hard for you to talk to them", Mom, she's just sending an email. It's not like they're talking face to face. And she's busy making herself popular by dating guys and such that's why she couldn't do her task.

I badly want to say that out loud pero di naman ako ganun kabastos para ipahiya siya. May konting awa pa naman ako kahit ayoko sa babaeng to.

"There is really no need Tita. I'm-"

"Stop rejecting it hija. Besides, you and him will be partners in the entourage. You should get used to Klyde"

"What partners?", i did not know any of this!!

"I'm surprised you didn't know, Klyde. Di mo sinabi Trish?", tanong ni Mom kay Ate.

"I thought he knew", tipid na sagot ni Ate at nagpatuloy sa pagkain.

Nakita ko naman ang bahagyang pagngiti ni Francesca pero napawi rin iyon nang makita niya ang matalim na tingin ko sakanya.

I looked away from her. Tsk i don't want to be with her. I don't want to.

----------------

Puppy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon