THE MAN ON THE MIRROR (Non-Fiction)

749 15 3
                                    

Another encounter...

 - Visible Soul

Grade six ako nung time na nangyari ang karanasan kong 'to sa mga nilalang na para sa iba ay di nag-eexist pero para sa katulad kong maraming karanasan na makakita at makarinig ng mga ganitong nakakatakot na encounter... THEY'RE REAL!

1st birthday noon ng pamangkin ko sa pangatlong ate ko kaya syempre sobrang abala ang lahat sa bahay. Gabi pa kasi gaganapin ang childrens' party na sa palagay ko naman ay for everybody kasi lahat naman invited at may kanya-kanyang mesa; mapamatanda, dalaga't binata man o bata. Sadyang ganyan sa probinsya! (^_^)

Nag-iisang anak lang kasi ang pamangkin ko kaya pinaghandaan ang kaarawan niya ng ate at kuya ko.

Dahil sa invited naman ang lahat, I decided to invite my bestfriend pati na rin ang ate niya na apat na taon lang ang tanda sa aming dalawa. Pumayag naman ang mama nila kaya sumama sila sa'kin sa bahay.

Hapon na ng makarating kami ng bahay kaya nagpalit na rin ako ng damit para tumulong kami sa pag-entertain ng mga bisitang dumarating.

Ginanap sa likod ng aming bahay ang celebration ng kaarawan ng pamangkin ko at malapit ito sa dagat. May dagat kasi sa likod ng aming bahay (pero hindi literal na sobrang lapit ah? XD) Kaya sobrang lamig nung gabi na. Dumami na rin ang bisitang dumarating.

Kanya-kanyang grupo o 'kabangkiya' ang mga taong dumalo sa kaarawan ng pamangkin ko. Ibang mesa ang kela kuya at ganun din kela ate. Karamihan sa kanila'y nag-iinuman. Samantalang ang mga binata't dalaga naman ay may sariling mesa din. Ang mga bata ay nasa gitna at nagsasayawan ang iba nama'y naglalaro na.

Nasa ganung eksena ng biglang nag-brownout kaya sobrang dilim ng paligid... Napasigaw ang ilan dahil sa pagkabigla (ganun talaga kapag brownout) samantalang hinanap naman ako ng ate ko para magsindi ng kandila.

Naglalakad na 'ko papasok ng bahay nang mapalingon ako sa dagat. At doon ko nakita ang isang lalaking nakalutang sa hangin. He's wearing barong and everything was white! Nagulat ako dahil...dahil patay na siya! He's my late father! At nakangiti siya... maybe nakiki-celebrate din ang tatay ko dahil kaarawan ng apo niya.

Natakot ako nung una pero bigla ding nawala nung mamukhaan ko siya.

Tiningnan ko siya at nakita ko ang kanyang masayang mukha...and he gradually disappeared!

I KNOW THAT HE'S HAPPY FOR US...

Nasa loob na ako ng bahay ng biglang umilaw. Sigawan na naman ang mga tao. Ganun talaga sa probinsya. Lumabas na ulit ako para samahan ang bestfriend ko.

Pagkalabas ko'y sumakto naman na nagpapaalam na sila sa mga ate ko dahil pinapauwi na daw sila ng mama nila. Niyaya ako ng bestfriend ko na dun matulog sa kanila dahil matagal na daw kaming di nakakapagbonding kaya nagpaalam din ako kay ate.

Pumayag naman si ate kaya tumuloy na kami sa bahay nila...

Pagdating sa bahay nila ay napagtripan namin na sa sala nila matulog dahil masyadong mainit daw sa kwarto. Sa salang yun ay may napakalaking salamin na nakaharap sa direksyon namin.

Bago matulog ay nagkwentuhan muna kami saglit dahil ganun talaga kami... MADADALDAL! Lalo na ako... :P Maya-maya din ay natulog na kami dahil pagod din sa buong araw.

Mga around 2am ng nakaramdam akong kelangan kong mag-banyo kaya bumangon ako para magtungo sa banyo pero hindi ako natuloy dun dahil hindi sariling reflection ang nakita ko sa banyo kundi isang lalaking napakaitim at napakalaki... and he's not my father! EEEEEEEEEEH!

Tiniis ko na lang ang tawag ng kalikasan at nagtalukbong ng kumot. Yun na ang pinakahuli kong pagtulog sa bahay ng bestfriend ko...

My Horror Collections (Fiction & Non-Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon