ROOM #666 (Fiction)

516 11 0
                                    

Alas-kuwatro pa lang ng madaling araw ay gising na ako. May sk seminar kasi kami na gaganapin sa Baguio at tatlong araw ako dun. Excited ulit akong makarating ng Baguio dahil noong huli kong punta dun ay may gwapong lalaki na ngumiti at kumaway sakin. Syempre di rin sigurado kung magkikita pa ulit kami basta't ang alam ko lang, I love Baguio. Makikita ko na din ulit ang Burnham Park at ma-eenjoy ko na ulit ang night life dun.

I'm so excited kaya dalawang araw pa lang bago ang biyahe ay nakahanda na ang mga gamit ko including my make-up kit at gadget. Di kumpleto kapag wala yun.

Limang bus ang inarkila ng munisipyo para sa sangguniang kabataan at sinuwerte ako dahil sa bus #1 ako napunta. Isang boyish na babae ang nakatabi ko at nagkausap kami. She's cool!

Quarter to one na nang makarating kami sa isang hotel sa Baguio kung saan kami mananatili ng tatlong araw. Halatang luma na ang hotel dahil nilulumot na ito. Pagkapasok ko palang sa naturang hotel ay nakaramdam na ako ng kakaiba.

Kumain muna kami ng 'late' lunch bago tuluyang nagtungo sa kanya-kanyang kwarto. Ang weird dahil sa room #666 pa ako napunta, ang numerong ayaw ko talaga.

Pito kami lahat sa kuwartong yun dahil pito din ang kama. May maliit na tv at may banyo na mismo sa loob. Isa sa anim kong kasama ay ang nakatabi ko kanina sa bus. Siya agad ang nakapalagayan ko ng loob dahil marami kaming napagkakasunduan.

During our first night ay wala namang nakakatakot na nangyari. Lahat kami pagod kaya maagang nakatulog pero bago kami natulog ay pinaalalahanan kami ng secretary ni mayor na kelangang gumising kami ng maaga para sa unang araw ng seminar na mag-uumpisa mula 6am hanggang 8pm. Iniisip ko pa lang ay nababagot na ako.

Kinaumagahan ay nagising kami sa malalakas na katok sa pintuan. Secretary na naman ni mayor. Isa-isa kaming naligo sa banyo at dahil tinatamad pa akong bumangon, I decided na ako na lang ang pinakahuling maliligo.

Di ko namalayang nakaidlip pala ako kaya pagbangon ko ay si Kesha na lang ang nasa kwarto at nagsusuklay ito ng kanyang basang buhok. Kesha ang pangalan ng boyish girl na tinutukoy ko.

"Maligo ka na Lei para sabay na tayong bumaba sa social hall."

"Mauna ka na Kesha. Matatagalan pa 'ko eh. Hehe!"

Aandap-andap ang mata ko.

"Sige. Paki-lock na lang mamaya dito. Mauna na 'ko."

At tuluyan na siyang umalis.

Inihanda ko na ang sk shirt at jeans ko pati ang undergarments ko para maligo ng may marinig akong naliligo sa loob ng banyo at kumakanta pa ito. Natakot ako pero itinuloy ko pa rin ang pagligo.

Creepy!

Nang nasa loob na ako ng banyo ay narinig ko na nakabukas ang tv at halakhakan ang naririnig ko. Nakakatakot na talaga.

Di na ako nagshampoo at nagbihis na ako agad. Hindi ko na inopen kay Kesha ang nangyari hanggang sa makauwi kami.

Ayun sa nalaman ko, may ligaw na kaluluwa daw na nananahan sa room #666 na yun at trip niya ang manakot lalo na pag mag-isa ka lang sa kwartong yun.

My Horror Collections (Fiction & Non-Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon