27

511 31 6
                                    

Fritzie

Ngayon lang kami nakarating sa event place. It's already 3pm at 7pm magsstart yung concert. Okay lang naman ma-late since reserved seating naman yon.

"Ate which way dito papuntang Nike store?" Jayden asked.

May katabi kasing mall yung paggaganapan ng concert ng GOT7. Nagmall muna kami since maaga pa naman—and umiiwas ako sa fans kasi kilalang-kilala nila ako. Tsaka bibili din ako ng moose ni bambam. Magtatampo yon kapag wala.

Hayy Bambam

"Second floor, Jayden tas katabi ng bookstore. Madali lang makita kasi pagkapanik mo sa escalator andon agad yon." I said

"Wow ate. Kabisado mo talaga?"

I chuckled, "Tambay ako dito. Sige na, text text nalang." I said

Pumunta siya sa Nike store dahil magcacanvass daw siya ng sapatos kasi bibili siya mamaya after con. Ako naman, pumuntang toy store.

Tinanggal ko yung cap ko kasi ang init, mask lang yung natira. Umikot ako sa toy store at naghanap ng moose na stuff toys.

Nung makahanap ako, namili ako kung alin bibilhin ko don.

I ended up picking the biggest moose stuff toy at moose na hair band.

Pumunta na ako sa cashier at magbayad.

Pagkalabas ko ng toy store, tinanggal ko yung mask ko kasi medyo nahihirapan ako huminga pero sinuot ko na yung cap ko.

Nung isang gabi pa ako medyo nahihirapan huminga kakaiyak, bawal talaga sa'kin sobrang umiiyak kasi nga dahil sa asthma ko.

I texted Jayden that I'll be waiting for him sa isang coffee shop.

Umorder ako ng cheese cake at tubig, bawal ako magkape kasi di siya makakatulong sa sitwasyon ko ngayon.

Sa dulo ako nakaupo. Tahimik lang akong kumakain ng cheese cake habang nagcecellphone nang biglang may mareceive akong text

1 message from dabdab

I opened it.

3:27pm

dabdab: san u????

I took a picture of the paperbag from the toy store and sent it to him.

moose: i already bought you a moose stuff toy

dabdab: whoaaaaaa ang laki ng paperbag, sana malaki din nasa loob

moose: oo naman ;-) payag ba akong hindi???

dabdab: yayyyyy!!1!!! anyway nasan ka??

moose: coffee shop, tabing mall ng event place niyo.

Seen

Aba sineen lang ako?

Ilang minuto ang lumipas wala pa ring reply si Bambam kaya tinabi ko na phone ko at tinuloy ang pag-kain ko.

"Sa dulo ka talaga pumwesto? Ang hirap mong hanapin, naka-cap ka pa."

O_O

Napakunot ako ng noo at tinitigan yung nagsalita.

"Youngjae?" I mouthed. Balot na balot kasi siya—hoodie, cap, mask tsaka shades. Kinilala ko lang siya gamit boses niya.

"Shh." Sabi niya.

"Omg!" Pabulong na sigaw ko, niyakap ko siya.

Bukod kay Bambam, si Youngjae talaga pinaka naging ka-close ko sa GOT7.

"Kalma. Kalma."

"Bakit ka andito? Buang 'to, delikado sa'yo." Sabi ko

"'Di 'yan, 'di naman nila ako makikilala. Iaabot ko lang sana 'to sa'yo." Sabi niya sabay abot ng tatlong ticket

"Huh? Para sa'n 'to? May ticket na ako."

"Basahin mo kaya muna." Sabi niya. Nararamdaman kong iniirapan ako neto ngayon.

Tinignan ko yung ticket at nakitang backstage pass yon

"Seryoso ba 'to? Ayoko nga magpakita sa kanya eh." I said

"Pumunta ka na please?"

I sighed, "Okay. Pasalamat ka love kita."

"I know."

"Eh bakit pala tatlo?"

"Pakibigay pala yung isa sa magiging katabi mo mamaya, Addy ang name niya. Half-Korean yon. Basta katabi mo siya."

"Ano sasabihin ko?"

"Pinapaabot kamo ni Jinyoung-hyung."

"Jinyoung?"

"Oo"

"Owkaay." Alangan kong sagot. Si Jinyoung?

"Sige Fritzie, mauna na ako. Tinakasan ko lang si Jaebum-ah." Sabi niya

Natawa ako at mahinang hinampas siya sa braso, "Kapag narinig ni Jaebum yan, yari ka."

Natawa rin siya at nagpaalam na kami sa isa't-isa.

Pagkaubos ko ng pagkain ko, napagdesisyunan ko nang makipag-kita kay Jayden kaya I texted him.

"Ate hurry up." Jayden said nug papunta na kami sa pila. Naglalakad na kasi kami papunta sa pila ng VIP A.

Dahan-dahan akong naglalakad kasi kinakabahan talaga ako. Gusto ko na ngang umatras eh.

"No need to hurry, Jayden."

"Gusto ko na makapasok, napaka-init ate."

I sighed, eto na naman ang kapatid kong napaka-arte.

Pumila kami at since medyo late na, hindi na ganon karami ang taong nakapila kaya madali kaming nakapasok.

This is it.

Kaya mo 'to Fritzie, kaya mo 'to

**

❝ cheater ❞ | js.wTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon