Chapter 6

65 7 2
                                    

Chapter 6

[HELLO, love.] he said over the phone.

"Hi. Kamusta ka dyan?"

[I'm okay. I just miss you.]

"I miss you too."

[Ikaw ba, okay ka lang dyan?]

No. I'm not.

"Yeah, very okay."

[Kumain ka na?]

Not yet.

"Yup, kanina pa."

[Good to hear that. Matulog ka rin ng tamang oras, ha?]

"Yeah, 9 ako natutulog."

[Good. Now, I have to go. Bye, love! I love you!]

"I love—" biglang namatay "you too."

Nagpakawala ako ng buntong-hininga. Ang hirap palang magsinungaling.

I can do it. I can really do it. Sanay naman na akong maiwan mag-isa. Ilang taon narin, lagi nalang naiiwan. Sinong hindi masasanay, 'diba?

It's been a week since MJ left. At tapos narin ang Bagong Taon ay wala pa rin sila Mama. Hindi manlang nila ako sinamahan mag-celebrate. It's new year, I need a new life.

Nag-ring ang cellphone ko. Si Mama.

"Hello, Ma."

[Hey, honey.]

"What?"

[I have a present for you. Pinadala na dyan sa condo mo. Just wait for it.]

"Okay."

Saka ko pinatay ang tawag.

Hindi ko kailangan ng mga gamit na ipinapadala ninyo. Ang kailangan ko ay kayo.

I opened my wattpad, but... There's no new notif. Wala pa rin talaga.

And now.. I'm losing hope. Parang wala na. Wala nang pangarap na matutupad. I think, kailangan ko nang tigilan 'tong kabaliwan ko.

Buong maghapon na akong walang kain. Ni hindi ako makaramdam ng katiting na gutom. Walang-wala. Ayaw nang mag-function ng katawan ko.

I'm losing hope. Because, he's in Singapore. Masyadong malayo.

My phone rang.

"Hello?"

[Love, happy birthday!]

Hindi ko namalayan, isang araw na pala ang nakalipas. Isang araw na'kong tulala at walang kain... Wala ding tulog.

"Thankyou."

[May ipinadala akong regalo ko para sa'yo.]

"Salamat."

Natahimik sa kabilang linya, siguro napansin nya ang tamlay sa boses ko.

[Hey, are you okay?]

"I'm fine. No need to worry."

[Are you sure?]

"Oo."

[Sigurado ka?]

"Yup."

[Really sure?]

"Oo nga!"

Nataasan ko yata ang boses ko.

[Hey, galit ka ba? I'm sorry kung naging makulit—

"Let's end this."

Hindi ko alam kung anong sumagi sa isip ko't nakikipaghiwalay ako sa kanya. Wala na ako sa tamang pag-iisip.

[W-What? N-No, l-love. P-Pag-usapan naman n-natin—

"Wala nang pag-uusapan, MJ. Let's just end this. LDR don't work."

[B-But we can make it work! Magtiwala ka naman sa akin, Cha!]

"This is a fvxking LDR—

['Diba ikaw naman ang nagtulak sa akin na magpunta dito sa Singapore?!]

"Well, I'm just testing you! Kung kaya mo ba talaga akong iwan!"

[Cha...]

"MJ, you don't know how much it hurts to be lonely! Ang hirap-hirap maiwan mag-isa! Nakakasawa na!"

[Love...]

"I'll go now. Enjoy there."

[Love, wait!—

Pero pinatay ko na 'yon kaagad.

At bigla nalang akong napahagulgol.

I don't know why I'm feeling this. Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong lungkot. Napakabigat sa pakiramdam. Ang hirap-hirap dalhin. Parang gusto ko nalang tapusin ang buhay ko. Hindi ko na madala 'yong bigat ng pakiramdam ko. Ayoko nang mabuhay. Nakakapagod nang mabuhay mag-isa. Ang hirap. Nakakatakot. Sobrang nakakatakot.

YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon