Chapter 8

70 8 6
                                    

Chapter 8

*While reading, please play You by Jonalyn Viray*

"CHA!"

Nakalapit pa ako sa kanya bago nya gawin ang ikinakakatakot namin. Itinapon ko sa malayo ang blade at lason na hawak nya.

"Bakit mo ba ako pinakakailaman?!" sigaw nya sa akin.

Niyakap ko sya kahit na nagpupumiglas sya.

"Ssh. Andito na ako, andito na kami."

"Hindi ko maramdaman na nandyan kayo. Wala nang may pakialam sa akin. Kailangan ko nang mawala." sunod-sunod ang patak ng luha nya.

"Ssh. Andito ako. Hinding-hindi na kita iiwan."

"Sawang-sawa na'kong marinig 'yan, MJ." sabi nya saka humikbi nang humikbi.

"Ssh. Tahan na."

Hindi na sya nagsalita pa, humikbi nalang sya nang humikbi.

"Magiging maayos din ang lahat, Love. Magiging maayos ang lahat. Ssh. Tahan na, ayokong nakikita kang umiiyak."

Hindi pa rin tumitigil ang pagtulo ng luha nya.

"Ssh, tahan na. Ayokong nahihirapan ka."

"Please, 'wag nyo na akong iwan. N-Nakakatakot nang maiwan. A-Ayoko nang maiwan. G-Gusto kong matupad ang pangarap ko. K-Kailangan ko ng tulong nyo. H-Hindi ko na kayang mag-isa. A-Ayoko nang maiwan mag-isa. A-Ayoko na. S-Sobrang bigat sa p-pakiramdam. K-Kailangan ko kayo." saka sya humikbi nang humikbi.

Ang itim na ng gilid ng mga mata nya.

Hinayaan ko lang syang umiyak nang umiyak, hanggang sa tumahimik na sya at naramdaman kong nakatulog na pala sya.

Mukhang kulang na kulang sya sa tulog. Wrong timing din 'yong hidden camera, eh. Dahil sa natakpan 'yon, hindi ko na alam kung anong nangyari kay Chanelle noong mga nakaraan. Mukhang hindi na sya kumakain kasi pumayat sya. At sobrang namumutla ang mga balat nya.

Hinding-hindi ko iiwan ang babaeng 'to kahit anong mangyari. Mahal na mahal ko sya. Sobra sobra.

"Chanelle!" sigaw nila tita nang magpunta ako sa sasakyan nang buhat buhat si Chanelle.

"Nakatulog lang po sya, maayos po ang lagay nya." sabi ko atsaka sila napaluha nang malaman nilang okay lang si Chanelle.

"Bro, 'yong ninang ko. I'm sure matutulungan nya si Cha. She's a psychiatrist."

"Sige. We need her, asap."

"Idala nalang natin sya sa clinic ni tita?"

"Well, that's a good idea."

Si John na ang nagmaneho dahil hawak ko pa rin si Chanelle, hindi ko sya kayang bitiwan.

"MJ..." pagsasalita nya saka unti-unting bumubuka ang mga mata nya. "W-Wag.. W-Wag mo akong.. I-Iwan."

Hinalikan ko sya sa noo.

"Just sleep, love. Hindi kita iiwan."

Biglang tumugtog ang kanta ni Jona sa radio na 'You'

♪"You give me hope, The strength, the will to keep on; No one else can make me feel this way."♪

Napangiti nalang ako. Kung gising si Chanelle, kinakanta na rin nya ang kantang 'to. She love this song very much.

♪"And only you. Can bring out all the best I can do; I believe you turn the tide. And make me feel real good inside."♪

♪"You pushed me up. When I'm about to give up; You're on my side when no one seems to listen. And if you go, you know the tears can't help but show. You'll break this heart and tear it apart; Then suddenly the madness starts."♪

♪"It's your smile, your face, your lips that I miss. Those sweet little eyes that stare at me and make me say "I'm with you through all the way." 'Cause it's you who fills the emptiness in me; It changes ev'rything, you see. When I know I've got you with me."♪

Bigla kong naramdamang may likidong tumulo sa kamay ko. Umiiyak si Chanelle. Siguro naririnig nya ang kantang 'to. I don't know why I feel emotional. Naiiyak narin ako. Meaningful ang kantang 'to.

Coz for Chanelle, I'm her hope.

YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon