The Old Us

687 14 0
                                    

Kailangan ko lang magkunwari na walang epekto sakin yun. Hindi ako dapat maging defensive.
Kailangang ayusin ko itong gulong ginawa ko.  Yes,  I admit it. Ako talaga ang may kasalanan.
Kasi una palang ako na ang nagbreak ng rule. Ako na ang nagkamali. Alam ko na naman ang mangyayari eh... Pero tinuloy ko pa rin itong bwisit na nararamdaman ko para sa kanya.
I know na masama akong tao dahil idagdag pa si Rj.
Akala ko kasi sa ginawa kong yun,  matututunan ko siyang mahalin but hell no, hindi. Hanggat nakikita ko si Jin, walang nagbabago.

Humarap sakin si Jin,

"Is that true? "

Nakatingin lang ako sa kaniya ng diretso, ayokong magmukhang tanga.

"Seriously Jin? Naniniwala ka sa kaniy--"

"Trix is that true?! "

"No! Oh hayan na ha, nasagot ko na. Happy?! At saka isa pa, kung inaakala mong magkakagusto ako sayo, pwes nagkakamali ka. "

Umalis na ako sa garden nila at pumasok na sa loob ng kotse namin... Pero hindi ko naman napansin na nakasunod pala sakin si Jin. Mabilis siyang kumilos at nakapasok agad siya sa loob. Wala naman na akong sinabi, nanatili lang kaming tahimik. Hanggang sa makalabas ng sasakyan, nagdiretso lang siya sa bahay nila. At ako? Nagdiretso sa kwarto ko,  at doon nag-iiyak.

Bakit sa dinami dami ng tao, sa kaniya pa tumibok tong puso ko?
Gusto ko siya, gustong gusto ko siya yun lang ang akala ko dati... Akala ko kasi hindi ako maiinlove sa kaniya katulad ng ibang mga babaeng kandarapa makuha lang ang atensiyon niya. But I was wrong, yung pagkagusto ko sa kaniya, lumalim ng lumalim.

Pero hindi ko sinabi dahil ayaw ko na mawala yun samahan namin.

Nakarinig ako ng katok mula sa pinto ng kwarto ko.

"Trixie?  Can we talk? "

Mabilis kong pinunasan yung mga luha ko, Ayoko na makita ni mommy na ganito ako.
Binuksan ko yung pinto,
Umupo kami ni mommy sa bed ko,

"Umh mom,  bakit po gising pa kayo? "

Ngumiti naman siya sakin,

"Umh, sabihin na nating narinig ko yung kotse kanina...then inabangan kitang umuwi, alam ko na ikaw yun at alam ko din na hahanapin mo si Blake, "

Yumuko naman ako,  kilalang kilala talaga ako ni Mommy.

"Nakita ko rin na bumaba siya ng kotse. Nakapag-usap ba naman kayo? "

Nagsimula na namang magbadya yung mga luha ko...

"Umh mommy, bakit po ba may mga bagay na hindi pwede? "

Siguro panahon na para mailabas ko itong nararamdaman ko, okay lang naman kay mommy eh.

"May problema ba? "

Nagsimula na namang tumulo ang luha ko,

"Mom, si Rj po... Hindi ko na po alam ang gagawin ko. Mahal ko si Rj, pero hanggang kaibigan lang po talaga. "

"Is it because of Blake? "

See?  Kahit hindi ko sabihin alam na alam ni mommy.

"Alam mo anak,  kung mahal ka talaga ni Rj, maiintindihan niya. Pero anak kasi, kung hindi mo naman pala talaga mahal si Rj bakit mo pa siya sinagot? "

Ganyan si mommy minsan,  isasampal niya talaga sayo ang katotohanan. Hindi siya mahilig mangunsinti.

"Ang akala ko naman po kasi, matutunan ko siyang mahalin. Pero hanggat nandiyan po kasi si Jin... "

Umiling iling ako kay mommy.

"Alam na ba ito ni Blake? "

Umiling naman ako kay mommy,

MaybeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon