Misunderstanding

662 12 0
                                    

Panaginip,
Napahawak na lang ako sa ulo ko.
........


[JIN'S POV]

"You will marry her Blake! sa ayaw at sa gusto mo!!"

"Tsk...I dont love her nor like her"

"It doesn't matter Blake,"

F*ck this!!

"Well for me it is!!"

---------------------------

Napasabunot na lang ako sa buhok ko....

Sana lang hindi ganito naging kakomplikado ang lahat...

"Blake "

"Get out! "

Sinabi ko sa kaniya nang hindi siya tinitingnan,

"Blake ano ba?  Paano kung mag-asawa na ta--"

"At sa tingin mo talaga pakakasalan kita? Ganyan ka na ba talaga kadesperada, Amber? "

"Yes! Desperada na kung desperada, mahal kita at ikaw ang gusto ko na makasama--"

Pinutol ko ang sasabihin niya...

"But I dont love you, Amber! Kaya makakaalis ka na! Ngayon na!! "

Napaharap ako sa kanya at nakita ko ang mga luhang tumutulo sa mga mata niya...

Kasabay nito ang pagpasok nina Mama at Papa sa kwarto ko,

"What's happening here?"

Umayos naman si Amber.

"Sige po tta, uwi na po ako."

Umalis na nga siya, tsk.

Humarap naman sakin si Papa,

"Ano na naman to Blake?"

"What? I'm just being honest, I dont like her, at alam ko na hindi ako magiging masaya kung siya ang pakakasalan ko, "


















TRIXIE'S POV

Hay! Ayoko na...nakakapagod dn palang mag-isip noh?
Pumayag ba talaga siya?
Haisst panaginip lang yun Trix...dont over think it...

(fast forward)

Isang linggo na nga pala simula noong nalaman ko na, ipapakasal si Jin kay Amber... Isang linggo na rin akong wala sa mood, ewan ko rin.

"Trixie!"

Nandito nga pala ako sa campus,
At si Jane yung tumatawag sakin

"Bakit Jane? "

Huminga muna siya ng malalim...

"Totoo ba? "

Ang ano daw??

"Ang alin yun Jane? "








"Ikakasal na si Blake at Amber? "

Napatungo na lang ako... Balita na pala yun dito sa buong campus?

"Ah hindi ko alam Jane eh," sagot ko na lang kay Jane...d ko naman talga alam eh.

"Trixie bestfriend ka hindi mo alam? "

Bestfriend.

"Tsk, Bestfriend? Jane yun na nga eh. Hindi ko na alam kung ano na kami ngayon? Bestfriend pa nga ba kami? Jane hindi ko na alam, "

"Trixie ano ka ba? Syempre naman magkaibigan pa rin kayo ni Blake."

"Kakausapin ko sya mamaya sa kanila,"

...promise...

Naglakad na kami ni Jane papunta sa classroom namin, actually maaga pa eh.

"Amh...Trixie, pansin ko lang ha? Kayo pa ba ni Rj?"











Rj? Napapikit na lang ako, at napahinto sa paglalakad.

"Jane? Kelan mo kami huling nakita na magkasama?"

"Umh, 1 week ago."

one week?!
Ganon katagal?!

Iniwan ko si Jane at tumakbo papunta sa classroom ni Rj...

Pero pagdating ko don, wala pa daw si Rj...

"San ka na kaya?"
Bulong ko sa sarili ko...

Naglakad na ako pabalik sa room namin, nang bigla ay nakasalubong ko si Rj...

Mabagal itong naglalakad na parang malalim ang iniisip...

Tumakbo ako palapit sa kanya...pero parang d parin nya ako napansin kasi nga sa ibaba siya nakatingin...may balak ba itong tumalon mula sa 3rd floor??

"HOY!!"

Nagulat ito kaya naman napatawa ako bigla...
grabe kung nakita nyo lang yung mukha niya, lol,

"Tsk,"

Nagsimula naman siyang maglakad ng mabilis...
Galit ba yun?

"Ui Pangit? Galit ka ba?"

Waley parin...

"Ui ano ba? Kung galit ka dahil pinagtawanan kita sorry na oh"

Waley pa rin...aba mala bato ito ngayon ah..

"Uy sorry na, promise d na mauulit...eh sa nakakatawa pala talaga yu-"








"Trixie, isang linggo.
Isang linggo kang walang paramdam...isang linggo akong tawag ng tawag sa phone mo pero hindi mo naman sinasagot...isang linggo akong text ng text pero ni tuldok man lang wala...ilang araw na akong dumadaan sa bahay nyo para sunduin ka pero nauuna ka naman palagi, sa room nyo kapag uwian na nauuna ka pa rin...Trixie,


















Tayo pa ba? Kasi parang hindi na."

at iniwan niya ako.

MaybeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon