Maybe This Time (SPG)

4.5K 123 36
                                    

A/N:   Tagalog SPG content.  Sa mga batang nakabasa,  wag itanong sa mga magulang ang hindi naintindihan na termino, pakiusap, magtanong kayo kay Google . (Maybe this time by Sarah G is on the media, if you feel like listening to it while reading, go ahead and hit the play button :-)

~

~

~

3 years after...

"Brad, kahit talaga sa ganitong event late ka pa rin, tsk." Bati kaagad ni Vhong kay Vice nang makababa na ito ng kotse, aligaga, halatang nagmamadali nga.

"Sorry Vhong kasi naman tong si Beurn sabi ko 9:00 Am ang dinig pala nung gaga 09:00PM! May binyag bang ginaganap ng 09:00PM? Kalokaah! " Pagkikwento niya kay Vhong habang kinukuha niya ang malaking gift mula sa loob ng passengers seat. 

"Haha yaan mo na, ang importante nandito ka na. Kanina ka pa hinihintay nila Anne dun sa loob."

Hinila na niya si Vice papasok ng simbahan kung saan gaganapin ang binyag ng anak nila Anne at Erwan. 2 years ago lang nung magpakasal ang dalawa at ngayon nga ay bibinyagan na ang kanilang panganay. 

"Teka lang kung makahila naman to, ang off shoulders ko." Seryoso ang boses pero biro niya lang yun kay Vhong.

"Ay, iba na pala ang tawag sa barong, off shoulders na pala." Patol naman ni Vhong sa joke niya sabay tiningnang maigi ang suot niya.

"Wag ka na kasing tumitig jan baka mamaya ma inlove ka na naman." Halos patakbo nilang tinungo ang simbahan.

"Hooh tigilan mo ako Jose Marie ang tagal mo ng nag balik loob."

"Ewan ko sayo Navaro." Nagkatawanan sila ni Vhong at di na nila napansin ang dinadaanan nang..

*Blaggsshhhh!!!!!!!

Natulala lang si Vhong kaya si Vice na ang nagsalita, siya naman ang nakabangga

"Oh my God baby sorry...gosh.." Agad itinayo ni Vice ang nakabunggong bata na nadapa sa sahig. Mabuti nalang at hindi ito umiyak, nakatingin lang ito kay Vice. Bilugan ang mga mata nito na nababagay sa maliit nitong mukha't matangos na ilong. Ang buhok naman nito ay naka brush up, parang nakikita niya ang sarili sa batang ito.

"Mommy.." Tawag ng bata ka Vice

"AKooo?" Vice is pointing to him self, then napangisi sa direksiyon ni Vhong. "Mommy na ako, babae na ako ulit." Inirapan naman siya ni Vhong saka niya hinarap ulit ang bata. Hinaplos niya ang ulo nito.

~

"Ate, pasensiya ka na eh kanina talaga nandito lang siya sa may luhuran, di ko na napansin na nawala na." Badya ang pag-aalala sa mukha ng yaya na hindi alam ang gagawin.

"Hanapin nalang  natin si Andrei yaya, pag may masamang nangyari dun.." Sabi ni Karylle na halata din ang pag-aalala. Iniwan niya sandali si Andrei sa katulong upang batiin personally si Anne at Erwan, ngayon ngang pagbalik niya ay wala na ang anak. Medyo malaki pa naman ang simbahan at puno ng bisita. Nagpalinga linga si Karylle sa paligid, nagsimula siyang maglakad upang hanapin ang anak.

~

"Baby, I am not a mommy, I am a daddy." Lumuhod si Vice para magka level sila ng bata. Binigyang ngiti niya ang bata na hinawakan siya sa magkabilang pisngi. Ang dalawang munting kamay nito ay naghatid ng kakaibang pakiramdam kay Vice.

"Da..daddy?" Takang tanong naman ng inosenteng bata. 

"Yes, because I am a male, I am a daddy." Umiling iling ang bata sabay hablot sa mga kamay nito

The Legal Husband (ViceRylle Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon