Tula-1

1.3K 45 19
                                    

Tama na, tama na paulit ulit na lang
Ilang beses na ba ako naiwang luhaan
Nagbabakasakaling masulyapan man lang
Mabigyan ng atensyon kahit paminsan minsan

Hindi ko na kaya siguro tama na nga
Nagmumukha na akong tanga
Ilang beses ng nagmakaawa
Na sanay pwede pa tayong magsama

Pero walang nakuhang kasagutan
Oh bakit nga ba ako nahihirapan
Atensyon lang naman ang gusto kong iyong paglaanan
Sa akin na naging parte ng buhay mo

Tama nga siguro sila
Ikay may minamahal nang iba
At tanging nakaraan na lamang kami ng iyong mga alaala
Na ayaw mo nang balikan pa

Ititigil ko na talaga
huwag kang mag alala
Ito na ang huli na maririnig mo pa
Ang mga pagmamakaawa at nahihirapang kataga

"Paalam oh aking ama"

Sa Likod Ng Mga TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon