"Mag Bilang"
Nag iisip ako sa kung paano masisimulan ang kwento,
kung saan di ko naman alam kung mayroon nga bang katapusan?Halina't magbilang ng taliwas sa nakasanayan, anim, lima, apat, tatlo, dalawa, isa, mga numerong aking di maikakaila.
Simbolo ng mga taon at panahon na aking itinuon para sa taong nag paramdam sakin ng kakaibang sensasyon.
Sisimulan ko sa kung paano kita nakilala, sa kung paano nagkatabi ang ating upuan at mesa
Sa kung paano nahulog ako sa isang kumunoy na tanging pag suko lang ang pag asa
Oo, tama ka ng nabasa, wala naman talagang pag asa sadyang ako lang itong si tanga na walang magawa kundi patuloy na mangarap at magpanggap na okay lang kahit ako ay magbilang.
Magbilang hanggang isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim at marami pang taon
Nagbabakasakali na sa huling pagkakataon masabi ko na rin sayo na hoy! anim na taon na,
Sa tingin ko, mahal na kita!
~~~
Yieehh💙💙Any votes, comment, violent reaction charot✌🏻️😌 are highly appreciated po!☺️☺️kamsa!
BINABASA MO ANG
Sa Likod Ng Mga Tula
PoetryMga tula base sa ating karanasan Mga karanasan na kayhirap kalimutan Ibat ibang sakit na tumatak sa ating isipan -relate Enjoy reading!