Chapter 5

8.9K 225 18
                                    

"Ang dapat sa mga batang iyan habang buhay na ikulong sa basement...mga tumitigas ang ulo," mariin na saad ng kanya ina habang pababa siya ng hagdanan.

Nasa hardin ang mama niya at nagpapahangin. Hinihintay nito ang Papa niya na nasa main office pa ng SSA.

Nakatalikod ito sa kanya habang may hawak na telepono sa kabilang tainga.

Sumulyap siya sa orasan pasadong alas nueve na ng gabi.

"Sa oras na umulit sila sa mga kalokohan nila,hindi na ko magdadalawang isip pa na ikulong si Dwayne sa basement...why not?..alam mong maikli lang ang pasensya ko," anang ng kanya ina.

Napangiwi siya habang tinatahak ang kusina nila. Naisipan niya dalhan ng Rose tea ang ina. Nakita niya na wala ng laman ang tasa nito.

"Yes,saglit lang siya dito,nagpakita lang sakin nadaanan lang daw niya si Dwayne na nag-aabang ng taxi..." muli kausap ng ina sa kabilang linya.

"Mabuti nga nagawa mong hamunin yang anak mo..kaya ko man gawin hindi ko naman maaatim gawin yun kay Dwayne.."

Napangiti siya sa sinabi ng ina. See,ganun siya kamahal ng kanya ina.

Saka siya nagtungo sa ina ng marinig na nagpapaalaman na ang mga ito.

"Hi,Mom.." untag niya sa ina ng malingunan siya nito.

Nilapag niya sa harapan nito ang bitbit niya tasa.

"Rose tea for my coolest mom in the whole universe!"all smile niya saad.

Tinaasan naman siya ng kilay ng ina.

Tumawa siya at inisod ang upuan niya malapit rito at malambing na yumakap sa braso ng ina.

" Bakit gising ka pa?"sita nito habang nakadantay ang kalahating mukha niya sa balikat ng ina.

"Nakita kita dito eh kaya bumaba muna ko..mukhang gagabihin na naman si Papa.." aniya.

"Lagot sakin yun pag-uwi.." anito. Alam niya nagbibiro lang ang ina. Minsan talaga ginagabi ang ama.

He chuckled. Ang cool nang mama niya kaya din nito magbiro na may halong sindak pa rin.

Napangiti siya ng maramdaman ang paghalik ng ina sa ulo niya.

That's why he love her mom so much. Dito niya namana ang pagiging malambing. A being sweet. Hindi man halata sa panlabas na anyo nito na masyado nakakaintimidate. Sana namana niya ang pagiging intimidating nito kaso ang 65% na ugali niya ay sa ama niya nakuha.

Chickboy,charming,maloko,mahilig sa gulo at higit sa lahat charming.

"I'm sorry about selling  your pad,Dwayne.."

Napaangat siya ng ulo at humarap sa ina pero nakakapit pa rin siya sa braso nito.

May guilt na nakaguhit sa maganda mukha ng ina.

"Okay lang yun,Mama...mabuti nga iyun lang ang ginawa niyo ang kunin ang mga bagay na importante sakin kaysa hamunin niyo ako makipagsuntukan gaya ng ginawa ni Tita Erin kay Erol..ayoko dumating tayo sa puntong iyun," matapat niya saad.

Tumango ang ina. "Pero may posibilidad na dumating tayo dun sa oras na may gawin ka ulit na hindi ko magugustuhan...ikaw lang ang iniisip ko Dwayne..I want to protect you kahit na kaya mo nang protektahan ang sarili mo,you are still my son,gusto ko mapunta ka sa tamang landas.." matiim nito saad.

"I'm sorry for everything I've done,Mama...I'm trying now to be a good son.."aniya.

Hinaplos nito ang pisngi niya. " Hindi mo kailangan magbago para lang sakin,Dwayne..do it for yourself,as well...and for your mate.."

Natigilan siya sa huling sinabi ng ina. Mate? For his mate?

"Anytime pagtatagpuin kayo ng babae itinakda sayo..kaya ngayon pa lang,ayusin mo na yang sarili mo..ang mate mo na siya tatapos sa paghihirap mo sa tuwing sasapit ang heat season.." anito.

Wala siya imik na tumango na lang sa ina. Minsan hindi niya inisip ang tungkol sa mate na yan. Lahat daw sila magpipinsan ay may kanya-kanya mate.

Surprise me na lang,whoever my mate.

NASA DREAME na po itong series.

Follow CallmeAngge in DREAME!

🎉 Tapos mo nang basahin ang Howling For Love Series 2 : DWAYNE SIEGFRED byCallmeAngge(INCOMPLETED) 🎉
Howling For Love Series 2 : DWAYNE SIEGFRED byCallmeAngge(INCOMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon