(Naya's POV)
Ang bilis ng panahon, hindi ko agad namalayan na October na naman. Noong nakaraang taon way back G11 days sa DRU, ito iyong mga panahon na nakikipag-laban kami ng face to face sa mga infected ng venom X.
In our case now wala na kami sa DRU, pero ganoon pa rin naman ang atmosphere. After all halos wala namang pinagkaiba ang kalikaw ng bituka ng mga estudyante dito, at doon sa DRU. Kung hindi nga nila alam na kasamahan kami nila Eos, baka pinaginitan na rin kami dito.
Sabagay, advantage na rin na dito nanggaling sina Nyx noon, kilala pa kasi sila ng ilan. Bukod pa iyon sa fact na sila ang may-ari ng KSU.
So far everything seems so quiet simula noong lumipat kami dito, ang huling paramdam nga nila Third sa akin ay iyong kapapasok pa lang namin dito, bukod doon ay wala na. Siguro naghahanda rin sila, after all hindi na nila mahahawakan at magagalaw ang KSU dahil iba na ang pamunuan dito.
Iyon nga lang, doon din kami nahihirapan. Hindi rin namin alam kung ano ng hakbang nila o kung anumang ginagawa nila. Tahimik ang lahat, at nahihirapan kaming maghanda. Doon kasi sa DRU ay may chance din sana kami na makita namin si third ng mabilis, pero dito mukang malabo. Pero who knows di ba? Nagawa nga niyang magpadala ng sulat sa akin noon ang pumasok pa kaya dito?
Saka mas okay na rin kami dito, doon kasi ay mas maraming malalagay sa panganib, at nagbabakasakali ako na sana dito walang mapahamak at walang madamay kahit na imposible ang bagay na iyon.
"Hi, Miss Naya!" muling bati ng mga nakakakita sa aking estudyante, kaya agad akong tumango sa kanila.
Nakalimutan ko na estudyante rin pala kami dito, hindi ko na pala pwedeng gawin ang paglilibot dito katulad noong nasa DRU pa kami, pero hindi ko pa rin maiwasan ang routine ko na iyon. Nakasanayan ko na rin tuloy ang batiin ng mga nakakakita at nakakakilala sa akin, and somewhat it felt like I'm still on the DRU.
Napalingon akong muli sa puno kung saan tumama ang palaso na 'yon noon, naaalala ko pa na kalakip noon ang mga salita at banta ni Third. At iyon ang nagpapatunay na kahit nandito kami ay kaya niya kaming hanapin at sundan, besides second's clue is very helpful for us, at least alam na namin na hunter rin si Third at siya ay nasa hunters world tulad nila Cyan.
Now its a fight between, gangsters, killers, hunters and hunters, its a hunting game now. First came from gangster ground, Second on the killers ground, and Third was on the hunters ground. Si Fourth kaya nasaan? Si Fifth? Sixth? Seven? We have hints pero hindi sapat ang mga iyon, kulang pa ang mga clue na meron kami.
"Naya?" Nilingon ko agad ang tumawag sa'kin, saka ko lang nakita si Apollo.
And I was expecting a happy face from him o kaya naman ay sesermunan na naman niya ako sa pagliliwaliw ko, pero seryosong muka niya ang nakita ko. Seryoso siya na hindi normal sa kanya kaya kinabahan akong bigla. Bakit kaya? Lumapit din agad ako sa kanya, saka ko lang na-realize na mag-isa lang din siya. Usually kasi kapag ganitong hinahanap nila ako ay marami siyang alipores.
![](https://img.wattpad.com/cover/134121546-288-k611221.jpg)
BINABASA MO ANG
Underground Society: HUNTERS (Completed)
Mystery / ThrillerSo you wanna be a Hunter? Can you find something that normal people can't? Are you a gifted bounty Hunter? Only then you can be a Hunter. But which organization do you want to join? The Black Hunters Organization, or The White Hunters Organization? ...