HUNTERS 24

1.3K 33 0
                                    

(Naya's POV)







"Cyan? Look for us on the Third-floor veranda," I said on the earpiece again. "C-copy Naya."


Hinila ko na ang batang lalaki pagkapit niya sa railings saka ko kinuha ang tali. Pero hindi na kaya ng tali na maabot ang railings ng rooftop kapag inihagis ko ito, hindi rin ako makakaakyat dito kapag tinalon ko ito dahil wala akong ibang matutuntungan para bumwelo.


"Naya?" sigaw nina Cyan, nakita na nila kami. "We need rope!" sigaw ko rin sa kanila.


I need to shout dahil hindi na kami magkarinigan sa ingay kahit dapat na tahimik lang kami dahil maririnig kami ng mga infected.


"Hang in there Naya!" hiyaw ni Wincess sa amin.


Tumango ako sa kanila saka ako napalingon sa pinto sa loob ng kwartong karugtong ng veranda. Inilibot ko ang tingin ko sa loob at ng maramdaman kong walang tao ay pumasok agad ako para ma-i-lock ang pinto. Saka ko ito hinarangan ng mabigat na bagay. Umalis rin agad ako doan pagkatapos kong masiguro na walang makakapasok saka ako bumalik sa dalawang bata. Pagbalik ko meron na silang hagdang tali na nakalaylay kaya pinauna ko na ang batang lalaki na umakyat.


"No, let my sister go first," he said to me. This is the first time I heard him talk. "I'll carry her, so get up. Hold on tight okay?"


Tumango lang siya kaya tinulungan ko na siyang makaakyat. Dahil sa pader ay nabawasan ang pressure ng paggalaw ng taling hagdan, at itinali ko rin ang dalawang dulo nito sa railings ng veranda para hindi ito magalaw.


Noong nasa kalagitnaan na ang batang lalaki ay saka kami sumunod noong batang babae, nakakapit siya sa akin kaya hindi na ako nahirapang umakyat pero aminado ako na mabigat din pala ang bata na 'to habang tumatagal.


Kinuha na nila Cyan ang batang lalaki pagkarating nito at hinintay na lang nila kami. I was in the middle ng pagakyat ng biglang naputol ang kanang tali na kumukunekta sa isat-isa. Napakapit ng mahigpit sa akin ang bata at ako naman ay humampas sa pader. Bullshit!


What's the sense of experiencing all the shit I've experienced kung itong tali lang na ito ang papatay sa'kin? Ikinapit ko ang kamay ko sa natitirang tali at binitawan na ang naputol, this time itinutulak ko na lang ang sarili ko para makaakyat habang hinihintay kami ng mga nasa taas.


"We need to leave now, masisira na ang pinto!" sigaw ng kung sino na dinig na dinig ko mula rito sa kinaroroonan namin.


"Block the door!" hiyaw ni Sky na sigurado akong ang pinatutungkulan ay mga tauhan niya.


"Naya? You can do it come on!" hiyaw ni Blue sa akin. Loko na 'to ah, ang sakit kaya ng tagiliran ko.


"Hold on tight Princess, trust her!" hiyaw rin ng batang babae sa kapatid niya.


Hindi nagtagal ay naiangat ko na ang sarili ko at ngayon ay nakatuntong na sa tali. Kaunti na lang at nakaakyat na rin kami. Hinila agad ako ni blue at Cyan pagakyat ko at si Wincess naman ay kinuha agad ang bata.

Underground Society: HUNTERS (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon