HUNTERS 7

1.5K 33 2
                                    

(Nyx's POV)






"May balita na ba tayo sa mga dati nating kasamahan sa DRU?" Naya ask us habang busy siya sa panonood sa footage sa buong school.


Nasa monitoring room kasi kami ngayon, alas sais na ng hapon pero nandito pa kami. Papalitan din naman kami ng iba mamaya kaya, tinatapos na lang din namin ang shift namin.


"May ilan na kaming nakumbinsi pero may ilan pang natitira, naniniwala pa rin kasi sila na nagkataon lang 'yon," sagot ni Cyan.


Bullshit? Nagkataon? Seryoso ba sila? Nasisiraan na ba sila ng bait? Nagkataon lang ba ang paglaban namin sa Venom X? Matagal na kaming pinaparusahan ng venom X na 'yan pero nagkataon pa rin ang nasa isip nila? Kahit pa sabihing magkakasama sa gang iyong mga namatay na 'yon hindi 'yon nagkataon lang.


"Naya?" Napalingon agad kami kay Apollo nang tawagin niya si Naya, pagkatapos ay iniabot niya rito ang phone ni Naya na hiniram niya kanina.


"Y-yes Dad?" Naya answered at biglang nagulat ang casual na muka niya kanina.


Napatayo pa siya mula sa pagkakasandal sa mesa na malapit sa mga monitor, kaiba sa reaksyon niya kanina. Bakit kaya?


"Y-yes Dad, I-I'll inform them para magawa agad ang paglilipat. Thanks Dad, thank you. Please take care," Naya said again.


Wait? May na-convince sina Tito na lumipat ulit? Tahimik kaming naghihintay kay Naya at ilang minuto pa niyang kausap si Tito, bago niya ibaba ang phone niya sabay tingin sa amin.


"Dad said someone attack KSU and killed 13 students na kasamahan natin dati sa school, and Dad believes its Third," walang paligoy-ligoy niyang sabi sa amin dahilan para lalo kaming matahimik.


Nagkatinginan din agad kami sa gulat sa balita niya. That's bullshit! That's KSU. Our family owned it. Paano napasok ni Third ang lugar na iyon?


"Because of that, nakumbinsi ang mga natitira doon na lumipat kasama natin. Now I need to move, ako na ang gagawa ng paraan. I wanna see them pati na iyong ibang pinatay," Naya said again kaya nilapitan na siya ni kuya Eos.


"I'll stay here, Styx, Cyan, Helios, Hercules go with her," kuya Eos said.


Bagay na ikinagulat ko rin dahil nagpaubaya siya, usually kasi ay siya palagi ang gustong sumama kay Naya. Tumango lang din naman ang mga tinawag ni Kuya, saka tinanguan ni Kuya si Naya but she hug him bago nagpasalamat at saka sila umalis. Siguro nahalata rin ni Naya ang pagpapaubaya ni Kuya para lang magawa niya ang gusto niya.


Agad din silang humanda at lumabas habang tahimik pa rin naman kaming mga naiwan dito. Si Naya na ang kikilos kaya maghihintay na lang kami.


"This is bullshit! Sana makumbinsi ni Naya ang iba pa para makarating na agad sila dito, or else mauubos sila," asar na sabi ni Fredrick.

Underground Society: HUNTERS (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon